Chapter 39 - Hoodlum

59 8 0
                                    

Stephen Harris' POV

Fast Forward (After 2 years)

"Jacob!! Napakabait naman palang bata nitong si Gabri---"

"Tita, Shayne po."

"Okay! Take two!" *ehem* *ehem* "Jacob!! Napakabait naman palang bata nitong si Shayne!! Ayan, masaya kana?"

"Hahahahaha! Ang cute niyo magtita."

Nagkatinginan kami ni Tita.

"What?" Gulat na tanong ni Shayne. Ngayon lang kasi ulit siya tumawa. Sa loob ng dalwang taon. Imagine-nin niyo yun.

Alam kong Gabriella Kayne Faulkerson ang totoo niyang pangalan. Nai-kwento niya narin sakin lahat ng masasakit na nangyari sa kanya noon. Kaya naman pala hindi imposibleng magkasakit siya.

Buti nalang at magaling na doctor si Tita.

"Tita, uuwi napo kami ni Shayne." Paalam ko dahil baka hinahanap narin kami ng CATASTROPHE.

"Why so early naman? Gusto ko pa siya makasama."

"Tita naman.. Magdadalwang taon na na kayo ang laging magkasama, hindi ka parin nagsasawa sa pagmumukha niy---"

"SO SINASABI MO JACOB NA NAKAKASAWA NA ANG MUKHA KO?? GANUN BA?" Tiningnan ko siya na masama na ang tingin sakin.

"Hehe. Hindi naman ganun, love."

"Ganun kaya pinapalabas mo!!!" *kamot-ulo* tingnan mo 'tong si Tita ginatungan pa.

"Love lovin mo yang mukha mo!!" Niyakap ko siya mula sa likod.

"Sorry na po. Joke lang naman, e. Gusto ko lang naman pauwiin na tayo ni Tita."

"SO GANUN? GUSTO MO SIYANG ILAYO SAKIN!?" Galit na tanong ni Tita. Hayy. Anu ba naman 'tong dalawang 'to?

"Hindi po ganun. Gusto ko lang pong makapagpahinga na si Shayne."

"BAKIT PINAPAGOD KO BA SIYA!!?"

Hindi na nga ako magsasalita. Wala naman akong lusot sa dalwang 'to.

***

"Love, Bakit kailangan pa nating baguhin ang pangalan ko?" Tanong sakin ni Gab ng makapasok kami ng kotse.

"Para yun sa safety mo. Saka pag ibang tao lang naman ang kaharap natin. Pero pag tayong dalawa lang pwede nating gamitin ang totoong pangalan natin." Paliwanag ko sa kanya.

"Hindi ko parin maintindihan kung paano ako nakasama sa CATASTROPHE, saka kung bakit kita nakilala."

Hinawakan ko ang isang kamay niya saka hinalikan, "Importante paba 'yun? Ang importante kasama kita at hinding hindi ko hahayaan na mawala ka sakin."

Tumango lang siya habang nakangiti. Hindi ko parin maintindihan kung anung nagustuhan ko sa kanya. Pero sa ilang taong nakasama ko siya, unti-unti ko na siyang minahal at ngayon... hindi ko kayang mawala pa siya.

"Nga pala, Gab. Bukas na magsisimula ang training mo."

"CATASTROPHE ba ang magte-train sakin?"

"Nope, hindi nila alam na hindi kapa likas na marunong makipaglaban."

Kung naaalala niyo, iba talaga dapat yung kukunin kong babae. Hindi si Gab. Masyadong matalino ang babaeng 'yun kaya nagpanggap siya na si Gab. Sa kasamaang palad siya ang namatay dun sa sumabog na eroplano. I should thank her for that, dahil naligtas si Gab sa tiyak na kamatayan.

When You're GoneWhere stories live. Discover now