Chapter 15 - Cold

177 14 0
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Nang makarating kami ng school. Nakita kong may kausap si Ivan.

Yung babaeng cute magsalita. Ewan ko ba. Nakalimutan ko pangalan nun. Pero parang biglang may kumurot sa puso ko.

Ewan ko ba! Hayst. Wala lang siguro 'yun.

"Gab, uy!" Sabi ni Trevor habang winawagayway ang kamay niya sa mukha ko, "Bakit mo sila tinititigan?"

"Ah, wala.. sige tara na."

Papasok na kami sa kanya-kanyang rooms namin, naramdaman kong sumunod narin si Ivan kasama yung kasama niya.

Alam kong nakita niya ko pero di manlang niya ko pinansin.

Dati kahit ilang metro ang layo namin nakaway siya sakin, ngayon nilalagpasan niya nalang ako. Nakakalungkot lang isipin na nag-iba na siya sakin.

Nako po! Nakalimutan ko na malapit na ang eleksyon! Kayo talaga. Bakit di niyo pinaalala sakin? :3. Wala naman talaga akong balak ipanalo. Pero kailangan eh.

Nang mag lunch break, 15 minutes lang kami kumain ni Trevor at yung another 15 minutes inilaan namin para gumawa ng posters na may nakalagay na...

Vote for Gabriella Kayne Faulkerson

Tapos yun namang 30 minutes ay para pumunta bawat classroom para mangumpanya.

Malakas ang kutob ko na mananalo ako. Pano ba naman kasi pag si Trevor ang namimigay ng mga papel na nakasulat: VOTE FOR GABRIELLA KAYNE FAULKERSON. Walang makatanggi at napapansin ko rin na kilig na kilig ang mga babae.

Nakita ko si Ella sa may fountain. Namimigay din siya ng mga papel na ang nakalagay naman ay: VOTE FOR JILLIAN PEREZ.

Bestfriends ata sila nun eh. Malakas din ang appeal nung Jillian na yun. Palagay ko magiging matinding kalaban ko din siya. Teka, teka. Bat ko ba 'to siniseryoso.

Ayoko nga diba? Hayy. Lumapit sakin si Ella. Kasama ang boyfriend niya na si Lester.

Ganito kasi yun. Si Lester ay yung kasama ni Trevor sa room. Yung walang ginawa kungdi magvideo games.

Isang beses lumabas siya ng kwarto. Tapos nagkabanggaan sila ni Ella tas ayun nalove-at-first-sight sila sa isa't isa. Tapos.... teka nga, bakit ko ba kinukwento? Ano bang pake n'yo?

"Hey, vote for Jillian Perez!" Sabi ni Ella sabay abot ng papel sakin. Kukunin ko na sana kaso.

"Ano kaba, Ella. Panu nya iboboto si Jillian eh natakbo din siya." Sabi ni Lester.

Wew. Mukha bakong natakbo? Ni hindi nga ko naglalakad eh. Pfft.

"Oooops.... Sorry, hindi kasi mukhang ikaw yung natakbo. Parang si Trevor." Sabi ni Ella na parang pataray sabay umalis na siya. "Halika na, babe!"

"Ahh. Gab, h'wag mo nalang sabihin kay Trevor yun ah, malilintikan ako dun eh." Sabi sakin ni Lester tas tumango nalang ako.

"Lester!" Sigaw ni Ella.

"Eto na, po!" Sagot niya.

Grabe! Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Ina-api ng babae ang boyfriend niya. Kung ako yun, hinding hindi ko yun gagawin kay Trevor.

Biglang dumating si Trevor. Binigyan niya ko ng drinks.

Ilang sandali pa tumunog na ang bell. Pumasok na kami. Nakita ko rin na pumasok na rin si Ivan at ang new bestfriend niya.

Wala ako sa mood magaral ngayon. Fail nga yung dalawang quiz ko eh. Yung isa 78% nakuha ko yung isa naman 74%. Hay, anu bang nangyayari sakin.

At sa wakas nagbell na uli. Tinawag ako ni Ms. Tapia kaya lumapit ako sa kanya. "Gabriella, sa buong school year ngayon ka lang nagkaroon ng ganong kababang score. May problema kaba?"

"Miss, hindi lang po ako nakapagreview. Naging busy po kasi sa pangungumpanya."

"Ok. Basta sa susunod galingan mo."

Tumango nalang ako at umalis na sa room. Biglang nagvibrate ang cellphone ko.

Trevor:

Babe, sorry hindi kita masasabayan ngayon pauwi. Nagkayayaan kasi kami ng tropa eh. Sorry talaga. Pero kung magpapahatid ka punta na ko dyan.

Reply:

Ok lang yun, babe. Sasabay nalang ako kay na Vea. Enjoy nalang. Ingat. I love you!

Pagkatapos nun. Nilagay ko na sa bag ko yung cellphone ko.

Bigla kong nakita si Ivan. Hindi niya kasama ngayon yung new bestfriend niya.

Kaya naisip kong yayain siya para magmiryenda at makapag-usap natin.

Nilapitan ko siya.

"Hi best! Hehe." Awkward na sabi ko. Bakit ba ako nagkakaganito?

"Ano bang kailangan mo?" Bakit ganun yung reaksiyon niya? Dati naman di na niya tinanong kung anong kailangan ko.

"Ah.. eh.."

"Pwede bang diretsuhin mo nalang ako?"

"Pwede mo ba kong samahan? Libre kita na kita ng miryenda." Ngumiti ako sa kanya. Pero blanko yung mukha niya. Walang reaksyon.

Unti-unti nang nawala sa mga labi ko ang ngiti ko.

"Sorry, pero may lakad kami ni Lhara. Bibili kasi siya ng shoes niya kasi nasira yung ginagamit niya ngayon."

"Wala bang ibang araw na free ka?"

"Wala, pagkatapos nito. Magrereview pa ko. Kinabukasan pupunta ko sa concert kasama si Lhara." Tapos tumalikod na siya sakin at nagsimulang maglakad.

"Bakit ang cold mo?" Sabi ko na kinabigla ko rin.

Humarap siya sakin saka nag-smirk, "ngayon tinatanong mo ko kung bakit?"

"Best, ano bang nagawa ko sayo? Dati kapag may mga lakad ka ako lagi kasama mo. Kahit gano man kaimportante yun. Hindi mo pupuntahan para lang makasama ako!" Padami na ng padami ang taong nanonood samin. Yung iba nga vinivideo pa ata, pero wala akong pakielam. "Dati pa---" naputol ang sinasabi ko dahil bigla siyang sumagot.

"Dati yun! Bakit ikaw ba? Hindi nagbago. Diba nagbago kadin? Pupuntahan mo nalang ako pagwala si Trevor. Pero pag andyan di mo manlang ako nais---" sagot niya na pinutol ko dahil masyado nakong nasasaktan sa mga sinasabi niya.

"Ivan, Ivan. Boyfriend ko siya. Natural lang na lagi kami magkasama!" Napalakas ang sabi ko nun.

"Yun na nga eh. May girlfriend narin ako. Parehas tayo ng sitwasyon. Kaya wala ka dapat isumbat sakin." Naglakad na siya papalayo at mas mabilis pa kaysa kanina. Wala nakong naisagot pa. Parang sobra kong nasaktan.

Bigla nalang naghina ang mga tuhod ko at napa-upo nalang ako sa sahig. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Nagalisan na ang mga taong nasa paligid ko. Buti naman para wala ng ibang makakita ng pag-iyak ko dito.

Malas naman, ngayon pa umulan. Sana naman wala nang mas malala pang pwedeng mangyari.

twitter: @aileneswift

#WYGCold

When You're GoneWhere stories live. Discover now