Chapter 23 - Brother

74 13 0
                                    

Veatrice Daniels' POV

Patay na si Trevor. He's dead-on-the-spot. Masyado talagang mabilis ang pangyayari. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.

Sino bang makapapaniwala na magagawa yun ng isang Mitchell.

"Asan ang mga anak ko! Ilabas niyo sila!" Narinig kong sigaw ni Tita Shannel. Wait.. Mga anak?

Pagtingin ko siya nga at pinagsisigawan niya yung mga nurse dun.

Lumapit agad kami ni Trisha para pigilan siya at sabihin kung nasaan si Gab.

"Tita!" Pagtawag namin ni Trisha.

Napatingin naman siya agad.

"Nasan sila?" Direktang tanong niya. But, wait...

"SILA, po?"

"Oo, sila. Ang mga anak ko."

"Pero, Tita.. si Gab lang po ang anak niyo."

Napaiyak siya.

"No... hindi lang siya."

Nagkatinginan kami ni Trisha.

"Anak ko din si Trevor."

"P-Pero tita-"

"Oo, nung una hindi ko siya nakilala. Pero nung nalaman ko ang surname niya. Na-confirm ko na.

Napatahimik nalang kami ni Trisha.

"Tita, andito po si Gab." Sabi ni Trisha saka nag-lead ng way namin papunta sa kwarto kung saan naka-confine si Gab.

Shannel Faulkerson's POV

Nagluluto nako ng paboritong ulam ni Gab para madala ko sa kanya mamaya sa pagdalaw ko.

At habang ginagawa yun nanonood ako ng TV. Palabas na kasi yung pinapanood kong teleserye tuwing hapon.

Nang naghihiwa ako ng gulay napasarap ata ako sa panonood ng TV kaya nahiwa ko ang daliri ko.

Agad ko namang hinugasan yun.

"Flash Report, isang prisinto ang sumabog ilang oras ang nakakalipas. Tinatayang anim ang sugatan dahil sa pagsabog."

Bigla akong napatingin sa TV. Posibleng nadamay ang anak ko dun.

"Sa pagiimbistiga ng mga pulis, may nag-iwan ng bomba sa harapan mismo ng gate. Inakala raw nilang pagkain lang ang laman noon kaya hindi nila pinagtuunan ng pansin.

"Sa lugar din na yun ay may mangyaring pangho-hostage na kinasangkutan ni Trevor Mitchell na siyang mismong bumaril sa sarili niya. Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na ang dalawang biktimang si Gabriella Faulkerson at Ivan Lesnie. Iniimbistigahan narin ang nangyaring insidente."

Ang mga anak ko!

Agad nakong lumabas para puntahan sila sa ospital.

***
Pagpasok ko ng kwarto nakita ko agad si Gab na nakahiga sa kama.

Napa-iyak ako. Nagkasama lang kami sa panahon pang ganito.

Na-upo ako sa tabi niya at hinaplos haplos ang buhok niya.

"Nak, gising kana. Promise pag gising mo.. hindi na kita iiwan. Magsta-stay nalang ako sa tabi mo." Sabi ko saka siya hinalikan sa noo.

Bigla kong na alala si Trevor.

Napatingin ako sa dalawang kaibigan ng anak ko.

"Asan si Trevor?"

Hindi ko alam pero parang hindi nila alam ang sasabihin nila.

"U-Uhm.." sabi nung Trisha.

"Tita, kasi po.." Vea.

"ANU BA? DIRETSUHIN NIYO N-"

"Patay na po siya." Trisha.

Siniko ni Vea si Trisha.

"WHAT? Sigurado ba kayo sa sinasabi niyo?"

Tumango lang sila ng mabilis.

"Asan siya?"

Dinala nila ko kung nasaan ang bangkay ni Trevor.

Nang makarating kami dun nakataklob pa ng kumot ang bangkay niya.

Lumapit ako at dahan dahang tinanggal yung kumot para makita kung siya nga ang nandon.

Pagbukas ko napaluhod ako at napahagulgol sa iyak.

"ANAK!!!"

Lumapit sakin yung dalawa para i-comfort ako pero hindi ko mapigilan ang paghangul ngol ko.

"B-Bakit ganun? B-Bakit naman inunahan mo pa ko? Dapat ikaw y-yung iiyak sa bangkay ko, eh. Ang daya mo. Alam ko namang galit ka sakin. Sino ba namang hindi magagalit sa isang ina n-na bigla ka nalang iniwan tapos babalikan ka pag patay kana. Sorry, anak. I'm really really sorry... but it's too late. Siguro nga karma ko narin 'to dahil a ginawa ko sa inyo ng daddy mo noon. I'm sorry, anak!"

"Tita, tama na po yan." Sabi ni Vea. Nang tingnan ko siya umiiyak narin siya pati ang kasama niyang si Trisha.

Niyakap nila ako.

"Tita, sabi nga nila, diba? Everything happens for a reason."

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Nagising ako na puro puti lahat. Sino bang maga-akala na mabubuhay pako pagkatapos nun. Oo, sa tiyan ako tinamaan pero sa parteng tiyan na malapit na sa puso.

Pakiramdam ko gusto niya talagang patamaan noon ang puso ko.

Nagtataka lang ako kung bakit isa lang ang tama ko. Dalawa kasi yung narinig kong putok ng baril.

Hindi rin ako makapaniwala na magagawa ni Trevor na patayin mismo ako.

Narinig kong bumukas yung pinto.

"Gab! Gising kana!" Sabi ni mom. Saka nakangiting lumapit sakin. Pero nakikita ko parin sa mata niya na malungkot siya.

Tumulo ang luha niya.

"Mom, why are you crying?"

Suminghot siya, "dalawang dahilan anak... una dahil masaya ako dahil gising kana at pagalawa... patay na ang kapatid mo.."

Natigilan ako dun..

"Mom.. kapatid? May kapatid ako?"

Hinaplos niya yung buhok ko, "Mamaya nalang natin pag-usapan yan. Pahinga ka muna. Bibili lang ako ng pagkain mo."

Sabi niya at tumayo at dumaretso na palabas ng pinto.

When You're GoneWhere stories live. Discover now