Chapter 42 - Trevor's Journal

62 9 1
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Pumunta ako sa room ni Trevor. Kung nagtatakha kayo kung bakit wala paring ibang gumagamit nito..

Simple lang..

Walang gustong mag-stay dito. Takot silang lahat kaya nanatili lang bakante ang room na 'to sa loob ng tatlong taon.

Kinuha ko ang isang hairpin sa buhok ko, tumingin sa paligid saka binuksan ang pinto.

Hindi ko makapaniwala sa nakita ko. Napangiti nalang ako.

Isipin mo, lahat ng gamit niya nandito pa. As in lahat. Magulo din ang kama. Na kung titingnan mong mabuti, kung ano ang ayos nito ng huling iwan ni Trevor, ganito parin 'to hanggang ngayon.

Punong puno ng alikabok at mga sapot ng gagamba ang buong kwarto.

Hindi ko na binuksan ang ilaw para walang makahalata na pumasok ako dito. Ginamit ko nalang ang flashlight ng phone ko.

Nagsimula akong maghalungkat sa mga drawers. Cool.. may iba't ibang klase syang knife. Hindi ko inakalang hahanga ako sa mga ganito. Dahil hindi tulad dati na takot ako sa mga ganitong bagay. Dahil narin siguro sa nakita ko ang bangkay ni Lester noon.

Binuksan ko pa ang isang drawer. Puro gloves naman ang nandito. Mautak din 'tong si Trevor. Everytime na gagawa siya ng krimen naglalagay siya ng gloves para walang kahit anong trace na makuha.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito e. Gusto kong malaman ang dahilan ng pagpatay niya. Baka kahit isang clue man lang may mahanap ako. Para malaman ko rin kung sino ang totoo kong kaaway, matapos kong pabagsakin ang mga Knights.

Nagkamali sila ng binangga nila noon.

Nang wala akong makita sa mga drawers inilibot ko ang flashlight. Bookshelf!

Lalapitan ko na sana yun nang may maramdaman ako sa tinatapakan ko. Hindi siya gaya nang mga una kong tinapakan. Para siyang mahuna.

Umupo ako at doon itinutok ang flashlight para makita ko yun nang mabuti. Sinubukan kong katukin yun gamit ang isang daliri ko.

Hindi lang siya basta sahig. Dahil sa na-curious ako hinila ko yun at kapag sinuswerte ka nga naman...

Nabuksan! Para siyang drawer pero sa sahig nakalagay. Wow! Imposibleng school ang gumawa nito. Kaya sigurado akong si Trevor ang gumawa nito.

Hinila ko pa yung drawer hanggang sa mailabas ko na siya. Napatigil ako sa nakita kong laman nun. Ito naba ang susi sa lahat? Eto naba ang sasagot sa lahat ng katanungan ko?

"My Journal." Mahinang basa ko sa malalibrong laman ng drawer na 'to.

Kinuha ko ang journal saka ibinalik ang mala-drawer na sahig sa dati nitong kinalalagyan.

Dahan-dahan ko itong binuklat.

Trevor Mitchell

Harold Young's POV

Napaka-challenging talaga nitong pinapagawa ni Crizzia. Aaminin ko, mas trip ko ang mga ganitong bagay kaysa makipaglaban. Tsk. Nakakapagod kaya.

Lucas Faulkerson

Kung ano-ano nang sites ang hinack ko. Ilang araw narin akong naghahanap pero wala akong makita. Lagi lang lumalabas ay siya ang leader ng Hoodlum kasama ang asawa niya na si Shannel Faulkerson.

Hay.

Open lang ako ng open ng mga files nang may makita ko.

Yes! Wala pang isang buwan may nakita nako.

When You're GoneWhere stories live. Discover now