Chapter 28 - Trouble

71 11 0
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko at bukod sa dilim wala akong ibang makita kundi ang isang ilaw sa itaas ko.

"Mabuti't nagising kana. Akala ko mamamatay kana agad ng hindi manlang nahihirapan." Sabi ng isang boses sa dilim.

Alam kong malawak ang lugar dahil ang ilaw sa taas ko ay pwede ng mabigyan ng liwanag ang isang buong kwarto pero sa laki ng liwanag na inaabot nito hindi parin mailawan ang buong lugar.

Naramdaman ko na nakatali ako sa isang upuan. Anu bang nangyayari hindi ko naiintindihan.

Pinilit kong alalahanin ang mga huling nangyari at ang naalala ko lang ay noong pinainom ako ni Skyler ng kung ano bigla nalang ako nanghina at pagmulat ko, nandito nako sa lugar nato.

"Puzzled?"

"Sino ka!? San mo ko dinala." Ume-echo ang boses ko pati narin ang babaeng nagsasalita.

"Ako ang kamatayan mo. At nandito ka sa huling hantungan mo." Tumawa siya ng kaunti sabay naging seryoso. Baliw na ata 'to. "Nakakatawa diba?"

"Anu bang kasalanan ko sayo??"

"Dahil kasalanan mo ang lahat. Kasalanan mo kung bakit nawala si Trevor!" Lumapit siya sakin na may dalang baril hanggang sa nakikita ko na ang mukha niya. Siya yung kapatid ni Sky. Hindi kaya?

Skyler Knight's POV

Dumating ako sa school ng may nagkakagulo nanaman. Hay, si Sofia nanaman panigurado 'to. Nakita ko kung sino ang babae. Si Gabriella. Yung sinasabi niya saking galit na galit siya at gusti niyang gantihan sa pagkamatay ng mahal niya.

Pagkatapos kong ipagtanggol si Gabriella sa kanya at ihatid tinawagan ko siya.

[PAGKATAPOS MONG KAMPIHAN YUNG BABAENG YUN TATAWAG TAWAGA-]

Napatakip ako sa tenga ko. Ang sakit sa ulo ng babaeng 'to.

"Shut up! Ang bobo bobo mo! Hindi mo man lang naisip na kaya ko yun ginawa para mas magantihan mo pa siya. Tanga mo! Pano mo pa sya magagawan ng plano natin kung papakitaan mo na sya ng tunay na ikaw."

Natahimik siya dun. Naisip niya na wrong move nga ang nagawa niya.

"Let me handle, this. Ikaw nang bahala sa iba. Ako na ang magdadala kay Gabriella sa hinanda mong lugar."

Pinatay ko na yung phone. Tss. Hindi nagiisip.

Nang uwian na nina Gabriella sinundo ko na sya.

Kahit hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, mas pipiliin ko namang kampihan ang kapatid ko.

Nang dinala ko siya sa restaurant nilagyan ko ng pampatulog ang inumin niya habang nagbabanyo siya.

To: Sofia
San ang location mo?

From: Sofia
Sa may abandonadong building malapit sa heaquarters ng gang.

Pagkatapos nun agad nakong pumunta dun dala dala si Gabriella.

"Sofia!" Tawag ko pagkapasok ko sa abandonadong building.

Then I heard a slow clap.

"Hindi ko alam na matalino ka pala kuya."

"Well, mas matalino ako sayo."

"Where is she?"

"Nasa kotse."

"Get her." Utos ni Sofia sa mga iba pang member ng gang. Dali dali naman silang sumunod.

Ang pamilya namin ay myembro ng organization na nag ngangalang Hoodlum na isa sa pinakamalakas sa buong mundo.

Kung titingnan mo lang si Sofia parang hindi niya kayang pumatay. But you're wrong.

Sa katunayan, ang ilang namatay sa dorm ay sya ang may kagagawan. Dahil nga sa may nauna nang mga kaso ng patayan at sa CR nilalagay pagkakamalang ang mamamatay tao ay isa lang.

At ang lahat ng iyon ay napabintang kay Gabriella na kalaunan na natuklasan na si Trevor ang killer.

Kaya naman inosenteng inosente parin ang image ng mabait kong kapatid.

Nung una. Sinubukan naming alamin kung sino ang killer which is si Trevor nga. Dahil nakitaan namin sya ng potential. Sa dami ba naman ng napatay niya hindi siya ma huli huli. Pero hindi kami nagtagumpay.

Masyado syang maingat. Isa pa, sino ba ang magaakala nga naman na siya?

At hindi sya napatay ng kahit sino. Dahil siya narin ang pumatay sa sarili niya.

Ngayon naman lahat ay sinisisi ng kapatid ko kay Gabriella. Well, wala nakong magagawa. Sofia is Sofia. She will kill whoever she wants to kill.

Sa totoo lang hindi ko pa alam ang plano niya. So nandito ako ngayon para panoorin. Matagal narin akong hindi nakakapanood ng death scenes.

Nang magising na si Gabriella agad nagsalita si Sofia.

"Mabuti't nagising kana. Akala ko mamamatay kana agad ng hindi manlang nahihirapan." G*go! Diba papatayin din naman niya si Gabriella. Anu pa bang balak niya. Anu bang tumatakbo sa utak ng kapatid kong 'to? "Puzzled??" Tanong pa niya.

"Sino ka!!? San mo ko dinala?" Tanong naman ni Gabriella.

"Ako ang kamatayan mo. At nandito ka sa huling hantungan mo." Tumawa siya ng kaunti sabay naging seryoso. Hindi baliw yan hahaha. Ganyan lang talaga sya manakot. "Nakakatawa diba?"

"Anu bang kasalanan ko sayo?" Paiyak na tanong ni Gabriella. Weak. Wala pa nga eh iyak na agad.

"Dahil kasalanan mo ang lahat. Kasalanan mo kung bakit nawala si Trevor!" Lumapit siya kay Gabriella hanggang sa nakikita na ni Gabriella ang mukha niya.

"I-Ikaw?" Halata mo ang pagkagulat sa mukha ni Gabriella.

"Ako nga." Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Hindi ko kasalanan kung bakit sya namatay. SIYA ANG PUMATAY SA SARILI NIYA!"

"HINDI NIYA GAGAWIN YUN KUNG HINDI MO SIYA NILOKO!" Sigaw pabalik ng kapatid ko saka kinasa ang hawak niyang baril at tinutok kay Gabriella.

Halata mo sa mukha niya na takot na takot siya. Itutok ba naman sa noo mo yung baril.

Tumawa nanaman ang kapatid ko. Para syang nawawala sa katinuan.

"Dont be afraid. Hindi pa kita papatayin. Ano? Ganun ganun nalang yun. After what you've done pahinga na agad? NO WAY!"

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

"Dont be afraid. Hindi pa kita papatayin. Ano? Ganun ganun nalang yun. After what you've done pahinga na agad? NO WAY!"

Nakakatakot na ang babaeng 'to. Nababaliw na ata sya.

Nakaramdam ako ng sobrang takot. Anu pabang binabalak niya?

"Ilabas sila!" Sigaw niya. Nakaramdam naman ako ng mga naggalawan sa paligid.

Ramdam kong marami sila dito.

"Anak!" Kilala ko ang boses na yun! Boses yun ni Mommy. No!

"Gab." Sabay namang tawag ni Trisha at Vea.

Kahit di ko sila nakikita dahil nasa dilim sila. Alam kong sila yun.

When You're GoneWhere stories live. Discover now