Chapter 22 - His Death

90 13 0
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

"Gab, uwi na kami ah. Gabi narin kasi. May pasok pa kami bukas." Sabi ni Vea.

Patayo na sana sila pero pinigilan ko sila.

"Wait.. si Ivan?"

"Wala kaming balita sa kanya simula kahapon. Baka naman busy. Malapit na rin kasi ang exams."

"P-Pero.. nakakapanibago lang kasi simula nung nakulong ako walang araw na hindi siya pumunta dit-"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla nalang nag-alarm.

May mga dumating na pulis para papuntahin kami lahat sa may safe na lugar.

"Anu pong nangyari?" Tanong ni Prince.

"May bombang sumabog sa may tapat ng gate. At sa ngayon kumakalat na ang apoy dito kaya pumunta na kayo sa ngayon."

Agad naman kaming sumunod sa karamihan.

Sinamahan kami ni mamang pulis.

Nang madala kami sa may quadrangle bigla namang nagtatakbo yung mga pulis papalapit samin.

Hingal na hingal sila ng makalapit samin.

"M-May nangho-hostage sa labas. Kailangan ka namin para palibutan siya-"

"Sino po yung hino-hostage?" Natanong ko bigla. Bigla kasi akong kinabahan nang sabihin niya 'yun.

"Hindi namin ala- Teka! Ikaw ba si Gabriella?"

"O-Opo? Bakit po?"

"sumama samin. Ikaw yung hinahanap nung nangho-hostage."

"Po?"

Hindi nako nakatanggi ng hinila na nila ko palabas.

Nagulat ako sa nakita ko.

Si Trevor...

Hino-hostage niya si Ivan.

Pero mukhang hinang-hina na si Ivan.

"Siya ba ang hinahanap mo?" Tanong ng isang pulis kay Trevor

"G-Gab?" Halatang nagulat siya ng makita niya ko.

Bigla akong napa-iyak. Sobrang sakit. Na makita siyang ganto. At higit sa lahat ang makitang tinututukan niya si Ivan ng baril sa ulo. At anytime pwede niyang biglang mapaputok yun.

"Bakit mo ginagawa 'to?"

"Dahil mahal kita, Gab-"

"Kung mahal mo talaga ko. Dapat hindi mo ko hinayaang makulong. Sana umamin kana na ikaw yung PUMAPATAY SA DOR-"

Biglang nanlaki ang mata niya, "AT ANO, GAB? HAHAYAAN MO KONG MAKULONG!!? AT IKAW MAGPAPAKASAYA KASAMA NG GAGONG 'TO!?"

"Ms. Faulkerson, mas pinapalala niyo lang siya." Bulong sakin ng isang pulis.

Dahil sa sinabi niya naaisip ko na hindi ko siya makukumbinsing bitiwan si Ivan kung hindi ko siya uutakan.

Naglakad ako papalapit kay Trevor.

"Ms. Faulkerson." Pigil sakin ng isang pulis.

"Okay lang po. Alam ko po ang ginagawa ko."

Lumapit ako sa kay Trevor.

"Trevor, b-baka naman pwede nating p-pagusapan 'to?"

"ANUNG PAG-UUSAPAN NATIN!!? NA SUMUKO AKO? KWES! HINDI AKO PAPAYAG!"

"Trevor hindi naman yun."

"ANO!?"

"Gusto kong pag-usapan natin... yung atin." Nakita ko na nagbago ang aura niya. Kung kanina makikita mo sa mga mata niya na galit na galit siya. Ngayon nag-iba.

"Mahal mo pa ko?" Ngumiti siya at tumango naman ako.

Kailangan kong gawin 'to para makumbinsi siyang bitawan si Ivan.

"So, sasama ka na sakin pagkatapos nito? Magiging masaya na tayo. At-"

"T-Trevor, pwede bang b-bitawan mo mun yang hawak mong baril a-at ibigay na natin si Ivan sa kanila. P-Para maka-alis na tayo."

Sobrang saya na ng mukha niya, "okay, basta para satin gagawin ko ang lahat."

Binaba na niya yung baril pero hawak niya pa rin si Ivan.

"A-ah. Dadalin ko na si Ivan dun para maka-alis na tayo. Na tayong dalwa lang."

"Sige. Tulungan na kita."

"H-Hinde. Ako nalang."

Binigay niya sakin si Ivan.

Inakbay ko siya sakin. Lumapit naman ang mga pulis para tulungan ako.

Nang makarating na kami dun, pinalibutan na ulit si Trevor ng mga pulis.

Nakita ko sa mukha niya na bumalik ang masamang aura niya na may halong gulat.

Tumingin siya sakin at nilahad ang kamay niya, "Gab.. halika na."

Pero wala akong naging response. Tiningnan ko lang siya.

Sumimangot siya.

"GAB, HALIKA NA! LUMAPIT KA SAKIN. AALIS NA TAYO DITO." May pagbabantang sabi ni Trevor.

"Trevor Mitchell, sumuko kana. Napapalibutan kana namin."

Ang sama ng tingin sakin ni Trevor.

"GAB! NILOKO MO KO!? NILOKO MO KO! PERO H'WAG KANG MAG-ALALA MAGSASAMA PARIN TAYO!" Trevor.

Ang bilis ng pangyayari, nahablot niya yung baril at tinutok sakin.

Pagtingin ko nalang may dugo sa bandang kanan ng tiyan ko at bigla akong nanghina.

Veatrice Daniels' POV

Binaril ni Trevor si Gab. Nagulat kaming lahat sa nangyari. Sobrang bilis.

At ang huling ginawa ni Trevor ang sobrang kinagulat naming lahat.

Binaril niya ang sarili niya.

Sa ulo.

Hindi kapanipaniwala ang nakikita ko ngayon.

When You're GoneМесто, где живут истории. Откройте их для себя