Chapter 31 - They'll Pay

48 9 0
                                    

Ella Henley's POV

Matagal tagal narin ng mawala si Lester sakin. Masakit talaga, pero ano nga bang magagawa ko.

Dahil nga dun, nahinto ang pambu-bully ko sa school. Nawalan nako ng gana. Isn't funny? Na kailangan pang mamatay si Lester para magbago ako. Sana pala nagbago na ako nung naging kami. Kung eto man ang paraan ni God para ipakita sakin ang mga pagkakamali ko. Tatanggapin ko.

Kasi siguro if he's still alive, isa parin akong brat at walang ginawa kundi utusan siya at mam-bully ng iba.

Well, alam kong galit na galit din ako sa loss niya. Gusto ko ngang gumanti kay Gab. Pero nalaman na si Trevor talaga ang may kagagawan.

Tumulo ang luha ko.

Ang sakit sakit.

Sa tagal na naming hindi nambu-bully nina Sev may mga pumalit na samin. Hindi kapanipaniwala na ang dating babaeng wala lang ngayon isa ng bully.

Papasok na ko ng school ng may nagkakagulo nanaman. Hay, kailan kaya matatapos 'to. Mas malala pa mangbully samin 'tong tropa nina Sofia.

Si Gab pala ang binu-bully nila. Well, naa-awa ako sa kanya pero ayoko nang mangielam. Hindi na ko ganung ka-powerful ngayon compare dati. Yung mga iba ko kasing so-called-friends kayna Sofia na sumasama.

Magpapatuloy na sana ako papuntang classroom pero napatigil ako. I mean, kaming lahat ata sa isang boses na puno ng otoridad.

"TUMIGIL KAYO!" Si Skyler!

"Kuya, h'wag kang mangielam dito." Sabi ni Sofia, "Malaki ang kasalanan ng babaeng to sakin!"

"Panong hindi kita pakikielaman, look! Nakakasakit kana. Dahil sa iba mo binubuntong ang galit mo."

Lumapit siya kay Gab at inabot ang kamay nito. Kinuha naman agad yun ni Gab at saka siya tinayo ni Skyler.

Inilayo na ni Skyler sa mga nambu-bully kay Ailene. Yung totoo? Kilala niya rin si Sky. Lahat nalang ng gwapo sa school kaibigan ni Gab. Pfft.

Inihatid pa siya ni Sky sa room. May namamagitan naba sa kanila?

Agad naman akong sumunod sa kanila dahil dun di ang room ko.

Ng uwian na nakita ko si Skyler sa may labas ng pinto. Wow! Haba naman ng hair ni Gab. Saka bilis niya makamove-on. Hello? Kailan lang namatay si Trevor.

Nagusap pa sila pero hindi ko yun marinig. Ilang minuto pa umalis na silang dalawa. Ako naman 'tong si chismosa. Sunod.

Pumunta sila sa isang resto. Pagkapasok nila nagCR muna si Gab habang umoorder si Sky.

Dahil gusto kong malaman kung may something na ba sa kanila, umorder pako ng shake para hindi halatang binabantayan ko sila.

Ang gwapo nitong si Sky. Pero mas gwapo parin si Lester. Kahit wala na siya :(

Nagulat nalang ako ng may inilagay siyang something sa isang inumin na nasa table.

Anu yun? Gayuma? Grabe naman pagkahumaling ng lalaking 'to kay Gab. Gagayumahin pa si Gab. Si Gabriella naman ang haba ng hair.

"How are you?" Panimula ni Sky sa isapan nila.

"Okay naman."

"Kwento ka naman."

"Wala naman akong ikwekwento."

"Alam kong may problema ka din."

Marami pa silang pinagusapan.

"Here, drink this. Para naman mawala ang problema mo kahit sandaling panahon lang." Sabi ni Sky nung matapos magkwento si Gabriella.

"Anu to?" Choosy pa :3 ay, teka. May nilagay dun si Sky kanina ah.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon