Chapter 37

689 22 4
                                    


Chapter 37

Sorry


Wala sa sarili akong nagtawag ng taxi para lang makauwi na. What happened in that shop is embarassing. Ano na lang ang iisipin ng mga tao? And for Zeid.. gosh! Really?

Mainit ang ulo ko nang makauwi sa mansyon. Sinalubong ako ni Nana na may suot na apron, mukhang gumagawa ng meryenda. Pinasadahan niya muli ako ng tingin.

"Dios ko, hija! Kita na ang kaluluwa mo diyan! Teka, ayos ka lang ba? Bakit mukhang hindi maganda ang timpla mo?" Sunod sunod niyang tanong.

Bumuntong hininga ako. "I'm fine, Nana. Just.. Just don't disturb me in my room. Matutulog lang po ako," paalam ko.

Kumunot ang noo niya. "Matutulog? Georgia, anong oras na! It's 3pm–"

"I don't care, Nana. Gusto ko lang po talagang matulog. Pakisabi na lang kay Ferd pag dumating na tulog ako."

Hindi ko na nilingon pa si Nana at diretsong nagtungo sa elevator para makapagpahinga na. Nagpalit ako ng damit at nahiga na sa kama. I couldn't sleep because of what happened earlier.

Bakit nga ba ako umalis?

Dahil sa ginawa ni Zeid? And? Ano ngayon, Georgia? Kung iisipin nga ng ibang tao na may.. may something sa inyo? You're not scared back then in New York if people will think that you are in relationship with someone.

Bakit ngayon nagbago?

Dahil.. dahil ba mayroon pa din akong nararamdaman kay Zeid? Hindi mo matanggap, Georgia? Hindi mo matanggap na hanggang ngayon ay may puwang pa din sa puso mo kung saan pag-aari ni Zeid ang puwang na iyon?

Dahil hindi ka naman talaga galit sa mga maaring maging reaksyon ng mga tao, Georgia. Galit ka kasi naapektuhan ka pa din sa simpleng kilos at salita ni Zeid. Iyon ang rason.

Maybe I couldn't accept this thing that's why I am irritated.. to myself. I can't accept the fact that after all these years.. I'm still into him.

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip. Mahimbing ang pagkakatulog ko noong mga oras na iyon. Nagising na lamang ako sa tunog ng cellphone ko. Halos sunod sunod iyon at napakaingay pa ng ring tone.

Dumilat ako at inabot ang cellphone na nakalagay sa drawer. Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang caller, basta ko na lamang sinagot iyon.

"Hello?" I asked, still sleepy.

Tumikhim ang nasa kabilang linya. "Georgia..."

Napahilot ako sa sentido ko. It's Papá..

"Yes, Papá? I'm sorry, ngayon ko lang po nasagot. I'm sleeping.."

"Oh! Okay.. okay. Uh, the President in the Empire sent me an email. Hindi ka raw sumasagot? Kumusta na daw iyong sa Makati?"

Oh no! Nakalimutan kong i-check ang email ko. Ilang beses na ba akong sinabihan ni Ferd tungkol doon? Sinapo ko ang ulo ko at napabangon sa kama galing sa pagkakahiga.

Hinilot ko ang sentido ko. "Uh.. I forgot. But don't worry, I will email the president regarding this matter."

Huminga ng malalim si Papá. "Okay, that's better. But.."

"But?" I asked.

Tinanggal ko ang muta sa mata ko at bumaling sa salamin. Nakita ko ring madilim na sa bintana. I guess.. napahaba ang tulog ko.

"I just want to say that I am in favor for that offer, anak. I don't know if after this.. uuwi ka na agad sa New York," aniya. "Maybe.. if you accept that offer, mas tatagal pa ang pag stay mo rito.. and it's purely because of work. But at least, I can still see you.. everyday.."

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now