Chapter 9

690 26 1
                                    


Chapter 9

Threat

"Oh." Padabog kong nilapag ang cellphone niya sa counter bar. Tiningnan niya ako at ngumisi.

"Tapos na?" Panunuya niya.

Sumimangot ako. "Obviously." Sagot ko.

Napatingin ako sa nakalagay sa counter bar. Nandoon na yung request kong sandwich. May pomelo juice na din doon. I wonder where's the Ice cream.

"Mamaya na ang ice cream pagkatapos mo kainin 'yan," sumbat ni Zeid habang tinitingnan ang cellphone.

Ngumuso ako. Kinain ko yon. Mukhang nagutom ata ako habang ginagawa ko yung parusang inatas nitong Senyorito na'to. Paano ba naman kasi, nakailang ulit ako ng record. Kung hindi ako nagkakamali, aksidente naman akong nakalilikha ng ingay.

Ang pinagawa kasi ni Zeid sa akin ay mag record ULIT. But this time, SOBRANG DAMING RECORD. Isa isa pa. Well, it's not a song. Hindi din naman ako kumakanta. Simple lang naman ang dapat irecord. Kailangan mo lang sabihin ang mga katagang..

"Babaab, bambaam, babaab."

"bambaam, I'm calling. Will you answer?"

"Hey babaab, I have a text. Please read."

"bambaam, it's time to wake up. School time, bam."

"bambaam, you have a practice. Get up,"

NAPAKADALI LANG, 'DIBA?

Ewan ko ba sa senyorito na 'to. Mahigit five minutes din ang tinagal ko sa bathroom para lang maperpekto ko yan ng walang nalilikhang ingay bukod sa boses ko.

Naubos ko ang sandwich. Nagulat ako ng mabilis na nilapag ni Zeid ang isang galon ng ice cream. May apa din doon. I smiled. Mukhang pinaghandaan nga niya.

"Are you ready for the enrollment?" Tanong ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. "Hindi. Wala naman bago doon. Every year naman ginagawa yun." Masungit niyang sambit.

Inilahad niya sa akin ang apa na nilagyan niya ng ice cream. "Thanks." I muttered. I licked it while looking at him.

He frowned. "Stop staring while eating ice cream, Georgia!" Saway niya sa akin.

Natigil ako. "What? What did I do?" Naguguluhan kong tanong.

Iritado ang tingin niya sa akin. Kumuha siya ng baso at nilagyan iyon ng ice cream. Pagkatapos ay hinablot ang hawak kong apa. Tinapon niya yon sa basurahan at ipinalit sa akin ang ice cream na nasa baso.

"Bakit mo tinapon?" Gulat kong tanong.

"It's safe to just eat this," para siyang hirap na hirap magsalita. Pumikit siya ng mariin. "Just eat this, Georgia. Huwag ng matigas ang ulo. It's for your safety." Dagdag niya.

Kahit naguguluhan ay sinunod ko siya. Kinain ko iyon ng tahimik kahit na nanghihinayang ako doon sa apa na tinapon niya.

Nang matapos kaming mag meryenda ay nagsimula na siyang magluto ng para sa dinner namin. He's really good at cooking. Hindi man lang siya natitinag kahit na tumatalsik iyong mga mantika.

I had no idea for the food that he's cooking. Mahigit isang oras din ang tinagal niya sa pag-aayos ng pagkain. Nilapag niya iyon sa dining table. Ako naman ang naglagay ng rice sa pinggan niya.

"Ang galing mo palang magluto," puna ko matapos matikman ang luto niya.

Nagtaas siya ng kilay. "Alam ko." Mayabang niyang sabi.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now