Chapter 46

692 22 2
                                    


Chapter 46

Kill

At first, it was dark.

Nang mabuksan ng tuluyan ang aking mga mata, tuluyan kong naaninag ang liwanag sa kisame. Kulay puti at nakakasilaw ang ilaw.

Muli akong napapikit at napagalaw.

"Georgia?" the voice echoed.

Huminga ako ng malalim at dinilat muli ang mata. It was Zeid. Mapungay pa ang kanyang mga mata nang maaninag ko ang kanyang mukha.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumayo. "How are you? Wait a second, I'll call my brother." he said then clicked something beside the bed.

I guess it's the intercom.

"She's awake.." I heard him saying.

What happened?

Ni-recall ko ang mga nangyari. I urge Lyra to have her blood taken but then she stabbed me. After that, wala na akong maalala.

I sighed.

"How are you feeling? May masakit ba?" Zeid asked.

Dinala nila ako sa hospital. It's obvious. I'm wearing a hospital gown. Tiningnan ko si Zeid na ngayon ay nagsasalin ng tubig sa baso.

Umiling ako kahit na hindi siya nakatingin. "I'm fine now.. medyo.. nanghihina nga lang." sagot ko.

"Drink this first.." aniya at inabot sa akin iyon.

Hindi na ako umangal pa. Tinanggap ko iyon ngunit nakaalalay pa rin ang mga kamay ni Zeid. Mabuti na lang din dahil wala pa akong sapat na lakas para hawakan ang baso.

Ininom ko iyon ng isang beses at nakalahati agad iyon. Zeid sighed. "Ubusin mo.."

Ngumiwi ako. "Hindi ko kayang ubusin." mariin kong saad.

Umiling siya at binaba ang baso. "I guess you're really--" natigil siya sa pagsasalita nang may malakas na katok ang dumating. Pareho kaming napatingin sa pinto.

Are we expecting someone right now?

"Sino 'yan?" ako ang nagsalita, sapat lang ang lakas no'n.

Tumayo si Zeid. "Si Nana siguro.." aniya.

Tumango ako. Nasaan kaya si Papá?

Binuksan ni Zeid ang pinto at mukhang pati siya nagulat nang makita sila Cloud at Andrei roon. They are here!

"Gising na ba si Georgia?" Maingay na tanong ni Andrei at sumungaw sa pinto. Masaya niya akong tinuro. "Gagi! Gising na siya!" mabilis nitong pahabol.

"Really?" I heard Elise's voice.

Tahimik na tumabi si Zeid sa pinto upang mabigyan ng sapat na espasyo ang mga kaibigan na makapasok sa silid ko.

I smiled at them. Kumaway ako ng bahagya, tanda ng pagbati sa kanila. Tuloy tuloy ang pagpasok nila Elise, Cloud, at Andrei roon. Janice is not here though.

"OMG, Georgia! I was shocked! Mabuti na lang at gising ka na!"

"Grabe, hindi ko akalain na magagawa sa'yo ni Lyra yun."

"Andrei, stop." Napatingin kaming lahat kay Zeid na ngayon ay sumingit. Nakasalubong ang kilay niya na ikinunot ng noo ko.

Bakit ang sungit ng isang 'to?

Napapaisip tuloy ako kung ano ang nararamdaman niya para sa kaibigan niya ngayon. Hindi rin naman madali ang posisyon ni Zeid. He's torn between his beloved friend and.. me.

The Governor's DaughterМесто, где живут истории. Откройте их для себя