Chapter 7

683 23 4
                                    


Chapter 7

Endearment

Nakaupo ako sa high chair habang pinapanuod siyang naghahanda para sa akin. Nakita kong nagpakulo siya ng pasta doon. Kumalam tuloy ang sikmura ko.

Anong iluluto niya? Pancit ba? Hindi ako kumakain ng gulay.

"Uh, I don't eat vegetables, Zeid." Agap ko sakanya.

Nagtaas siya ng kilay.

"Bakit hindi? It's healthy, Georgia." Asik niya.

Ngumuso ako. "Pangit..yung..lasa.." mahina kong sambit.

Umiling siya sa akin at nagpatuloy sa ginagawa. "Huwag kang mag-alala. Carbonara ang ginagawa ko." Aniya.

Para akong nakahinga ng maluwag doon. Napalinga ako at nakitang papasok sana ang isang katulong dito ngunit nang makita ako ay mabilis na lumiko ang daan.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit wala ang mga katulong mo dito, Zeid?" Tanong ko at binalingan siya.

Nagkibit siya ng balikat. "Sinabihan kong wag pumunta dito. I'm busy." Sagot niya.

"Huh? It's not as if maiistorbo ka.."

Nag angat siya ng tingin sa akin. Agad kong natutop ang bibig ko. I'm meddling too much. This is his house. It means, kung ano ang inutos niya iyon ang masusunod.

At masyado akong nanghihimasok. Pakiramdam ko ay ang ingay ko. Tiningnan ko ang cellphone ko habang hinihintay siya. Nagtext na din ako kay papá para hindi siya magulat na pag uwi niya ay wala na ako sa kuwarto ko.

Nag chat sa akin si Elise.

Maria Elise Kinsey: Hey, next week na ang enrollment. Sabay ka samin?

Nagulat ako doon. Ang bilis pala. Hindi ko man lang namalayan. Mabuti na lang at pinayagan na din ako ni Papá. Nag reply agad ako.

Cirea Georgia: Uh, sasabihin ko muna kay papá.

"Who are you texting?" Masungit na tanong ni Zeid.

Nilapag niya sa harap ko ang carbonara. Ngumiti ako ng malapad doon at ibinaba ang cellphone. Umupo sa harapan ko si Zeid habang nagsasalin ng malamig na tubig.

"It's Elise.." sagot ko at inikot ko ang tinidor sa pasta.

"Mainit pa yan, hipan mo muna." Paalala niya.

Tumango ako at ganun nga ang ginawa ko. Nakadalawang subo pa ako bago ako bumaling sa kanya at magsalita.

"Ang sarap. Marunong ka palang gumawa ng ganito.." namamangha kong sambit.

Halos lahat yata ay kaya niyang gawin. It makes him more attractive. Pinagpatuloy ko ang pagkain doon. Pinagmamasdan niya lang ako habang kumakain.

"Hindi ka ba kakain din? Masarap.." alok ko sakanya.

Umiling siya at nagtaas ng kilay. "I'm full." Tipid niyang sambit.

Sumimangot ako. "Palagi mo na lang akong tinatanggihan." Sambit ko.

Hindi siya nagsalita. Nakalahati ko ang carbonara bago napagpasyahang uminom ng tubig. Napapikit ako sa lamig non.

"Mukhang gutom na gutom ka nga. Hindi ka ba kumain sa inyo?"

Sinulyapan ko siya. "Kumain naman ako. Nagutom lang talaga. Hindi ko kasi nakain yung hinanda ni Nana na meryenda kanina dahil paalis na ako." Kuwento ko.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now