Chapter 24

574 23 1
                                    


Chapter 24

Impostor

After my birthday celebration with my Papá, I didn't have the chance to talk with Zeid at night. I was too tired that day so I sleep early. Nag-iwan lamang ako ng mensahe sa kanya at sinabing natulog na ako.

Sunday morning, Nana and I went to church. Nakagawian ko na talagang sumama kay Nana. Nagsisimba din naman si Papá ngunit hindi namin siya kasama.

Putol putol ang pag-uusap namin ni Zeid ngayong araw. Minsan, he's trying to call me pero hindi ko nasasagot. Kapag ako naman ang tumatawg, saktong tinatawag siya ng Dad niya. So I assumed he's busy there.

Ang sabi niya, ngayon ang uwi niya so I am waiting for his call or text nang sumapit ang hapon. Kaya naman nang tumunog ang cellphone ko ay mabilis kong sinagot iyon.

"Hello?" I sound so excited.

Humalakhak si Zeid sa kabilang linya. "Miss me? Nagkaroon din tayo ng time.."

Tumango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita.

"Oo. Buti nga, eh. So.. are you going home na?" Napatanong ako.

"Uh-huh.. nasa kotse na kami ngayon. By 7pm nandiyan na ata kami.."

"Kami?" Kumunot ang noo ko.

"I'm with my Dad, bam. Sasama sila sa'kin.."

"Oh? Bakit daw?"

Well, I wanted his parents to visit him. Kaya lang, iba ang naiisip ko kung bakit sila luluwas sa Quintana ngayon. Hindi ko nga lang mapagtanto iyon.

"Of course, gusto nilang makita ang daily routine ko.." tumawa siya.

Nakahinga ako ng maluwag ng narinig ko ang tawa niya. I was wrong. Mabuti naman at hindi tungkol ito sa business.

Nag usap pa kami at nagkamustahan dalawa. Kinamusta niya ang naganap noong birthday ko habang kinwento niya naman ang ginawa niya sa Manila.

Magkatawagan kami hanggang sa sumapit na nga ang dapit hapon. We ended the call. Nagpunta ako sa kitchen nang tinawag ako ni Nana para tulungan siyang mag handa ng mga plato para sa hapunan.

"Dito kakain si Papá?" I sound so excited.

Tumango si Nana at ngumiti. Maya maya lang, narinig ko ang pagbukas ng pinto ng condo at iniluwa non si Papá.

Mabilis ko siyang sinalubong ng yakap. Iginiya ko siya papunta sa lamesa at naupo na din sa tabi niya. Nana served our food. Nakisabay na din siyang kumain sa amin dahil niyaya ko.

While eating, he looked at me and spoke.

"Georgia, Zeid's dad and I will meet tomorrow. Hindi ako uuwi dito bukas sa condo,"

Natigilan ako saglit bago tumango. They will meet? For what?

"For what?" Kuryoso kong tanong.

Nagkibit balikat si Papá. "For personal business." Aniya at tinitigan ako.

Tumango ako. What business is that? Sinabi ni Zeid na titingnan daw ng parents niya kung ano ang daily routine niya. Siguro ay napagpasyahan lang nila Papá na magkita dito since uuwi ang dad ni Zeid dito.

"Baka pumunta po ako bukas sa mansyon, Papá. I need to pick one of my books there. Kakailangan ko po yon sa Chemistry," pagpapaalam ko.

"What time? Just text me. Magpahatid ka kay Manong Loteng. Huwag mong kakalimutan,"

As much as I want to tell Zeid that my Papá and his Dad will meet tomorrow, I couldn't. Hindi niya puwedeng malaman kung sino talaga ako. Not yet. Sumapit ang gabi ngunit hindi na kami nakapag-usap muli ni Zeid.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now