Chapter 25

618 31 0
                                    


Chapter 25

Reject

Pagkatapos ng pagkatapos pa lang ng napakahabang seminar, sabay sabay kaming nagtayuan nila Athea. Yna is too occupied with freshmen students.

"Grabe, siya ba talaga yung anak ni Gov?" Naiiling na sabi ni Aries.

Dumaan kami kila Yna at nang bahagyang nalampasan, narinig naming tinawag niya si Martin.

"Martin!"

Martin stopped. Napahinto na din kami at napatingin sa kanila. Yna's eyes roamed around. Tumigil saglit ang tingin niya sa akin.

"Saan na kayo?" tanong niya.

"Uuwi na," casual na sagot ni Martin. "Ikaw? You look busy entertaining them," dagdag nito sabay sulyap sa mga first year.

Tumawa si Yna. "Hindi naman! Uh, p-puwede ba tayong lumabas bukas?"

Natigilan si Martin habang kaming tatlo nila Athea ay nagulat. Did she just invited Martin for a date? Tumikhim si Athea at bahagyang tumaas ang kanyang kilay.

Nanlalaki naman ang mata ko. Tiningnan ko si Martin at naghintay ng kanyang isasagot. Aries whistled.

"O-Oh? S-Sure."

Yna smiled and clapped her hands. "That's good. After class, 'kay?" Aniya at mabilis na tumalikod.

Bumaling sa amin si Martin at nagkibit balikat. Humalakhak si Aries at agad kinantyawan ang kaibigan. Athea hissed.

"Really? What's with her? Cous!"

"I'm sure it's purely friendly—"

"Shocks! Pag ikaw nasaktan, ha!" Ani Athea at umiling.

Nagpatuloy kami sa paglabas ng school. Nagtatawanan pa kami ni Aries dahil inaasar namin si Martin nang bigla kaming napalingon malapit sa mga nakapark na motorsiklo sa gilid ng gate ng school.

Isang tili ang narinig namin at nang magkatinginang apat, napagtanto namin na boses iyon ni Yna. Kumalabog ang puso ko nang nag unahan sila Aries at Martin papunta doon.

Sumunod kami ni Athea, may iilan ding estudyante ang nagkagulo at sumunod sa amin. Nakita namin kung paano nakipagsapakan sila Martin at Aries sa dalawang lalaking nakasuot ng mask.

Nandoon si Yna sa sahig, umiiyak at nanginginig. Agad namin siyang nilapitan doon. Tumawag naman si Athea ng mga pulis.

"What happened?" Athea asked.

Nanginginig pa din si Yna ngunit bahagya nang kumakalma. Hindi pinakawalan nila Martin iyong dalawang lalaki, tinanggalan sila ng mask noong ibang estudyante.

Bumili ako ng tubig para kay Yna. Agad kong inabot sakanya iyon. Mabuti na lang at may naglalako dito sa labas. Ilang minuto pa ay narinig na namin ang tunog ng pulisya.

Huminga ako ng malalim. I have a feeling but I want to confirm it first. Nakinig ako sa usapan ng mga pulis habang ini-interview si Yna ng dalawang pulis, habang ang dalawang lalaki ay nasa loob na ng sasakyan. Pati ang mismong guard ng school ay in-interview din.

"U-Uh, nagulat na lamang po ako.. pagkalabas ko.. bigla nila akong nilapitan at sapilitang isakay diyan sa van," sagot ni Yna sa tanong ng pulis.

Napatingin ako sa lalaking pulis din na pumunta sa gawi namin. Nagulat pa ako ng makitang si Chief iyon, ngumiti siya sa akin nang matanaw ako.

"Sa tingin mo, iha, bakit ka nila dinakip?" The police man asked again.

Nag-iwas ng tingin si Yna. "A-Ako p-po kasi ang anak ni Gov.."

The Governor's DaughterOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz