Chapter 19

600 26 0
                                    


Chapter 19

Only

After that day, hindi mawala sa isip ko ang bagay na iyon. He is my first kiss! Oh God! Kailan pa ba ako kakalma? Ilang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari iyon.

And like the usual, I did believe again that he is not courting anyone. Iyon ang rason kaya patuloy pa din ang punta ko sa kanila. Minsan, doon ako gumagawa ng assignments. Minsan, nagpapraktis magluto habang tinuturuan ni Zeid.

"Georgia, magkakaroon ng program ang school niyo. I am invited. Expect me to see there," Papá's words lingered to my ear.

Hindi ako naniwala sa kanya kagabi kaya ngayon ay gulantang ako nang makita ang malawak na stage ng St. Claire na punong puno ng design. Kumakain ako ng Banana Que habang naglalakad kami ni Elise sa Quadrangle.

Wala kasi kaming Prof ngayon kaya naisipan kong pumunta sa Cafeteria. Doon ko nakasalubong si Elise na wala ding klase. Kaya naman ngayon ay magkasama kami.

"Doon tayo upo!" Anyaya niya at hinila na agad ako.

Kaya naman pala wala kaming prof ganun din ang iba. There's a program. May red carpet sa gitna ng Quadrangle.

Nakita ko sila Martin sa harapan. Kumaway sila sa akin at kumaway din ako pabalik. "You really made some friends. It lasted in months, eh?"

Tumawa ako. "They are fun to be with." Sagot ko.

Nagulat ako ng nagdatingan sila Janice, Andrei, Cloud at Zeid. Kumpleto kami!

"Ayoko. Doon ka sa dulo." Sambit ni Janice na nasa right side ko.

Gusto kasi ni Zeid na tumabi sa akin at pinapaalis niya ang pinsan niya. Ayaw pumayag ni Janice kaya ayun, busangot ang mukha ni Zeid na naupo sa tabi ni Andrei.

"Sabihin mo nga, wala talaga?" Bulong ni Janice.

Sa aming lahat, sakanya ko sinabi ang nararamdaman ko kay Zeid. Siya lang ang nakakaalam kaya ganito siya makareact.

Tumango ako. "Oo nga. We are just friends," nagkibit balikat ako.

May sasabihin sana siya nang tumugtog ang pambansang awit. Sabay sabay kaming tumayo at inilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib. We sang the nationalistic song 'till it ended.

After the prayer song, pinaupo na kami ng emcee na nagpakilala bilang Professor Karissa. "Now, please welcome our very important guest! No other than Governor Leonel Walter Villareal!"

Nagpalakpakan ang lahat. Nangingiti ako habang tinitingnan si Papá na naglalakad papunta sa stage. May dalawang sundalo at dalawang pulis sa harap at likod niya. Nakabantay sa kanya.

"Grabe, sobrang higpit ng security ni Gov." bulong ni Elise.

"Oo nga, e. Hindi pa rin kasi nahuhuli iyong nasa likod ng pagbabanta," sabat ni Cloud.

Nakatitig lang ako sa ama hanggang sa makarating siya doon. Binigay sa kanya ang mikropono at nagpalakpakan ang lahat.

Binati niya ang lahat ng nandoon, including the students. Pagkatapos ay nagsalita na ng kanyang pambungad na pananalita. Hindi niya pinatagal iyon gaya ng ginawa niya noong salu-salo sa mansyon.

Ngayong araw, ia-anunsyo ang mga nasa Dean's Lister. Oo. Sa buong Campus. Nalaman ko yon kila Elise dahil kinwento nila. Ganito daw talaga dito. Palaging bongga ang lahat.

Ilang oras ang tinagal ng pag anunsyo. Pagdating sa course ko, tinawag si Papá bilang siya ang magtatawag ng mga pangalan doon. It excites me, though.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now