Chapter 30

692 29 1
                                    


Chapter 30

Philippines

"Umuwi na tayo!" Hinatak ko patayo si Ferd para makalabas na dito sa bar. Nanginginig ang kamay ko at hindi alam ang gagawin.

Fuck. I don't know why I am acting like this. Si Janice lang naman iyon. Si Janice lang. Si Janice na pinsan si..

"Huh? Ang aga pa. Teka, ba't ka ba natataranta?!" reklamo ni Ferd habang hinihila ko pa din siya.

Hindi ako sumagot. Tuluyan lang akong kumalma nang nakarating kami sa sasakyan niya. Hindi ko kasi dinala yung sasakyan ko kaya sabay kaming pumunta dito. At ngayon, kailangan sabay pa din kaming umuwi.

Walang nagawa si Ferd kundi buksan ang sasakyan niya. Pumasok ako doon at pinanood ko si Ferd na umikot para makapasok sa driver seat.

"Magpaliwanag ka, babae ka. Ingrata ka. Sayang yon! Kiss na sana!" Padarag na pinasok ni Ferd ang susi ng sasakyan niya matapos ay pinaandar na.

Huminga ako ng malalim. I feel sorry for him but I really need to go. Si Janice pa lang ang nakikita ko. Imposibleng hindi niya kasama ang iba. Kaya hangga't maari ay iiwas na ako.

Hindi pa ako handa. Kahit na tinatak ko na sa isipan kong gaganti ako, hindi pa ako handa.

"N-Nakita ko yung pinsan ni ano.." hindi ko mabanggit ang pangalan niya.

Napabaling sa akin si Ferd, nanlalaki ang mata.

"What? Edi 'andoon din siya?"

Nagkibit balikat ako. "Siguro.." tiningnan ko ang relos ko at nakitang alas nuwebe pa lang. psh. Maaga pa nga lang. Ngayon lang kasi ang free kaya nag bar ulit kami ni Ferd.

Syempre, kapag busy ako ay busy din si Ferd. Ngayong clear ang schedule ko, wala din siyang ginagawa. Parang personal photographer ko na nga ito, e.

"Panigurado nabalitaan na niyang nandoon ka. Narinig ko ang DJ na pinapakilala ka. Ba't ka pa umatras? Akala ko ba okay ka na?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Okay na nga.."

"O, bakit tayo nandito ngayon?" Umirap si Ferd.

Huminga ako ng malalim. May point si Ferd. Okay na ako, 'diba? Ba't bigla akong natakot? Ba't bigla akong nataranta?

Si Janice lang 'yon. Alam kong wala siyang kinalaman pero tinuring kong damay siya doon. She's the cousin of the man who cheated on me.

Kaya bakit ako nandito? Bakit ako ang tumatakbo sa kanila imbes na sila ang tumakbo sa akin?

Bumabagabag sa akin ang bagay na iyon hanggang sa naihatid ako ni Ferd. Sinabihan kong bumalik na lang siya doon sa bar pero nawalan na daw siya ng landi. Uuwi na lang din daw siya.

"Ayusin mo sarili mo, Georgia." Ani Ferd nang tinawagan ko siya para manghingi ng tawad sa biglaang pag-aya umalis kanina.

Naudlot tuloy ang lovelife niya.

Ilang taon kong inayos ang sarili ko. Ilang taon kong nilagyan ng gap ang puso ko sa lahat ng mga taong gustong makipaglapit sa akin. Maayos na ako. In fact, ibang iba na ako sa Georgia na kilala nila.

Hindi na ako basta bastang lumalabas. Hindi na ako basta bastang nakikipag-usap kahit kanino. Hindi na ako yung friendly na nakilala nila. Ilang taon kong binuo ulit ang sarili ko.

Kaya hindi dapat ako natatakot na makita ulit siya. Ilang taon kong tiniis na malayo kay Papá para lang ayusin ang sarili ko para pag nagkita ult kami, alam niyang hindi na ako ang Georgia na kilala niya noon.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now