Chapter 8

704 27 1
                                    


Chapter 8

Parusa

Sinalubong ako ni Nana pag-uwi. Saktong 5:30 nga ay nasa mansyon na ako. Mabuti na lang at napansin naman ni Nana na tinupad ko ang pangako ko.

Sa gabing iyon, hindi ako nag stay sa kuwarto ko. Hinihintay ko si Nana na nagluluto sa kitchen. Pinagmamasdan ko siya dahil gusto ko din matuto kahit papano. Pagpiprito lang ang alam ko.

My phone beeped. Napangiti ako sa aking sarili ng makita ang pangalan ni Zeid.

From: Zeid Ausborn

Andrei's here. What are you doing?

Mukhang kukulitin naman siya ngayon ni Andrei. Naiimagine ko tuloy ang iritadong mukha ni Zeid. Ayaw niya pa naman minsan sa maingay. Mabuti at napagtiisan niya ako kanina.

Nagtipa ako ng mensahe.

To: Zeid Ausborn

Pinapanood ko si Nana na nagluluto. Did you eat your dinner?

Tinago ko ang cellphone ko nang may inutos si Nana. Gusto niyang ihanda ko na ang mga plato doon sa dining room. Sinunod ko naman iyon agad.

Tuwang tuwa ako habang ginagawa iyon. This is my first time here. Ito ang unang gabi na kakain muli ako sa dining room namin. Palagi kasi akong kumakain sa kuwarto ko. Nakakulong, diba?

Narinig ko ang boses ni Papá na mukhang kadarating lang. Hinahanap niya ata ako. Nag echo kasi ang boses niya kaya nadinig dito. Hindi naman kasi malayo ang dining room sa living room.

Gaya ng inaasahan, pumasok si papá sa dining room. Nakita niya agad ako at mukha siyang nakahinga ng maluwag doon. Ngumiti ako at sinalubong ang ama ng yakap.

"You wanna eat here?" Tanong niya.

Tumango ako. "Hindi pa ulit ako nakakakain dito simula ng nawala si Mamá." Sambit ko.

He smiled. "Then, we'll eat here. Nasaan ba si Nana?"

Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pinto sa likod ko. Lumabas si Nana doon dala ang ulam na nasa malaking plato na ngayon. May kasunod siyang isang katulong na may dala na dalawang pitsel.

"Handa na ang hapunan, Georgia, Gov." marahan nitong sambit.

Inakay ko si papá sa hapag. Sa unahan siya nakaupo habang nasa right niya ako. Niyaya na din namin si Nana na sumabay sa amin. Katabi ko siya habang kumakain kami.

Sinigang ang ulam namin sa gabing iyon. Normal lang kaming nag-uusap lahat. Naalala ko iyong enrollment na sinabi ni Elise kanina kaya binanggit ko kay Papá.

"Papá, next week na daw po ang enrollment sa St. Claire.."

Natigilan si Nana sa pagkain at napatingin sa akin. Nagtataka siya sa sinasabi ko. Ngumiti ako at nakalimutan kong hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya.

"Pinayagan ako ng Papá na pumasok na sa University, Nana!" Natutuwa kong balita.

Nanlaki ang mata niya at natuwa na din. Hindi siya makapaniwala kaya nagsalita na din si Papá.

"I'll ask for the requirements, Georgia. Ako ng bahala doon." Sambit ni Papá.

Tumango ako. Sasabihin ko pa sana na gusto kong sumabay kila Elise kaya lang ay pinigilan ko na ang sarili ko. Hahayaan ko na lang si Papá doon. Sisiguraduhin ko na lang na kapag kuhaan na ng schedule ay kasabay ko na ang mga kaibigan ko.

Hindi naman na ako tinanong ni Papá tungkol sa pag alis ko kanina. Panatag siya dahil nakauwi ako at may body guard na sumama kanina kahit na pinauwi ko din agad.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now