Chapter 15

635 21 0
                                    


Chapter 15

Curious

"You're really mad at me. Hey, bab, let's talk about it.."

Napapikit ako sa boses niya habang magkatawagan kami sa cellphone. Patulog na ako ngunit nagpumilit siyang tumawag kahit na sinabi kong huwag na sa text namin kanina.

"Tss. I am not."  giit ko.

"You are. Hindi ka naman ganyan umasta kung hindi ka galit. Tell me, is this about Lyra?"

"What do you think?"

"Fuck! Bab, huwag mo 'kong sagutin ng patanong. So I will assume that this is about her.. why?"

Napailing ako. This is ridiculous. "Hindi nga sabi. Isa pa, labas na ako kung anong mayroon sainyong dala–"

He groaned. "Walang namamagitan sa'min. Okay? She's just a friend.."

"Like me?" kinagat ko ang labi ko.

Hindi siya sumagot. Napailing na lang ako at nagpaalam ng matutulog dahil maaga ang klase ko bukas kahit kaunti lang naman ang subjects.

I realized that being in a college life isn't easy at all. Kung noon ay kailangan ko lang magsagot ng module magdamag, ngayon, kailangan kong magsagot ng iilang module habang nagmememorize at paghandaan ang iilang proyekto.

It's hard but I'm enjoying this kind of life. Natutuwa ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makaharap ito. Alam kong kakayanin ko ito. Kaya imbes na magreklamong mahirap, tinatatak ko na lang sa utak ko na magiging worth it din lahat ito.

Sa sumunod na araw, nagpunta ulit ako kina Zeid. Sabihin na lang natin na mas napapadalas na ang pagpunta ko sakanila. Tipong pagkagaling sa escuela ay didiretso na sa kanya pag uwi. Mabuti na lang talaga at busy si Papá sa pulitika at nakabukod na ako sa mansyon.

Nana is just letting me, basta ba ay hindi ako magpapagabi masyado. Hinahatid ako ni Zeid sa tuwing ginagabi kami minsan sa bahay nila, tapos siya na ang nakikipag-usap kay Nana. Kaya naman nang pumunta ako kina Zeid noong hapon, kaming dalawa lang ni Zeid sa mansyon nila (which is usual) at ikinagulat ko pa na walang bakas ni Lyra doon. Magtatanong sana ako kung bakit wala si Lyra doon but I don't want to look curious.

Masaya na akong makita ang kinalabasan noong araw na iyon.

Tinanggal na ni Zeid iyong mga katulong niya sa mansyon nila. Hindi naman niya sinisante kundi pinalipat niya sa bahay nila doon sa Manila kung saan mas kailangan talaga sila.  

"You are going home na agad?" Ani Athea.

Ngumiti ako sa kanya. These past few days, hindi na siya gaanong harsh sa akin. Hindi na rin matalim ang mga titig niya sa akin. I'm glad because she changed her attitude towards me.

Thursday na at araw-araw, palagi akong pumupunta sa mansyon nila Zeid tuwing hapon o kaya'y pagkatapos mismo ng klase ko. Sabay kaming uuwi sa kanila minsan naman ay kapag gagabihin siya dahil sa dami ng ginagawa, nauuna na ako sa mansyon nila.

It's already 3:30 in the afternoon. Lampas na sa time ng pag-uwi ko pero walang magagawa dahil late na nag dismissed ang prof. I told Zeid earlier na ako na lang ang pupunta sa mansyon kaya hindi kami nagsabay. Ngayon, mukhang natagalan ako dahil sa sandamakmak na lessons at assignments. Palagi kong tinatapos ang gawain sa escuelahan bago pumunta kina Zeid.

But today, it seems like I will not finish it all.

"Hala, bakit nagkaganito?" Bulaslas ko.

Lumapit si Aries at Athea sa akin. Bitbit ko ang laptop na nakabukas habang naglalakad palabas ng room.

Bahagya kasing nag hang ang laptop ko habang may ginagawa ako sa Powerpoint. Napatingin ako kila Aries na ngayon ay nasa tabi ko na.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now