Chapter 14

613 24 0
                                    


Chapter 14

His Classmate

Gaya ng sinabi ni Zeid, sinundo nga niya ako kinabukasan nang matapos ang klase ko. I was tired from all the activities today but when I saw him, agad kong nakalimutan ang iniindang pagod.

Papá is busy so he doesn't mind if I stay on Zeid's mansion. Well, sinabi kong group work kaya hindi agad ako makakauwi ngunit hindi niya alam na tambay lang sa mansyon nila Zeid ang gagawin ko.

"We'll be having a group work later in my house, is that okay with you?"

Napatingin ako kay Zeid habang nagdadrive. May project sila? Assignments? "Ofcourse. Uh, pupunta ba ang mga classmates mo?"

He nodded. "Yes.. I promise it's just an hour so we can have time together." Bumaling siya sa akin at ngumiti.

"It's okay. Importante 'yon. Uh, matutulog na lang muna ako habang may group work kayo. Is that okay?"

Besides, I'm really tired. Tatlong subjects ang may on the spot activities, tapos dalawang long quiz! Nakakapagod dahil sa tatlong subject na iyon ay puro ako ang nag-iisip ng gagawin namin ng mga naging kagrupo ko.

"Sure. You can sleep in my room."

Napabaling ako sa kanya. Tama ba ang dinig ko? Sa kuwarto niya ako matutulog? Bahagya akong na-excite kung anong itsura ng kuwarto niya. I remember he did some tour in their house when I visited last time, pero hindi niya pinakita sa akin ang kuwarto niya.

Akala ko ba hindi magandang tingnan?

But, hayaan na nga. Minsan lang siya magbago ng isip. Hindi ko dapat guluhin at pigilan ito! I'm curious about his room.

Hinatid niya ako sa kanyang kuwarto matapos naming makarating. He offered me to get showered too on his bathroom before getting some sleep.

"W-Wala akong dalang damit," saad ko.

Hindi ko pa nga naisasauli iyong t-shirt niya na pinahiram sa akin kahapon. Naalala ko tuloy yung reaksyon ni Nana nang makita akong ganoon ang suot nang umuwi. Mabuti na lang at wala si Papá noong gabing iyon.

"I have many shirts here. You can use it all, Georgia. I won't mind.."

Tumango ako. Nagpasya akong maligo saglit para presko naman sa pakiramdam. Inaayos ni Zeid ang kama niya nang matapos ako. Suot ko ngayon iyong navy blue niyang tee shirt.

Basang basa pa ang buhok ko kaya ayaw ko pang matulog kahit na antok na antok pa ako.

"You can sleep now." Aniya at tumayo. "They are already here," dagdag niya habang nakatingin sa cellphone.

Naputol ang titigan namin nang sinarado niya ang kanyang pintuan. Nang tuluyan na siyang nawala ay dumapa na ako sa malambot niyang kama. Naamoy ko kaagad ang bango nito. Sa bedsheets maging sa comforter ay nagsusumigaw ng amoy ni Zeid. Hinagkan ko ang unan at napangiti na lang ako.

Black and red ang motiff ng kuwarto ni Zeid at may malaking chandelier sa gitna ng kisame. Tumayo ako at pinasadahan ng tingin ang buong kuwarto niya. May aircon din ang kuwarto niya at napansin kong bukod sa pintuan ng bathroom, may isa pang pintuan doon na papunta sa hindi ko alam.

Malinis at maayos ang pagkakaarrange ng gamit. May isang study table katabi ng table lamp. May isang bookshelf din doon na punong puno ng libro. Sa dingding niya ay iba't ibang klase ng gitara ang nakadisplay doon.

Nang binuksan ko ang isang pintuan ay napagtanto kong isang malawak na walk in closet niya yon. Masyadong organisado ang mga damit niya doon. Isa isang nakasampay ang mga branded niyang sinturon at nakapatong naman ang lahat ng relos niya sa isang coffee table sa gitna.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now