Chapter 29

639 22 0
                                    


Chapter 29

Unexpected

Simula ng sinagot ko si Willie, palagi na niya akong pinupuntahan at sinasamahan sa condo o sa kung anong lakad ko. Sinabihan niya din ako na hindi ko dapat pigilan ang kagustuhan ni Papá na pumunta dito sa New York para dalawin ako.

Kaya eto, kulang na lang ay araw araw na nandito si Papá. Every weekend siya pumupunta, nagsasayang ng pera.

"Why don't we just go back to Philippines, Georgia! Isama natin si Willie!" Papa's voice echoed.

Umiling ako. Willie is busy on his career here. Wala din sa isip niya ang pag-uwi sa Pilipinas. Maybe just like me, he wants to finished his business here.

"Wala pa sa isip namin 'yan. Gotta go, Papá. Isa-submit ko lang ito," lumapit ako sakanya at ginawaran siya ng halik sa pisngi.

He sighed. "Mag-iingat ka."

Suportado din ako ni Willie sa pagmomodelo ko. The day after I signed the contract, sunod sunod ang photoshoot ko sa Empire Entertainment. Tulad nga ng sabi ni Ferd, gagawin ng kumpanya nila ang lahat para mabilis akong makapunta sa tuktok.

Sa una, hindi gusto ni Papá na pasukin ko ang mundo ng modelling. Wala naman daw sa kurso ko iyon pero wala na din siyang nagawa dahil hindi talaga ako mapipigilan. Willie was there to explain my side to my father. And that makes my father gave up from stopping me to what I wants.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang si Ferd ang tumatawag. May shooting ulit ako ngayon ngunit sinabi ko na sakanyang malelate ako dahil may aasikasuhin akong ibang bagay.

"Ingrata ka, huwag mong kakalimutan ah!" Sigaw niya sa kabilang linya.

Umirap ako. As if makakalimutan ko, maya't maya ba naman ang tawag niya.

"Oo na. Sa maya't maya mong tawag, tingin mo makakalimutan ko?" I fired back.

"Jusko. Ikaw lang ang modelong sumasagot sa photographer mo."

Tumawa ako. "Kasalanan mo. Kinaibigan mo 'ko." Sagot ko sakanya.

Yes. He's my photographer, kapag may offer sa aking shoot ang Empire, si Ferd ang palagi kong nire-request para kumportable ako. Wala namang problema ang kumpanya doon since magaling talagang kumuha ng larawan si Ferd.

"Ilalagay sa magazine 'tong shoot kaya puwede bang bilisan mo? Nakakahiya sa staff!"

"Boo!" Asar ko sakanya at pinatayan siya ng tawag. Mas binilisan ko ang pagpapaandar ko sa sasakyan. Ngayon kasi ay pupunta muna ako sa isang sikat na kumpanya pagdating sa larangan ng mga pabango. Syempre, hindi naman porke't nasa mundo na ako ng modelling ay kakalimutan ko na ang passion ko.

Tatlong pabango ang nagawa ko sa loob ng dalawang buwan. Nag email na ako noong isang araw at ngayon ang appointment ko para i-submit ito. Sana lang ay magustuhan nila ang mga gawa ko.

Nang makarating ay inabot ko sa valet ang susi ng sasakyan ko at taas noong naglakad papasok ng building. Tumutunog ang heels ko sa tiles sa bawat paglakad ko, dahilan ng pagbaling sa akin ng mga empleyado.

"She's the girl, right? The model? Billboard?" Naririnig kong mga bulungan.

Nagkibit balikat ako. Mukhang nilabas na ang shoot ko at kinabit na nga sa billboard dito sa New York. It took weeks so probably it's done now.

Hinanap ko ang pangalan na makakausap ko ngayon. Agad naman nila akong hinatid sa isang malaking office. Nakita ko ang isang mestizang babae na naka boy cut. She smiled at me.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now