Chapter 26

611 25 2
                                    


Chapter 26

Horny

Napagpasyahan kong matulog sa mansyon noong gabing iyon. Papá is look so tired and exhausted. Kahit na hindi niya hiniling, napagpasyahan ko doon na lang magpalipas ng gabi.

Hindi maalis sa utak ko ang mga sinabi ni Papá. Sino ang tinutukoy niya doon? Ano kayang nangyari? Mukhang nagsabay sabay ang mga nangyari ngayong araw.

Idagdag mo pa na nahuli na nga ang nasa likod ng mga pagbabanta. Sinabi ni Papá na kapatid ni Mamá ang nasa likod nito, ibig sabihin, siya din ang pumatay kay Mamá? Pero bakit?

Hindi ko na matandaan ang mukha ng mga kapatid ni Mamá ngunit alam kong nag-iisa lang ang kapatid nito. Nag-iisip ako ng posibleng dahilan kung bakit niya nagawang ipapatay ang Mamá ko buong gabi, hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

"Grabe, narinig mo na ba? Nagpapanggap lang pala si Yna."

"Tsk. Nakakahiya siya."

"Impostor! I feel bad for the real daughter of the Governor,"

Iyan agad ang bumungad sa akin kinabukasan pagkapasok ko ng room. Hinanap ko si Yna sa buong room ngunit mukhang wala pa siya.

Athea immediately ran towards me. "Good morning, Georgia!" Aniya.

I smiled. "Good morning. Wala pa si Prof Rie?" Tanong ko dahil lagpas na sa oras ang pagsimula ng klase.

Umiling siya. "Absent daw si Prof Rie. Tapos sa susunod na subject, wala din yung Prof. Tara?"

Kumunot ang noo ko. "Saan naman?"

"Cafeteria! Ayoko dito. Ang daming toxic na tsismosa,"

Ngumiwi ako. "Kasali ka dun."

Tumawa siya at agad na akong inakay papalabas. I sighed. Mukhang wala akong kawala dito. Nagmadali pa naman akong pumasok dahil akala ko late na ako.

Nilibre ako ni Athea sa Cafeteria. There's something about her today. Doon ko lang nalaman na sila na pala ni Aries. Sa kalagitnaan kasi ng kuwentuhan namin ay dumating si Aries at mabilis itong pinatakan ng halik sa labi.

Nanlalaki ang mata ko doon. "Gosh.Really? Do I need to watch that?!"

"Sorry, 'di ko napigilan, Georgia." Ngumisi si Aries sa akin.

Umiling ako. So gross! Humagikgik lang si Athea sa gilid. Alam ko namang may gusto si Athea kay Aries pero hindi ganito kalala.

Nalaman ko kay Aries na busy pala ngayon si Martin dahil may practice game sila ng basketball. Nagtaka tuloy ako kung bakit hindi ko nakita noon si Martin sa salu-salong naganap sa mansyon namin.

My phone beeped. Mabilis ko iyong kinuha at tiningnan sa pagbabakasakaling si Zeid ang nagtext. Nang makitang si Professor Hence iyon, agad akong nadismaya.

"O? Ba't naging biyernes santo mukha mo diyan?" Ani Athea.

Umiling ako. "Hindi ah."

"Tsss! You should get a boyfriend na kasi!" Asik ni Athea.

Hindi ko siya pinansin. Binuksan ko ang text ni Professor Hence.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now