Chapter 34

757 32 0
                                    


Chapter 34

Nagsimula

"Pulang pula ang pisngi mo, ah?" Sarcastic na sambit ni Zeid.


Kumunot ang noo ko. Nagpaalam na akong matutulog na sa mansyon ngunit nakasunod pa din ang isang 'to.


"The hell are you talking about.." tuloy tuloy akong naglalakad papunta sa mansyon.

"Nakita mo lang ang kapatid ko, pumula na 'yang pisngi mo? Ano?"

"Seriously, kasalanan ko bang guwapo ang kapatid mo?"

"Playboy yon, Georgia."


"At ikaw, hindi?"

He groaned. Hinatak niya ang braso ko at pinaharap sa kanya. Nasa tapat na kami ng pintuan papasok sa mansyon. Nairita agad ako. Bakit ba sunod 'to ng sunod?

And where the hell is Lyra? Bakit ba ako ang ginugulo ng isang 'to?


"Please, let's stop this fight.." pagsumano niya.


"Ikaw ang nagsisimula."


"Tayo ang tatapos. So.. please.."


Umiling ako at hinatak ang kamay ko. "Go away. I'm tired, Zeid. Gustong gusto ko nang matulog."

Kinagat niya ang labi niya at tumango. "Okay. Uh, may gagawin ka bukas?"

Kumunot ang noo ko.


"Bakit?"


"T-Tatambay daw sila Elise sa mansyon. Gusto mo bang..sumama?"


I shook my head. Matagal na akong tapos sa pagpunta sa mansyon nila. At sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ulit ako pupunta sa kanila.


I've learned my lesson.


"Busy ako." Tanging sabi ko at akmang tatalikod nang muli niya akong pinigilan. "Ano nanaman?"


"Anong gagawin mo bukas?"


Umirap ako. "Bakit kailangan mo malaman?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Nevermind.." aniya at niluwagan ang pagkakahawak sa braso ko. I took that as an opportunity to leave. Tinalikuran ko siya at pumasok na sa loob.


I never dared to look back.


Hindi ako makukuha ni Zeid sa kanyang mga galawan. The pain he caused was not a joke. Gabi-gabi akong umiiyak noon habang tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkulang at kung ano ang ginawa ko para matanggap ang ginawa niyang panloloko sa akin. At some point, alam kong niloko ko din siya dahil hindi ko sinabi agad sakanya kung sino talaga ako. But I know.. he knew me when my father talked to him.



"Cirea Georgia Villareal! Rise and shine! Hello?" Boses ni Ferd sa cellphone ko.


Kagabi ay diretso na akong natulog matapos kong mag half bath. Hindi ko na ginawang isipin pa ang mga nangyari kagabi. Para saan? There's no point at all.


Kinusot ko ang mata ko. Damn. Inaantok pa ako but I need to get up.


"Ang aga mong tumawag. Nasa airport ka na ba, ha?" Pagalit kong sabi habang nakahilata pa din sa kama.


"Wala pa." Sagot niya. Halos umikot ang mga mata ko nang narinig ko ang sagot niya. E, bakit ang aga niyang mambulabog? Tinignan ko ang orasan at nakitang alas otso pa lang ng umaga.


The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now