Chapter 18

546 30 0
                                    


Chapter 18

Kiss

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang nakatayo sa harap ni Martin, naghihintay ng kanyang sasabihin. Is it because of the height? Nasa gitna kami ng falls at nasa itaas, nakatayo sa tulay.

Martin looked so serious. Bahagyang gumagalaw ang tulay na pinagtatayuan namin kaya napahawak ako sa railing. Tiningnan ko ang mga kasama sa ibaba. Natatabunan sila ng puno.

"Ano iyong sasabihin mo?" Tanong ko.

Ginulo ni Martin ang kanyang buhok at umiling. Natawa siya ng mahina. "Damn, ang hirap pala." Bulong niya na narinig ko.

Hindi ako nagsalita at pinagmasdan siya. Martin is the definion of chinito type. Pakiramdam ko nga ay may lahing Chinese ang isang 'to.

"Georgia, I want to say that I like you. I know.. ilang araw pa lang tayong magkakilala. But, I can't help myself from liking you.."

Natigilan ako at napatitig sa lalaking nasa harap ko. What is this? A confession?

Boba! Umamin na nga siya diba!

"It's just that.. your eyes..your laugh.. everything abot you is real. It's pure. Nagustuhan kita dahil sa simple mo, unlike the others. Iyong kailangan pang maglagay ng kolorete sa mukha.. ikaw, hindi. Everything about you is simplicity." Lumunok siya.

"Martin.."

Tumawa siya. "Don't worry, hindi kita pipilitin na magustuhan ako. I.. I just want you to know my feelings. At.. At kung mabibigyan ako ng pagkakataon.." huminga siya ng malalim. "Maaari ba akong manligaw, Georgia?"

It's like my world stopped. Hearing Martin's words make me stunned.

Ligaw?

Manliligaw?

Lumunok ako. Martin is a nice guy. Seryoso sa pag-aaral. Hindi siya babaero. Iyon ang pagkakakilala ko sa kanya. At sa narinig sa kuwento ni Athea kanina, nasisiguro kong mabuti siyang tao.

But.. it's not enough. I.. I already have someone in my heart.

"I'm sorry, Martin.." tiningnan ko siya sa mata. "I.. I appreciate you for liking me, but.." pinikit ko ang mga mata ko.

Nahihirapan ako pero kailangan.

Hindi ko alam kung pagtapos ko bang sabihin ito sa kanya, mananatilibpa din ba kami sa ganitong ayos. Sa pakikitungo. May magbabago ba o wala?

Hindi ko alam.

Basta ang alam ko lang, kailangan kong sabihin ito sakanya ngayon.

"I already like someone, Martin. I'm sorry.. I hope you understand.." ngumiti ako.

Tumango siya at nangiti. "Kung ganoon.."

"He's the reason, Martin. Kaya palagi akong nagmamadali umuwi.. Kaya hindi ako nakakasama sa gala ninyo.. I really like that person."

"It's okay, Georgia. Sinubukan ko lang.." he smiled weakly.

"Martin, we are still friends, right?" Paninigurado ko.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now