Chapter 45

710 29 3
                                    


Chapter 45

Daughter

Nakatulugan ko ang mga pangyayari. Dala na rin siguro ng pagod at stress. Mabigat ang loob ko sa araw na iyon.

I never dared to open any of my social media accounts. It's exhausting. Panigurado na laman na naman kami ng balita.

Nakita ko sa gilid na mayroong pagkain at may sticky notes na kasama. Bumuntong hininga ako. Anong oras na ba?

Kinuha ko iyon at binasa. Galing pala iyon kay Zeid, nagsasabi na kainin ang pagkain once na gising na ako sa pagkatulog.

My phone rang and I saw Ferd's name. Tumitig lang ako roon at hindi nagtangkang sumagot.

Marami pa ring katanungan ang nangingibabaw sa aking isipan. Paano naging anak ni Papá si Lyra? Anong nangyari? Did he cheated on my mom? Or.. pangalawang asawa ang nanay ko?

Kinagat ko ang labi ko. There's only one way to find out the truth.

DNA.

That's right. I need to find Papá!

Mabilis akong tumayo sa kama kahit na hindi ginagalaw ang pagkain na inihanda para sa akin ni Zeid.

Kahit walang ayos, naglakad ako papalabas. Saktong pagbukas ko ng pintuan ay tumambad si Ferd sa akin, nakaupo siya at hawak ang telepono.

Nabigla siya nang maaninag niya ako.

"Georgia! Oh my God!" aniya at mabilis na tumayo upang daluhan ako.

"How are you? Did you eat the food that Zeid-"

"I'm fine, Ferd. Thanks. But I need to talk to my dad." putol ko agad at hinawi ang kamay ng matalik na kaibigan.

Kinagat niya ang labi niya at tumango. "Okay, okay. Sasamahan kita. Nasa office si Gov.."

Doon nga kami nagtungo. Tahimik si Ferd nang sumakay kami sa elevator. Pinapakiramdaman ang kalagayan ko.

"Uh.. umuwi muna si Zeid. Nagpaalam siya sa'yo kaya lang tulog ka but I'm sure nag message rin siya sa'yo."

Tumango ako at hindi nagsalita. Muli kaming binalot ng katahimikan.

Sa totoo lang, wala talaga akong gana makipag-usap sa kahit na sino ngayon. Ang alam ko lang na sigurado ako ay ang makausap si Papá ngayon.

Pagkarating sa unang palapag ng mansyon, nauna akong maglakad patungo sa office ni Papá. Ramdam kong nakasunod si Ferd sa akin kaya nang matanaw si Nana na naglilinis sa mga muwebles sa labas, mabilis itong tumayo ng matuwid at hindi na rin nagsalita pa.

Siguro'y nasenyasan ni Ferd.

Tumikhim ako at kumatok sa pinto ng tatlong beses bago tuluyang pumasok. Nakita ko agad roon si Papá na nakaupo sa kanyang swivel chair, may suot na salamin.

Nang matanaw ay mabilis itong tumayo at nagpunta sa akin.

"Kumain ka na ba?" aniya at hinubad ang suot na salamin.

Tumango ako kahit na hindi naman iyon ang totoo.

"We need to talk." sambit ko at umupo sa isang silya roon, katapat ng kanyang lamesa.

Malinis ngunit bahagyang madilim ang office ni Papá. Gray ang kulay ng mga dingding samantalang lahat ng gamit ay kulay itim.

Ngayon lang ako nakapasok sa kanyang office. Nakita ko rin doon ang mga larawan niya noong siya ay sa tingin ko nagsisimula pa lang sa pulitika. Ang imahe ng aking nanay na mag-isa, at mayroong kasama siya.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now