Chapter 20

657 24 0
                                    


Chapter 20

Second Threat

Maingay ang klase namin matapos marinig ang announcement mula sa labas. The school administration decided that there will be no classes today, due to urgent Professional Meeting.

Dinig ko'y may bagong Professor na dumating mula sa kabilang building. Adonis. Iyon ang describe nila sa Professor na iyon.

Dahil wala ng klase hanggang mamaya, ang iba sa aming kaklase ay pumunta sa kabilang building para abangan iyong Professor. Kasali doon si Yasmin.

"Georgia, sasali ka sa volleyball?" Ngiting tanong ni Athea sa akin.

Kasama niya si Dindi, iyong President ng klase.

"Bakit?" Kunot noo kong tanong.

Ngumiti si Dindi sa akin at pinakita ang listahan. "May hinanda ang School Council na palaro ngayon dahil wala ng klase. Bawal din lumabas kaya eto." Paliwanag niya. Athea invited me to join.

"Sali ka na! Libre ang uniform, tsaka marunong ka naman diba? Naglaro tayo noong nakaraan, e!"

Ngumiti ako at tumango. Alright. I'm in.

Pumalakpak sa tuwa si Athea at siya mismo ang nagsulat ng pangalan ko. Ito yung gustong gusto ko noon. Iyon bang makasalamuha ng ibang tao. Kaya ginagawa ko lahat magkaroon lang ako ng maraming kaibigan.

Tinago ko muna ang gamit ko sa locker bago magpalit ng uniform na binigay sa amin ni Dindi. Napatalon ako sa gulat nang may iilang papel na nahulog mula sa pagkabukas ko ng locker.

Sumungaw si Athea sa akin ng nakangisi. "Daming admirers, ah." Humalakhak siya at tinulungan akong magpulot.

Ngumiti ako. "Naku, hindi naman. Baka nakikipag kaibigan lang," sambit ko.

Umiling si Athea at tinampal ako sa braso. "You're so humble talaga!"

Napaangat kami ng tingin kay Yna na karadating lang at nang magbukas ng locker, may iilan ding sulat ngunit hindi iyon kasing dami ng akin. Sapat na upang hindi mahulog.

Nakita kong napasulyap siya sa akin. Nginitian ko siya. "Mukhang si Yna ang may admirers," ngiti ko.

Athea looked at her too. "O, Yna! Andito ka pala. Teka, sasali ka din?"

Tumango si Yna. "Oo..uh.. Martin encourage me to join," bahagya siyang sumulyap sa akin bago inayos ang gamit sa locker.

Napangisi ako. Wow. Mukhang may gusto na ngayon si Martin sa kanya. That's good.

"Huh? Naniwala ka naman don? Baka pinagtitripan ka lang non," Athea joked.

Kitang kita ko kung paano natigilan si Yna doon. Kinagat ko ang labi ko at bahagyang kinurot si Athea. Sinenyasan ko siyang itikom ang bibig niya dahil sa talim nito magsalita.

Yna looks offended! Hay naku, Athea!

"What?" She mouthed.

Umiling ako at kinuha na ang mga sulat. Inayos ko yon sa locker ko at sinarado na. Nilingon ko si Yna na hanggang ngayon ay nakahinto lang.

"Don't mind what she said. I believe you are good in playing volleyball, that's why Marti–"

"I know." Ngumiti sa akin si Yna at nagkibit balikat.

Ganun? Sige. Nagpaalam na akong magbibihis sa bathroom para isuot ang cycling at jersey pang volleyball. May nakasulat ito sa harap na "XAVIERS"

Wala na si Yna pagkalabas ko. Athea looked so bored while waiting for me. Nang matanaw ako ay agad akong hinila palabas.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now