Chapter 42

537 24 3
                                    

Chapter 42

Kabit

"Miss Cirea, nandito na raw po yung delivery niyo."

Napa-angat ako ng tingin nang tawagin ako ni Ethel. Tumango ako at tumayo bago nagpunta sa labas ng studio. Mabilis kong pinirmahan ang delivery at kinuha na ang lunch ko.

Ramdam ko ang pag-iwas ng ilang mga staff doon sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit pero mas okay ako na ganoon ang tungo nila. Ayoko na masyadong makipag-usap sa mga tao. Nakakapagod minsan makipagplastikan.

Zeid is now talking with Mr. Xin. Fina-finalized na lang ang mga iilang kuha ni Miss Jen upang matingnan kung may dapat ba kaming i-take or waa na. How I wish na sana maayos ang lahat. Gusto ko na kasing umuwi para makipag kwentuhan kay Ferd.

"This is perfect, Sir. Rest assured that it will be our biggest hit for this season."  I heard Miss Jen's remarks.

"That's good. Maiwan ko na kayo," ani Zeid.

Umiling ako at nagsimulang kumain. Nakabihis na si Zeid samantalang nakasuot pa rin ako ng roba. Naamoy ko agad ang pabango niya, tanda na malapit siya sa akin.

"What's that? puro damo." reklamo niya at umuwi sa tabi ko.

Umirap ako. "It's healthy."

"Kaya ko rin naman gawin 'yan.." aniya.

Nag flash back lahat sa akin ng mga ginagawa namin noon sa bahay niya. Naaalala ko noon lagi niya akong pinaghahanda ng mga pagkain. I even tried to learn cooking for him.

Para maipagluto siya.

Tumikhim ako at hindi na nagsalita pa. "Miss Jen said that our shots are perfect. That means na wala nang follow up shoots. So where do you wanna go after this?" sunod sunod niyang tanong.

"Wala. Matutulog." tipid kong sagot.

Hindi siya kumibo at tinitigan lang ako. Bahagya akong nakaramdam ng pagkailang. "Stop staring." saway ko sa kanya.

"Can't help it. You look.."

"What?" mataray kong tanong.

"Gorgeous. As always," he replied.

Umiling ako at mabilis na tinapos ang pagkain. Nakaupo lang siya sa tabi ko habang kinakausap naman siya ng mga iilan niyang staff do'n.

I took that as an opportunity para makatakas sa paningin niya. Kinuha ko ang damit ko para makapagpalit. Nagliligpit na rin naman na yung mga staff dito dahil tapos na nga kami sa shoot.

Dala ko ang cellphone ko nang pumasok sa dressing room. Sa isang iglap, namalayan ko na lang ang sarili kong kumukuha ng mirror shot. I can't help it, though. Maganda iyong lighting dito sa dressing room.

Napangisi ako sa dami ng magaganda kong kuha. Mabilis ko iyong nilagay sa story ko sa IG. Ilang sandali pa ay may biglang kumatok sa dressing room.

"Sino 'yan?" sigaw ko at inayos ang roba. Naglakad ako papalapit sa pinto at saka tiningnan kung sino ang kumatok.

I saw Zeid's grumpy look. He looks annoyed about something. Nakakunot ang noo at madilim ang mga mata.

"Hindi ka nagpaalam." aniya.

Nagtaas ako ng kilay. "For what? magbibihis lang naman ako."

Dahil sa sinabi ko, mas lalong kumunot ang noo niya. "Magbibihis pero makikita ko 'to?" iniharap niya sa akin ang cellphone niya.

Iyon yung picture ko sa IG na kakakuha ko lang kanina. A bit revealing kasi kita ang swimsuit ko dahil nakabukas ang roba.

"Oh, ano naman? I look nice there kaya!" asik ko.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now