Chapter 3

812 31 3
                                    


Chapter 3

Friends

"Bye!" Kumaway ako sa kanilang lima at aksidenteng nahagip ng mata ko ang seryosong mga mata ni Zeid. Uminit ang pisngi ko ng maalala ang nangyari kanina sa veranda.

Agad kong inalis sakanya ang paningin at ngumiti muli sa kanilang lahat bago pumasok sa sasakyan. Hinintay nilang makaalis ang sasakyan namin bago sila nagsipasok sa loob ng mansyon nila Zeid. Iyon ang nakita ko sa rear view mirror.

"Kumusta naman, Georgia? Nag enjoy ka ba?" Nakangiting tanong sa akin ni Nana.

Tumango ako. "Opo. Salamat, Nana."

"Mabuti. Kumain ka na ba ng dinner?" tanong niya muli.

"Y-Yes. I already ate, Nana. Nagluto si Z-Zeid." Napapikit ako ng mautal sa pagbanggit ng pangalan ni Zeid.

Napatingin tuloy sa akin si Nana. Nag-iwas na lang ako ng tingin at itinuon ang pansin sa cellphone ko. Sunod sunod ang pagtunog noon dahil sa mga messages nila Janice sa messenger. Ngumuso ako.

Janice: See you again, Georgia! Love you!

Andrei: luh plastik

Maria Elise: HAHAHAHHAHAHA

Janice: @Andrei epal ka gorl

Natawa din ako. Nag scroll up pa ako at nakitang araw araw pala silang nag uusap doon sa groupchat. Naalala ko na pinilit pa ako ni Elise na mag download ng mga social media app para daw makausap ko sila pag bored ako.

Biglang tumunog muli ang phone ko. Kumunot ang noo ko. Nakamute na ang group chat namin. Sino kaya ang nagchat?

Halos hindi ako huminga ng makita ang numero ni Zeid doon. It's not a chat. It's a text! A text from Zeid!

"Ayos ka lang, Georgia?" Nakakunot ang noo ni Nana. Suminghap ako. Kanina pa pala niya ako pinagmamasdan.

Tumango ako at ngumiti. Sinulyapan ko si Manong Loteng at abala lang ito sa pakikinig ng music sa cellphone niya habang naka earphone.

Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang text. Uminit ang pisngi ko ng maalala na siya din ang naglagay ng name niya sa contacts ko kanina.

From: Zeid Ausborn

Nakauwi ka na?

Naramdaman ko ulit ang paglingon ni Nana sa akin sa back seat. This time, hindi lang mata ang gumalaw. Kalahati na ng katawan niya ang nakaharap sa akin.

Pinilit kong ikinunot ang noo ko. Pilit kong inisip na normal lang ang simpleng kahulugan ng text niya. Na responsibilidad niya ako dahil galing ako sa bahay nila. Ngunit sumisingit sa utak ko ang isang bagay.

Pinilig ko ang ulo ko. I replied.

To: Zeid Ausborn

Almost.

Halos maitapon ko ang cellphone ko sa agarang pagreply niya. Maingay pa naman ang ringtone ng phone ko kapag may nagtext!

"I-silent mo nga 'yang phone mo, Georgia.. Kailan pa nag-ingay yan?" Si Nana.

Kinagat ko ang labi ko. "G-Groupchat yon, Nana.. I made some friends today.."

Mabuti na lang at naniwala din si Nana. Nilagay ko sa silent mode iyong phone ko at chineck ang reply ni Zeid sa text ko.

From: Zeid Ausborn

I thought you're already home. Take care. Text me if you got home.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now