Chapter 23

602 28 1
                                    



Chapter 23

World

"Bukas pa ang birthday ko!" Halakhak ko nang tiningnan ang kalendaryo sa cellphone para tingnan ang petsa ngayong araw.

"Magiging busy ako bukas dahil gusto akong papuntahin ni Dad sa Manila saglit. Kaya ngayon ko na ginawa," ani Zeid.

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"It's purely business. But don't worry, uuwi din ako kinabukasan."

Napangiti ako doon. Akala ko matatagalan siya. Mabuti na lang at hindi! Cloud at Andrei dahil naglalaro ata ng ML. Hindi ako sure doon sa tawag pero online games iyon. Dumating na din iyong ibang pagkain na inorder ni Zeid. Kakatapos ko lang mag blow ng candle kaya heto at kulitan nanaman ang naganap.

Dinikit nila Elise ang mga lobo sa pader sa kuwarto ko. Janice took the cake, tinawag ako ni Elise sa kuwarto at sumunod ako kay Janice sa pag pasok ko doon.

"Picture!" Ani Elise.

Ngumisi ako. Binigay sa akin ni Janice iyong cake at bahagyang inayos ang buhok kong medyo nagulo dahil sa yakapan kanina. Pagkatapos ay sumenyas na si Elise na pipindutin na ang camera.

"1,2,3!" She counted before she took a picture.

Sunod naman ay kaming tatlo ang nagpicture. Nakailang shots kami doon bago nagsawa ang dalawa at lumabas ulit kami sa sala para makihalubilo sa mga lalaki.

Cloud turned to me. "Ang laki pala ng condo mo."

Nailing ako. "Hindi naman gaano. Sakto lang," dahil mas malaki pa dito ang kuwarto ko noon. Ang isang buong floor sa mansyon namin ay sa akin lang. Kalahati lang ata ito ng kuwarto ko noon sa mansyon.

Nagulat ako ng may inabot sa akin si Andrei. Nakalagay iyon sa lalagyanan na pabilog. Andrei smiled. "Happy birthday, boss georgia mapagmahal."

Tumawa ako at niyakap siya. "Salamat, Andrei!" Asik ko.

Si Andrei ang una kong nakilala at nakausap. Kaya lang, si Zeid naman ang unang nakaalam ng pangalan ko. Natawa ako ng maalala kung paano kami nagkakilala noon sa salu-salo.

Binuksan ko iyon at nakitang isang relos iyon. Sa itsura pa lang, alam kong mamahalin na iyon. Tumawa si Andrei at umiling. "Oh, baka umiyak ka niyan ha. Wag na. Welcome na. Wag ka lang umiyak,"

Nagtawanan kami sakanya. Sunod naman ay si Cloud. Nakapaper bag iyon, nang binuksan ko ay isang maliit na sling bag na kulay itim. Natuwa ako doon dahil mahilig talaga ako sa mga sling bag.

"Napansin ko kasi na mahilig ka kaya ayan ang naisip ko." Aniya.

Tumango ako at nangiti. "Thanks, Ulap! Tama ka. Paborito ko nga ito,"

Elise hugged me tight. Inilahad niya sa akin ang medyo malaking box. Nang dinungaw ko ang nasa loob ay nakitang isa itong make up kit. Halos kumpleto ata ang nandoon. Nanlalaki ang mata ko nang tumingin kay Elise.

She smirked. "I know that you're already beautiful, Georgia. But I want you to learn doing make ups, too! Para may karamay na akong adik sa make up!" Natatawa niyang sabi.

I pinched her cheeks. "Sure, Elise. Make sure you'll teach me well, okay?" Kumindat ako.

"Omo! Are you serious? Naku! Ako na ang bahala sa'yo, Georgia!" Natutuwa niyang sabi.

Janice pulled me, nagtataka ko naman siyang tiningnan. Sinenyasan niya si Elise kaya tumayo din ito.

"San kayo pupunta?" Nagtataka ding tanong ni Zeid.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now