/45/ Love Over Demon

Börja om från början
                                    

"First target spotted. Pa'no ba 'yan Ester, someone's seems to volunteer to be killed first." Naramdaman ko ang pagtaas ng dalawang kamay ko at may planong tumalon ito mula sa kinatatayuan ko. Handa ng patayin ang lalaking nakatayo sa baba. No! I must warn him!

"Run, Lucas! Run!" sigaw ko kahit alam kong hindi niya ito maririnig.

"Wala ka nang magagawa, Ester. He is going to be my first kill tonight." Umangat ang labi ko kasabay ng pang-angat ng mga paa ko. Hudyat na tatalon na ang demonyo upang patayin si Lucas.

"Nooooooo!" 

Ngunit isang pamilyar na init ang bumalot sa buong katawan ko. Naantala ang pag-atake ng katawan ko kay Lucas. Hindi magawang makatalon ng katawan kong kontrolado ni Trese dahil sa isang mahigpit at mainit na yakap ang pumigil dito. Ang yakap ng nag-iisang tao na kayang iparamdam sa akin ang kakaibang sensaysong ito. Finnix.

The man is back-hugging me right now. His heat seemed to travel all over my body and into my heart. His heat woke my nerves. Tila binuhay at pinatibok nito ang namatay kong puso.

With his embrace, I felt that everything became okay again. Nawala bigla ang pagkontrol ni Trese sa katawan ko. Finnix is really my love. For he can destroy my link of hate.

"Ester, whatever you are thinking, don't do it please!" he wisphered in my ear.

Napaluha ako bigla. Hindi ko inaasahang mangyayari ito.

Yakap-yakap niya akong inalalayang umatras mula sa dulo ng rooftop. Nang masigurong medyo malayo na kami mula doon ay hinarap niya ako sa kaniya at hinawakan sa magkabilang balikat.

"What's happening, Ester? What do you think are you doing!" singhal niya sa akin.
Tila nagbago ang tono ng boses niya kanina at ngayon pero isang bagay lang ang napansin ko, the feeling of concern is still there.

Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako kailanman iiyak pero heto ako ngayon. Tila talon ang mga luha kong dumadaloy sa pisngi ko. But this time, it is not because of my past anymore. It is because of the present. The fact that there is now someone who I can lay on makes my heart very happy to the point that I cried. I am falling deeper to this man.

Hindi ko magawang makasagot sa kaniya. Sinubukan kong titigan siya mata sa mata ngunit mas napaiyak ako sa aking nakita. The look in his eyes are full of worries. Napansin niya sigurong hindi pa ito ang tamang panahon upang sagutin ko ang tanong niya kaya hindi ko magawang makapagsalita kundi ang humikbi na lang. Ang sunod niyang ginawa ang mas ikinagulat ko. Isinubsob niya ako sa kaniyang dibdib hindi alintana kung mababasa man ng mga luha ko ang damit niya. Niyakap niya ako nang mahigpit hanggang sa maramdaman ko at naririnig ko na kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya.

"Can you hear him? Can you hear my heart? That's how worried I was," garagal niyang sabi. Bawat salita niya'y tumagos sa puso kong kanina ay hindi na tumitibok.

"Tahan na. I'm here. You are safe now." Mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sa akin at hinimas himas ang likod ng ulo ko upang patahanin ko, and it is  quite effective. Unti-unti nang gumagaan ang loob ko. Napawi niya lahat ng pangamba ko.

"Everything's going to be okay."

"Everything's going to be okay."

***

Lumipas ang isang oras.

Dalawang oras.

Tatlong oras.

Apat na oras

Hanggang sa wakas ay tuluyan nang nagpakita ang araw na kanina ko pa hinihintay. Umaga na at kailangan na naming mag-almusal. Heaven messaged us that they prepared breakfast on where they stayed last night and that we must go there and eat with them. Kaya ngayon ay papunta kami sa kanila. Kasama ko ngayon si Reen at si Finnix na tinatahak ang daan papunta kila Heaven. Reen is leading the way dahil alam niya ang pasikot-sikot ng akademyang ito. Bibihira lang ang mga estudyanteng padaan-daan dahil masyado pa namang maaga upang lumabas. Malayo ang building ng mga juniors sa mga seniors kaya medyo napatagal ang paglalakad namin.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu