01//

107 2 0
                                    

01//
Lee Niroh's

The moment he pulled out and released all his juices on the white sheets ay tumayo na agad ako kahit na hindi pa ako nilalabasan.

"You know what Lee Niroh, you used to be so good in bed..." Humalakhak sya ng mahina sabay abot ng box ng tissue na nasa bedside table. Pinunasan nya ang mga puting likido na nasa kama na halos matuyo na, pinunasan nya din ang kamay nya at parang diring diri sya. Sa kanya naman yun pero diring diri pa sya. Paano pa kaya kung nilabasan ako diba? Baka masuka pa sya.

"Ang boring mo, alam mo ba yun? Nasaan na ang pagiging wild mo? Namatay din ba?" Nakakainis ang tawa nya. Parang gusto ko syang sampalin dahil sa sinabi nyang yun pero alam kong hindi ko kayang gawin yun.

"Pinatay mo din?" Tumaas ang kilay nya at tiningnan ako na parang napakababa kong babae.

Naiinis ako sa kanya pero mahal ko sya, mahal na mahal ko parin sya. Parati. Hindi nagbago. Hindi nabawasan.

At mas lalo nga atang nadadagdagan.

"I have to go." Mahinang sabi ko habang naghahanap ng underwear mula sa backpack ko.

Alas onse pasado na at kailangan ko pang bumyahe ng ilang oras mula sa Seoul para makauwi sa Uljin at makapasok bukas sa school.

"It hurts my pride, you know. Kakatapos lang natin ng tatlong rounds pero aalis ka na agad. Hindi manlang ba kita napagod?" Mapaglarong sabi nya habang nakatunghay sa kabuhadan ko.

"Why don't you rest for a bit? Hindi ka makalakad oh..."

He's not being nice or hospitable. It's just that... gusto nyang ipangalandakan kung paano nya ako nakakayang pagurin ng husto.

"Kailangan ko nang makauwi..." Bumuntong hininga ako at halos manlamig sa mga titig nya.

Tumitig lang sya sakin. Hindi na ako nailang, hinayaan ko syang tingnan ang katawan ko. Para saan pa kung tatakpan ko ito eh ilang beses nya naman na itong nakita?

"Umalis ka na nga, nakakawalang gana kang tingnan." Natatawa nyang sabi, tumayo sya at nagsuot ng undergarments at maluwag na tshirt. Hindi na malaki ang tyan nya gaya noon, ipinangalandakan nya sa akin ang magandang hubog ng katawan nya. Tanging ang surgery scar na lang sa bandang tyan nya ang nakikilala ko.

Nasaan na ba ang dating Lee Minho na nakilala at minahal ko ng buong buo?

Ang Lee Minho ko, magaspang ang mga kamay nya. Malaki ang tyan at hita nya. Mahilig syang mamitik ng noo, nauuna ang nguso nya pag naglalakad sya, at pumipikit pikit ang mga mata nya.

Itong nasa harapan ko, mahal ko sya kahit hindi sya yung Lee Minho ko noon.

"Nasa lamesa ang sobre, sobra sobra pa ang perang yan kung ikukumpara sa performance mo... pinagtyagaan lang kita. Ang totoo nan, hindi talaga ako pumapatol sa mga laspag na... pero masyado kang mapilit eh."

Nagsindi sya ng yosi at ibinuga sa muka ko ang usok.

Napapikit pikit ako at umubo. Tarantado na talaga sya. Hindi na sya yung dating Lee Minho na malambing, maalalahanin at mahal na mahal ako.

"Bilisan mo nang umalis, ayokong maabutan ka pa dito ng mga kaibigan ko." Umihip ulit sya ng usok sa muka ko at tumalikod.

"Nakakahiya kang kasama Lee Niroh..."

Ibang Lee Minho na ang nasa harapan ko. Hindi sya ganito dati. Pero dahil sa katangahan ko at kaduwagan, naging demonyo sya. At kahit na anong gawin ko para maibalik sya sa dating sya, mukang wala na talaga. Hindi na maibabalik pa. Ako ang may kasalanan, at lahat ng ito ay ang kabayaran sa mga nangyari magta-tatlong taon na ang nakararaan.

Hindi nalang ako nagsalita. Tahimik akong nagbihis habang sinasalo ang matatalim at nang aasar nyang titig.

"Aalis na ako..." Sabi ko at kinuha ang sobreng may lamang pera. Siguro naman, sapat na itong pambayad ng isang semester at ng dalawang buwang renta sa dormitoryo.

"Mabuti pa nga at umalis ka na, naaalibadbaran ako sa muka mo... layas na! Baka masipa pa kita palabas!"

Humakbang sya palapit sa akin at mas naamoy ko ang pinaghalong alak at sigarilyo mula sa hininga nya.

"Tatlong taon na Minho... hanggang ngayon ba galit ka parin sakin?" Kalmado kong sabi pero sa loob loob ko ay nanginginig na ako sa takot.

Sana... alam nya na hindi lang sya ang nasaktan sa nangyari.

Nasaktan din ako.

"Lumabas ka na bago pa kita masaktan." Nanggagalaiti nyang sabi at itinapon sa akin ang sigarilyo nyang may sindi pa.

Hindi ako nakailag. Tumama sa braso ko ang sindi--- mahapdi, masakit, pero halos hindi ko ito naramdaman dahil mas namutawi sakin ang sakit na dulot nya.

Nasasaktan ako sa mga nangyayari pero mas nasasaktan ako na nakikita syang ganito. Ayokong nakikita syang ganito. Hindi naman sya to eh. Hindi sya masamang tao, hindi sya marunong manakit at hindi nya kailanman ginusto na masaktan ako.

Pero nandito na to eh, nangyari na at kailangang harapin na.

Nagbago na si Minho. Pero ang pagmamahal ko sa kanya, parang mas lalong nadadagdagan sa tuwing sinasaktan nya ako.

"Minho, tatlong taon na magmula nang mamatay si---"

"Umalis ka na sabi eh!"

"Aray! Nasasaktan ako!" Pilit kong inaalis ang mga kamay nyang mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko, pero mas diniinan nya pa ang hawak. Dun pa talaga sa mismong napaso nya ng sigarilyo kaya doble ang hapdi na naramdaman ko.

Pero mahal ko sya kahit anong mangyari.

"Wala akong pakialam kung nasasaktan ka! Tandaan mo to ha, wala ka na sakin ngayon Lee Niroh! Napagsawaan na kita!"

Lintek na buhay to! Minsan na nga lang mabuhay, nagkandaletse letse pa.

"Talagang magsasawa ka sakin! Maaga mo kong ginalaw eh! Edi sana di mo ko binuntis ng maaga kung magrereklamo kang napagsawaan ako!"

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now