TR 33

4.6K 309 91
                                    

TR 33: Trouble Overnight Part 1

"Ano, may pagkain ka ba diyan?"

"What the hell is wrong with you? Wala ka na ngang matutuluyan sa oras na ito, pagkain pa hinahanap mo." Ngawa niya na parang bata.

"Eh sa yun ang hinahanap ng tiyan ko ngayon." sabi ko. Napabuntong hininga na lamang siya.

"You know what. Wala naman akong kinalaman sa'yo. Aalis na ako." Sabi niya saka naglakad paalis.

Ganoon nalang ang pagkunot ng kilay ko nang naghuhurumintado itong bumalik sa harapan ko.

"You-!" sabay turo niya sa akin. Baliw nga ata ang taong ito. Unang kita ko palang sa kanya, may sa kung sinong kinakausap ngayon naman, mukhang magsisimula nanaman ang bagong atake ng sakit niya.

"Ano?"

"Bakit parang wala kang pakealam?!" Bulyaw niya na tila'y isang batang inaaway ng matanda.

"Huh?"

"Anong gagawin mo? Uupo ka lang dito at ano? Magpapatayo ka ng bahay sa parking lot? Baliw ka na ba?" Ako pa ngayon ang baliw?

"Huh?"

"Shit, nakakainis! Nakakabaliw kang tignan."

"Umayos kang gago ka, baka mapagkamalan ka pang baliw."

"Fuck it! What I'm trying to say is, sumama ka sakin." Saka niya ako hinila patayo. "Nakakainis kang tignan kasi wala kang ginagawang paraan para malagyan ng bubong yang ulo mo. You didn't even beg." Lagyan ng bubong ang ulo ko? Huh?

Aba'y gago pala ang isang 'to, anong akala niya sa ulo ko pundasyon?

Sa halip na barahin pa siya ay nagpadala nalang ako sa paghila niya. Wala ako sa mood para makipagtalo pa o mag-inarte. Alam ko namang walang laban sa akin ang Holen na ito at isa pa, kahit may saltik ko alam kong  may magandang intensyon naman.

Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita sa sarili niya hanggang sa makapasok na kami ng tuluyan sa sasakyan niya. Nang makapag-seatbelt na ako ay agad na siyang humarurot papalayo sa parking lot.

"Hindi ko alam kung anong pumasok diyan sa isip mo at nasa labas ka pa ng ganitong oras..." Napabuntong hininga na lamang ako sabay nagpahalumbaba sa bintana ng kotse ni Holen.

Nakatitig ako sa kawalan habang tinitingnan ang dinadaanan ng kotseng minamaneho niya at pagbibingi-bingihan ko sa mga sinasabi niya maging ang music na pinatutugtog niya ay hindi ko na rin halos mapansin.

"Kung hindi mo nakikita, sinusubukan naming makapasok diyan sa matigas na pusong iyan para matulungan kang magtiwala muli sa tao. Roise kung hindi mo nakikita iyon, hayaan mo kaming tulungan kang makita na hindi lahat ng tao ay katulad ng inaakala mo! Masyado mo ng kinukulong yung puso mo na hindi mo na alam kung paano makaramdam. Bakit ang hirap tibagin niyan?!"

Napakuyom ako ng kamao habang binabalikan ang mga salitang binitawan ni Lambot sa akin. Nakaramdam talaga ako ng inis sa mga oras na yun. Yung tipong gusto ko na siyang suntukin o makaisa man lang sa pagmumukha niya. Sino ba siya sa inaakala niya para pagsalitaan ako sa mga bagay na wala siyang alam?

Puso ko titibagin niya? Saka siya mangtibag ng puso ng may puso, tibagin niya muna yung kanya. May problema rin siyang kailangan niyang kumprontahin.

May kanya-kanyang problema ang mga tao, bago sana tumulong sa iba ay tulungan muna dapat ang sarili. Kung kaya't dapat lang na hindi niya ako unahin at magpadala sa emosyon.

"Tama. Napakagago ko. Ganyan ka nga pala."

Sa huling sinabi niya ay tila'y nakasalap ako ng pait. Nagugulumihan ako sa kanyang sinabi at maging ako sa sarili ko hindi ko rin maintindihan. Para kasing pinapahiwatig niya na mas kilala niya pa ako kesa sa sarili ko. Tangina lang? Pwede pala yun?

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now