TR 31

3.8K 292 105
                                    


Trouble with the Gang 2

[IAN]

"Boss. 300 nalang. Mukhang gamit na gamit na yan eh." Sabi ni Josua sa nagbebenta ng cellphone.

"Iho 500. Lugi ako sa 300 eh." Sabi ng lalaki.

"Boss 300 lang pera namin. Tsaka naman boss, wala ng ibang bibili ng ganyan dito. Halos lahat touch screen na at kung meron mang bibili ng ganyan eh doon na sila sa brand new kesa sa ganyan." Hindi naman nakapagsalita ang lalaki. Kinuha naman itong tyansa ni Josua para akbayan ang lalaki.

"Tsaka, mukhang nakaw pa ata yan boss." Pabulong na sabi ni josua na siyang ikinanlaki ng mata ng lalaki.

"250 sirado boss. Atin-atin lang walang makakalabas. Sayo na cold cash. Kesa wala kang maiuwi." Singit ko pa.

"S-sige pero walang laglagan. Kailangan ko lang talaga ng pera ngayon nangangailangan kasi kami." Nauutal na sabi nito. "Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko rin naman ito gawain. Sadyang kailangan ko lang ng may maiuuwi."

"Boss, walang pagnanakaw na hindi sinasadya." Sabi ni Josua na hanggang ngayon ay nakaakbay pa rin sa kanya.

"Hindi naman masama ang mangailangan boss pero ang masama eh yung pinili mong paraan para maibsan yung pangangailangan." Sabi ni Josua na ikinagulat ko.

"Hindi sa nanghuhugas kamay ako. Aminado naman akong di rin ako absuwelto sa baluktot na pagiging maparaan. Ang akin lang hangga't sa maaari piliin mo yung daang wala kang sabit." Matapos no'n ay walang pag-aalinlangang ibinigay ng lalaki ang keypad na cellphone at tinanggap ang 250.

"Salamat boss." Nakangising sabi ni Josua. Napataas naman ang isang kilay ko sa kanya. "Ano?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam kung binibigyan mo ba siya ng pabor o nagpapakawalanghiya ka nanaman." Sabi ko.

"Diba sinabi ko na? Aminado naman ako." Natatawang sabi niya sabay akbay sa akin.

"Gago."

"Anong balita kina leader?" Biglang tanong niya.

"Wala eh. Mukhang busy." Sabi ko nalang.

"Buti nalang. Hindi ko pa alam kung paano natin sasabihin." Sabi niya.

"Di yan. Mukhang next week pa yun mapapagawi rito." Sabi ko saka ako tumingin sa relo ko. Alas 5 pa ng hapon, mamaya pa ata dadating si Roise.

"Mukhang maaga-aga pa. Dota muna tayo, 1 hour lang." biglang sabi ni Josua. Napatawa naman ako.

"Yan ang pinakamalaking kasinungalingang narinig ko." napatawa naman siya sa turan ko. "Tara."

[ROISE]

"Ah."

Tambayan ba kamo?

"Oo nga pala." Sa halip na magmadali ay pinagsawalang bahala ko na muna at unti-unting inubos ang pagkain ko.

Magkikita at magkikita pa rin naman kami, magmadali man ako o hindi. Makaraan ng isang oras ay natapos na rin ako sa pagkain.

Patoothpick-toothpick na lang ako nang sa wakas ay napadighay na ako. Hudyat ko iyon upang umalis na sa 7/11.

Alas sais y medya na ng gabi nang tinahak ko ang daan patungo sa tinutuluyan ko. Sa di kalayuan tanaw ko na ang naiilawang bahay, sumaglit muna ako sa isang sari-sari store at bumili ng kung anu-ano. Pampalipas kuno ng oras.

Trouble RoiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon