TR 28

4.5K 311 56
                                    

Walking Trouble

Makaraan ng ilang minutong paglalagi ko sa gitna ng mga bisita ay may kumosyon ang biglang naganap. Isang matinis na boses ng babae ang biglang sumigaw sa may bandang kanan, doon sa direksyon ng banyong itinuro ko. Ang kaninang hall na puno ng masayang palakpakan at magigiliw na tawanan ay agad napalitan ng mahinang bulungan.

Agad namang dumapo ang tingin ko sa waiter na kausap ko kanina na ngayo'y papunta na sa pinanggalingan ng kumosyon. Nakita ko naman siyang tumango sa akin. Hudyat na siya na ang bahala. Napangisi nalang ako sa nasaksihan.

Sa gitna ng maiingay na bulungan ng mga tao roon ay may mga lalaking nakauniporme ng medic ang biglang dumating. Dala-dala ang stretcher ay pinuntahan agad nila ang pasyente  sa paggagayak narin nung waiter na kausap ko kanina. Mukhang magandang palabas 'to ah.

Nang mailagay nila ang pasyente sa stretcher ay agad ko silang sinundan papalabas. Doon, nakita ko ang isang sasakyan na may nakalagay na ambulance na salita sa harap nito. Marami ring nakiusyoso na guest habang nilalagay ng mga medic sa loob ng ambulansya ang pasyente ngunit kahit saan ako lumingon sa kumpulan ng mga tao ay hindi ko mahagilap yung waiter maging si Angeles at yung kapatid ng biktima. Napaismid na lamang ako.

Sa tuluyang pagpasok ng mga medic sa pasyente sa ambulansya ay mabilis na akong umiskapo. Sumuot ako sa eskinita sa kabilang establisyemento nang masiguradong walang matang nakasunod sa galaw ko.

Umikot ako sa building at nagsasasampa sa likurang bahagi ng magkakasunod na establisyemento. Matagal tagal na rin nung huli ko itong ginawa pero ngayon mukhang makakalanghap na nanaman ako ng maharap na hangin sa itaas ng mga building. Gabi na kung kaya't wala gaanong tao ang pakalat-kalat sa bahaging ito. Lahat ng atensyon ay naroon sa insidenteng naganap kung saan kasalukuyan ng ibabyahe ang biktima.

Malakas na wang-wang ang umalingawngaw sa paligid hanggang sa humarorot na ng takbo ang ambulansya. Napatakatak na lamang ako ng labi habang tinatanaw ang direksyong tinatahak ng ambulansya. Hindi ko man mahabol ang pagharorot ng sasakyan pero sinubukan ko pa ring sundan kung saan ito patungo kung kaya't tinawid tawid ko lamang ang magkakatabing building.

"Tingnan mo nga naman." Nang mawala sila sa mata ng mga tao at guests ng naturang hotel ay dahan dahan nilang pinahina ang tunog ng wang-wang at lumiko sa isang desertadong daanan. "Kailangan ko na ata ng sapat na ehersisyo. Tangina." Hingal na turan ko sa sarili. Mga hayop na'to sino bang nag-utos sa mga 'tong dalhin sa malayo ang biktima. Mga putanginang animal ako pa ang pinagod. Humanda kayong yumaman ako, isasampal kong mercedes benz sa mga mukha niyong peste at paglalakarin ko kayo ng milya milya.

"Kusang loob nga pala ito. Animal ka Chip." Natawa nalamang ako sa sariling biro. Hindi na ata ako makapaghihintay na yumaman. Nang tuluyan ng mawala ang tunog ng wang-wang ay nakita kong nagsilabasan yung nangidnap sa loob ng ambulansya. Mula sa posisyon ko kitang-kita ko kung pano nila kargahin papalabas ang biktima sa ambulansya at inilipat sa isang itim na van na nakaparada sa iskinitang yon.

Dulot ng dilim at layo ko sa posisyon nila ay hindi ko na naaninag ang pagmumukha nung sakay ng van. Kahit pa sabihin nating ginawa ko ng teleskopyo ang dalawa kong kamay eh hindi sapat iyon para maklaro ko ang hilatsa ng pagmumukha ng mga nasa van. Pero kung susumahin, maliban sa biktima nasa walo katao ang nandoon. Tatlo sa ambulansya at 5 sa van.

"Yari ka ngayon araw." Ngingising sabi ko sa sarili. Umayos naman ako sa pagkakaupo ko sa itaas ng katapat na building ng eskinita at magiliw na pinanood ang nagaganap sa baba. Wala ho sa intensyon ko ang bumaba roon at pagbubugbugin ang mga taong nangidnap. Gusto ko lamang obserbahan ang kalakaran ng pangingidnap nila. Hindi pa naman ako sira para magpakabayani at sumugod ng walang dalang kahit ano.

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now