TR 32.1

3.9K 282 50
                                    

TR 32.1: Trouble and Pity

[ROISE]

Matapos kong magasti-astigan sa harap nila Lambot at Kalansay nauwi ako sa pagsisipa ng bato sa daan. Umalis ako doon ng walang plano kaya hindi ko na alam kung saan ko tutungo ngayon.

Ang tanging alam ko lang ngayon ay tamang umalis na ako roon. Wala naman kasi talaga akong karapatang makiapid sa bahay na 'yun. Maliban sa mapapahamak yung dalawa, eh makakasira pa ko ng pagkakaibigan. Marami ng nagawa para sa akin yung dalawa, hindi ko na dapat iyon abusuhin.

"Sino ba naman kasi ako?" Napaismid nalang ako sa isipin. Hindi naman talaga kami magkaano-ano. Naglalakad lang ako ng diretso sa may gilid ng kalsada habang sinisipa ang bato nang makarinig ako nang tawag sa likuran.

"Roise!" Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Doon ko nakita si Lambot. Hinihingal na hinahabol ako.

Napatalim ang tingin ko sa kanya. Sinabihan ko na silang huwag na akong sundan hindi ba?

Huminto ako sa paglalakad at hinintay siyang makaabot sa kinatatayuan ko. Nang makita niya akong huminto ay agad siyang tumakbo ng mabilis patungo sa akin.

"Roise." Sambit niya nang makalapit siya.

"Alin ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan?" Taas kilay na sabi ko.

"Alam ko. Mali ako pero hindi ka pwedeng umalis hangga't hindi pa ako nakakahingi ng tawad." Sabi niya. "Patawad Roise. Hindi ko agad nasabi sa kanila. Magpapaliwanag ako ng maigi sa kanila kaya bumalik ka at maghintay saglit. Hindi naman sila ganon kasama eh. Maiintindihan nila kung maipapaliwanag ko ng maigi. Gagawa tayo ng paraan. Magagawan pa 'to ng paraan. Kung gusto mo doon ka muna sa amin habang kinakausap ko sila Rash. Medyo may kaliitan pero magkakasya ka naman eh-" hindi ko na siya pinatuloy pa sa sinasabi niya.

Maalala ko lang yung nanay niya sa may letchonan, atrasado na agad ako. Delikado yun, maalam sa kutsilyo baka masisisi pa ko sa pagiging tarantado ng anak niya at maging katulad ako ng mga baboy'ng tinatadtad nila.

"Lambot. Magmumukha lang akong tuyong isiniksik sa lata ng sardinas." Alam ko namang silang dalawa ni Josua ay medyo may karamihan sa pamilya. Siksikan na rin sila. Hindi na makakabuti pa ang magdagdag ng isa pa.

"Pero kung aalis ka ngayon wala kang matutuluyan. Wala kang mapupuntahan. Roise, ala una na ng umaga. Hindi na'to oras para maging gala ka baka mamaya niyan damputin ka ng police o di naman kaya mapagtripan ka sa kalsada." Patuloy na sabi niya. "Roise, hindi ka pwedeng umalis ng ganitong oras." Saka niya ako hinawakan sa kamay at hinila pabalik sa direksyon kung saan siya galing.

"Teka lambot. Hoy gago." Pilit ko namang hinila yung kamay ko sa pagkakahawak niya. "Sandali nga. Hoy!" Malakas kong hinila ang kamay ko dahilan upang mabitawan niya iyon.

"Kalma nga. Daig mo pa nanay ko ah." Sabi ko sa kanya.

"Tawagin mo na akong nanay mo o kung ano man pero hindi ka pwede rito. Hindi ka pwedeng magpalipas ng gabi sa kalsada o bumalik doon sa bangketa kung saan kita unang nakita." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sino ka ba ha?" Tanong ko sa kanya. Natahimik naman agad siya.

"Sino ka ba para may salita ka sa kung anong gagawin ko? Hindi tayo magkaano-ano lambot. Wala kang obligasyon sa akin, maging ako sa'yo." Tiningnan niya ako ng tila ba'y hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Roise? Hindi mo ba nakikita?"

"Ang alin? Ano bang hindi ko makita? Ang tanging nakikita ko lang ngayon ay ang pagpupumilit mo sa mga bagay na hindi na pwede. Hindi mo ba naiintindihan na hindi na ako pwede roon? Hindi na ako babalik sa lugar na iyon dahil tapos na ako sa pakikiapid at isa pa, tama ang sinabi ng leader niyo. Hindi ka pwedeng magdala roon ng kung sinu-sino lang. Tigalabas ako Lambot. Alam mo yan. Protektahan mo muna yung mga kaibigan mo bago mo protektahan yung alaala mo sa isang estranghero." mahabang sabi ko ngunit pakiramdam ko sa bawat salita na binibitawan ko ay may kung anong unti-unting nawawala sa akin.

Trouble RoiseOnde as histórias ganham vida. Descobre agora