TR 3

14.5K 769 78
                                    

Yow guys! Napaaga ang update ko syempre, special request eh. hahahaha. Love you guys sa support. More powers pa kay Trouble. <3 d(^_<)b

zozozozozozozozozozozo

[Trouble Fights Tsinelas]

Tumakbo ako patungo sa kumpulan sa isang eskinita na may konting ilaw. Nasa likuran lang ako kaya hindi ako napapansin. Sinilip ko naman ang mga kamay nila. Tsk. Pare-pareho silang may tattoong tsinelas.

Ang hahanapin ko nalang ay yung apat na sinasabi nung bata. Yung long hair at kalbo agad ang nakita ko. Malamang sila nga yun dahil sa lahat ng nandito iisa lang ang may long hair at kalbo.

"Hoy Valideros! akala mo uubra ka samin? Hahaha. Wala ka pa sa kuko ng mga paa namin." sabi nung long hair.

"Wag mo kong maliitin Medusa!!" maangas namang sagot ni Ian.

"Anong Medusa?!?! Tangina bugbugin na yan!!" utos nung long hair.

Binali ko yung tubo ng tubig na nakadikit sa pader, nagsilabasan naman yung tubig sa loob nito. Puno na kasi ng kalawang kaya madaling baliin.

Sumampa ako sa basurahan na nasa may gilid lang. Gusto ko yung may Grand Entrance para malakas dating ko.

Nang makatayo na ako ng maayos sa ibabaw ng basurahan ay tinanaw ko yung bugbugan na nagaganap.

"HOY! LONG HAIR!" Sigaw ko. Natigil naman silang lahat at napatingin sakin. ~.~ Tumalon ako papuntang gitna nila ni Ian at yung long hair.

"Anong long hair?!?!" singhal niya sakin.

"Hindi ba?" sabi ko. Natigilan naman sya. Naalala niya siguro na talagang mahaba ang buhok niya. tsk.

"Anong ginagawa mo dito?! Bawal babae dito!" singhal naman nung kalbo.

"Paki mo?" sagot ko. Umusok naman sila sa galit. "Hoy ikaw lalaki. Tayo dyan. Kakatanggap mo lang ng pasa, tatanggap ka nanaman ulit?" sabi ko.

"Tsk. Pinagtulungan ako eh, anong magagawa ko? Atsaka bakit kaba nandito? Mapapahamak ka dito. Umalis ka na." tanong niya.

"May utang sakin tong mga to eh." sagot ko. Nagtatakang tiningnan naman niya ako.

"Utang?! Anong utang?! Wala kaming utang sayo, kaya umalis ka na!" sigaw nung long hair. Kailangan talagang sumigaw?!

"Meron." sabi ko at tiningnan ko sila ng matalim. "Hindi mo lang alam." saka ko sya hinampas ng bakal sa paa. Sumigaw naman siya sa sakit.

"AAAHHHHH!! GAGO!! ISAMA NIYO NA YAN! TANGNA! TAPUSIN NIYO KUNG KINAKAILANGAN!" Utos sa kanila ng long hair nilang leader. Natigilan naman sila.

"Boss. Ba't tatapusin? Di ako kriminal boss." sabi nung isa.

"Ayaw mong sumunod?" mariin na tanong nung isa.

"Hindi boss. Di ako pumapatay." sabi pa niya.

"Sana inisip mo yan bago ka pumasok sa grupo ko!" Sabi niya at sinuntok ng malakas yung lalaki. Bumagsak naman kaagad yung lalaki at kahit paika ika man ay nilapitan niya ito sa sahig at hinawakan ang baba at taas ng ulo. Maya maya pa nakarinig kami ng butong nabali.

Natahimik ang lahat at pawang mga gulat sa nangyari. Hindi na yan bago sakin at nasisikmura ko ang ganyang palabas. Ewan ko nalang sa lalaking nasa tabi ko. Halos lumuwa ang mata nito sa nakita.

Psh. Ganyan talaga, traydoran kung traydoran. Tumalikod ka, patay ka.

"Sinabi mo na ring kakalas ka." sabi pa niya sa lalaking walang buhay. "Ano pang hinihintay niyo?! Kapag sinabi kong tapusin niyo na tapusin na!!" sigaw niya. Natakot naman ang ilan at nag-alinlangang sumugod.

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now