TR Pilot Chapter

27.4K 975 162
                                    

Trouble Roise
[Pilot Chapter ]
By: BlabbersAlert
All Rights Reserved 2014®

Kung may Pilot Episode syempre sa wattpad merong Pilot Chapter. ^^
Dahil sa nakita at nagustuhan ko ang mga past comment ay napagdesisyunan kong gumawa ng pilot chapter bago ko simulan ang chapter 1 na still coming soon pa.

Thank you! At sana suportahan niyo rin to. :))

::Simula::

"Chip, naayos mo na?" Tumango sya bilang sagot saka sumampa sa wire fence na naghihiwalay sa teritoryo ni Tsingo at ng titirahin namin ngayong gabi.

"Madaling araw." sabi pa niya at kinagat ang Flashlight na dala niya.

"Siguraduhin mong di tayo sasabit." sabi ko. Sinimulan naman niyang akyatin ang wire fence.

"Oh-umf-awegwado"

"Ano?"

"Uhmp!" Matapos niyang tumalon sa kabila at tinutok sakin ang flashlight ay nagsalita na sya ng maayos. "Areglado."

Tinanguan ko sya at ako naman ang umakyat sa wire fence.

"Ump!" Yumuko agad ako pagkalapag na pagkalapag ko sa lupa. "Ikot." sabi ko sabay senyas sa kanya kung san sya dapat pumwesto.

Ako naman ay dahan dahang umakyat sa mga bakal na naghahagdan patungo sa ikalawang palapag ng gusali.

Laspag na ang pintura ng gusaling ito, marami ring nakakalat na bakal at amoy kalawang rin. Kung hindi ka matapang nasisigurado akong unang tingin mo palang sa gusaling to ay tatakbo ka na.

"Tsk."

Maingat kong binalanse ang mga paa ko sa makipot at tanging daan na pwedeng kong patungan. Wala na kasing matinong flooring ang gusali kaya medyo pahirapan ang pag-suong sa teritoryo ng kapwa ko ring kawatan.

Oo, Inaamin ko, magnanakaw rin ako pero paki ko ba kung masama o hindi. Kailangan ko tong gawin, sa hirap ng buhay ngayon, gutom ka kung di' ka marunong dumiskarte.

Tsaka kinalakihan ko rin naman to, Ano pa bang pagpipilian ko? Aarte pa ba ako? Eh puro rin naman masasamang tao ang nakakasalamuha ko. Quits lang kami.

Tahimik akong naglakad patungo sa may ilaw kung saan nakikita kong nagbabaraha at nag-iinuman ang tatlong ukoy. Psh. Masyadong pakampante.

"Balasahin mo ng mabuti." sabi nung isa sabay inom ng beer niya tapos nilagyan niya ulit ng beer ang baso. "Shot mo na pre."

"O sige lagay mo lang dyan--Ohoy, Ano yan? Nagbabalak ka pang dayain kami. Akin na yan, Ako na." sabi nung isa pa.

Nag-aagawan sila ng baraha nang mapansin ko ang paggalaw ni Chip sa di kalayuan at ang pag-piflicker ng flashlight na dala niya, na syang senyales na dapat nakong gumalaw.

Mula sa ikalawang palapag ay tumalon ako malapit sa mga nag-iinuman at dahil abala sila sa pag-aagawan ng baraha ay hindi nila napansin ang paglapit ko.

"Uyy! Mga chong! Ano na? Tabla ba?" sabi ko nung tuluyan nakong makalapit sa kanila. Nakuha ko naman ang atensyon nila. Ginamit naman iyon na pagkakataon ni Chip para makapasok na sa loob.

"Anong tabla? Ni hindi nga kami makasimula. Tangna kasing gagong to, mandaya ba naman daw- Ah teka nga, Sino ka ba ha?" sabi nung isa.

"Pano ka nakapasok dito?" tanong pa nung isa.

"Naman mga chong. Bawal ba ko dito? Wala naman restricted sign nakalagay ah?" sabi ko.

"Chicks na pre, itinataboy mo pa." sabi nung may hawak kanina ng baraha.

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now