TR 18

13.7K 687 70
                                    


[Trouble's Reward]

"Oy. Anong ginagawa mo dun? Nandon lang ang gripo oh." sabi ni Les nang makalapit na ako sa kanya. Hindi ko naman sya sinagot sa halip ay umupo nalang ako at nagsimula ng sumubo ng kanin.

"Oy." tawag niya ulit ng pansin.

"Hindi nakakabusog ang pagtatanong" saka ko sya sinamaan ng tingin. "at hindi Oy ang pangalan ko." sabi ko sakanya saka nagpatuloy ng pagkain. Iba kasi talaga ang tumatakbo sa isip ko ngayon at ayokong maistorbo ang daloy ng mga iniisip ko. Nakakapagtaka kasing meron non dito, ano yun? Gagamitin nila para sa laboratoryo nila? O kaya naman gagamitin nilang pangligpit ng mga daga. Hindi yun imposible, sa tono palang ng pananalita nung titser sa opisina at ang pakikitungo nung estudyante sa pinanggalingang Canteen namin, parang umiiba na ang pakiramdam ko eh.

"Hoy. Roise!" naputol ang lalim ng pag-iisip ko ng biglang akong niyugyog ng kaharap kong dugyot.

"Bakit ba?" iritadong tanong ko.

"Eh kanina ka pa tulala eh." sagot niya.

"Ano bang sasabihin mo?" tanong ko.

"Sabi ko kako bilisan mo na ang pagkain dyan mahuli pa tayo nung presidente ng health club, malilintikan pa tayo kay Mr. POD." sabi niya.

"Mr. POD? Sino yun?" tanong ko.

"Si Sir Rucian. Sya ang Prefect of Discipline dito, Off limits kasi talaga ang lugar na'to sa mga estudyante maliban sa officers ng club." sagot niya habang nililigpit yung kalat sa mesa.

"Eh gulayan lang 'to, bakit naman nila hihigpitan?" tanong ko pa.

"Baka daw kasi may makadisgrasya ng mga gulay at mamatay." 'Baka kamo kasi may tinanim silang lagim dito' sa isip isip ko pa.

"Sino bang presidente ng club na'to?" tanong ko. "Ayos nga pagbabantay nila oh, walang katao tao." puna ko pa saka naman niya ako tinapunan ng balat ng saging.

"Ay pambihira." saka ko sya pinukulan ng masamang tingin.

"Eh Anong tawag mo satin? multo?" sarkastikong sabi niya.

"Nakakaisa ka na ah. Ulitin mo pa, papatulan na kita." banta ko. Hindi naman sya nagpatinag sa banta ko sa halip ay parang baliw na ginagaya gaya ang buka ng bibig ko. Tsk. "Oh eh, sino ba ang presidente dito?" tanong ko.

"Yung sobrang health concious na witch, sya yung presidente dito. Kapag nakakita ka ng babaeng matangkad, sobrang payat, may mahabang kulot na buhok at madaming arte sa katawan. At napansin mong nakalingon lahat sa kanya ang mga taong madadaanan niya tiyak na yun. Si Hara na ang babaeng yun." yamot na saad niya.

"Pangalan lang tinanong ko oy. Mukhang kilalang kilala mo ah." mapang asar na saad ko.

"Wag mo nga akong pinagloloko." inis niyang tugon.

"Eh bakit hindi ba?" tanong ko sabay taas baba ng kilay.

"Pwede ba, ikamamatay ko ang magkagusto sa witch na yun." sabi pa niya sabay inom ng coke in can na kinuha niya dun sa canteen.

"Hoy wala akong sinabing gusto mo yung babae ah. Lumabas yan sa mismong bibig mo kaya wag mong isisi sakin kapag namatay ka sa pagkagusto dun sa Hara mo." sabi ko. Bigla naman niyang naibuga lahat ng nainom niya. Buti nalang at hindi sya sa mesa bumuga, kasi kung nagkataon na sa mukha ko sya bumuga. Bingo na ang isang 'to.

"*Cough* *Cough* Peste ka Roise. *Cough* *Cough* Ito ata ang ikamamatay ko eh. *Cough* " sabi niya habang hapo hapo ang dibdib.

Trouble RoiseOù les histoires vivent. Découvrez maintenant