TR 22

10.2K 574 147
                                    


[Trouble Free day or not? Part 2]

"Oy kalma lang." sabi ko sa banas na pagmumukha ni Lambot. Pupunta nga ata talaga to sa kusina.

"Anong kalma lang?! Makakalma ba ako sa pagmumukhang yan?! Bakit mo dinala ang animal na yan dito?! Sa lahat ng taong dadalhin mo dito, yan pa. Yan pa talaga. Bibitayin ako ni lider kapag nalaman niya 'to." sabi niya.

"Eh sa mapeperahan ko 'to bakit ba?" sabi ko nalang sa kanya.

"Aatakihin ako sa puso dahil sa'yo!" singhal niya. Napangisi naman ako sa kanya at nakipagtitigan. Ilang sandali pa ay sumuko na siya sa tagisan ng titig namin.

"Siguraduhin mong may porsyento ako sa plano mo, pero hindi ko maipapangakong makakaalis yan dito bukas ng walang bangas." sabi niya at padabog na pumunta sa kusina para bantayan ang nililuto niya.

Nang mawala sa harap ko si Lambot ay agad akong dumako sa kinahihigaan ni Angeles.

"Tingnan mo nga naman, ang swerte sa buhay." nasabi ko nalang ng mapansin ang ayos at porma ng suot niya. Kay gandang lalaki pa, Kung kikidnapin ko kaya 'to at hihingan ng ransom ang mga magulang, magiging milyonaryo ba ako? Malamang.

Tinitigan ko na lamang siya hanggang sa magsawa ako at tinatawag na ako ni Lambot para kumain.

'Maniningil ako sa'yo bukas Angeles.'

Naghapunan na kami ni Lambot ng wala si Kalansay. Aasahan mo yun, eh may biyoleta yun kinalolokohan.

"Masarap ka palang magluto huh." puri ko para ganahan siyang magluto ng uulamin namin gabi gabi.

"Hindi mo na ako maloloko Roise. Gets ko na 'yang ugali mong yan." sabi niya nalang at napaismid ako. "Bilisan mo at maghugas ka at aalis muna ako para pumunta ng letsonan." sabi niya sabay tingin sa relo niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Oh alas otso na. Aalis na ako." saka siyang nagmadaling tumayo at nilagay ang platong pinagkainan niya sa lababo at syempre hindi makakaalis 'to ng hindi nakakapaghabilin na akala mo'y di na babalik pa kahit kailan.

"ikaw Roise, maiiwan ka dito ng mag-isa kasama ang hayop na yun. Ayokong mabalitaan kinabukasan na magiging apat na tayo sa pamamahay na ito. Naiintindihan mo? Baka mamaya niyan pagbalik ko dito, tatlo na kayo. Ayoko ng ganon. Okay?!" bilin niya.

"Gago ka ba?" sabi ko sa kanya at tiningnan siya ng masama.

"Nagsasabi lang naman ako." sabi niya. "Babae ka at lalaking wala akong tiwala ang kasama mo dito, ano sa tingin mo ang tatakbo sa isip ko habang tinatadtad yung lechon? Syempre iba! Hindi ko kaya alam ang takbo ng utak ng lalaking yan pano kung gahasain ka? Pano kong isalvage ka niyan, delikado ang taong dinala mo dito Roise kung hindi lang ako kailangan sa lechonan at kung hindi lang ako makikinabang sa plano mo, naliligo na ng sabaw ang taong yun." mahabang sabi niya.

"Hoy. Sino sa tingin mo ang kaharap mo?" sabi ko sa kanya at itinuro sa kanya yung butong nginangatngat ko kanina pa. "Kaya ko ang sarili ko higit pa sa nagagawa mo." napaikot naman ang mata niya.

"Alam ko, kaya kita pagkakatiwalaan at iiwan dito. Nagdadalawang isip man ako pero alam kong mapagkakatiwalaan kita sa bagay na yan." sabi pa niya. "At alam kong walang higit na nakakaalam sa kakayahan mo kundi sarili mo lang Roise pero nag-aalala lang ako sa kung anong sira ang maihahatid ng isang tulad niya sa katulad mo." seryosong sabi niya. Tingnan mo 'tong lalaking 'to parang timang! Ha!

"Ikaw nga ata ang sisira sa utak ko. Hala layas na! Ang dami mong alam." pagtataboy ko sa kanya.

"Tandaan mo ang sinabi ko-" sabi niya pero pinutol ko na siya.

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now