TR 11

14.3K 703 84
                                    



[Dealing with Trouble]

"Saan at Kailan?" tanong ko sa lalaking Brown ang Buhok.

"Alas syete mamaya." sabi niya at sinimulan na niyang akyatin ang gilid ng isang building. Napaismid nalang ako habang tinitingnan ko syang mawala sa paningin ko.

Hmm. Mukhang may kaya naman ang lalaking yun, pwede pa siguro pakinabangan? Psh. Pupusta nalang ako mamaya malay niyo madagdagan pa ang pera ko.

Sinuksok ko sa bulsa ko ang dalawang kamay saka ko sinipa ang maliit na batong pinakamalapit sakin at naglakad na palayo, siguro matutulog na muna ako. Ano na nga ba ang oras? Sinilip ko ang orasan sa isang karinderya na nadaan ko, bale ala una na ng hapon hindi pa ako kumakain at hindi ko pa nabibili ang mga dapat bilhin. Tsk.

Makauwi na nga lang.

Pagdating ko sa bahay ay agad na bumungad sakin ang dalawang abnormal na lalaki na may dalang mga gamit. Malinis na rin ang bahay may floormat na at sa floormat ngang iyon ay nakakalat ang maraming damit PAMBABAE.

"Anakng-! Anong ginawa niyo dito?! Kala ko ba patitirahin niyo ko dito? Bakit niyo ginawang pamilihang mga tela?" tanong ko sa kanila.

"Dito ka nga titira." sabi ni Josua.

"Tsaka hindi lang to basta tela, mga damit pambabae to." tapos ipinakita niya sakin ang hawak nyang tshirt. "Bago ka kasi umalis kanina diba umalis tong si Josua? akala ko nagalit yun pala pumunta ng tiyangge para bilhan ka ng maraming damit, para may mapagpipilian ka. Pagkaalis mo naman ay napagdesisyunan ko ring bumili ng mga gamit kaya rumami ng ganito." sabi niya pa. Napalingon naman ako kay Josua na ngayo'y ngingiti ngiti habang hinihiwalay ang mga damit.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko kailangan ang mga yan?" sabi ko.

"Psh. Bayaan mo na kami. Kuya mo naman kami diba?" nakangiting sabi ni Josua sabay taas-baba ng kilay niya.

"Kelan ko pa kayo naging kapatid?" sarkastikong sabi ko.

"Bakit gusto mong maging girlfriend ko?" tanong ni Josua. "Aray-!" siniko naman sya ni Ian. "Nag-usap na kami, hindi ka na makakatanggi. Welcome to the Family!" sabi pa ni Ian. Bahagya naman akong nagulat sa sinabi niya.

"Mukha bang gusto kong-" naputol ako sa sasabihin ko ng bigla nila akong hinila at niyakap. Peste!

"Wag mo na kaming kontrahin." sabi pa ni Ian. "Ikaw rin."

"Hoy Roise, di porket matapang ka at pilosopo ay hindi na namin mapapansin ang galaw at bawat salitang sinasabi mo." rinig kong sabi ni Josua. "Akala mo hindi namin napapansin na sa tuwing lumalapit kami ay itinutulak mo kami papalayo? Anong akala mo samin bobo?" sabi naman ni Josua.

"Yun naman pala eh, Alam niyo naman pala." sabi ko sabay tulak sa kanila papalayo. "Wag niyong ilapit ang sarili niyo sa taong alam niyong ayaw mapalapit sa inyo. Matalino naman na siguro kayo para maintindihan ang sinabi ko diba?" tapos tinalikuran ko na sila. Pero nagulat nalang ako ng may biglang humila sakin sa magkabilang braso at umakbay.

"Roise ganito kasi yan, kapag lalo kang lumalayo, lalo ka lang naming lalapitan." sabi pa ni Ian. Abnormal talaga ang dalawang to!

"Psh!" tinanggal ko ang pagkakaakbay nila sakin. "Bahala nga kayo." sabi ko nalang tapos ay dumiretso ako sa may lamesa at umupo ng nakadantay sa isa pang upuang bagong bili lang.

Nakangisi naman akong tiningnan ng dalawa. "Oh?" tanong ko.

"Wala. Halika na nga lang dito, pipilian ka namin ng bagay sa'yo." sabi pa ni Josua.

"Mga lalaki ba talaga kayo?" inis na tanong ko.

"OO." sabay pa nilang sabi.

"Psh." ipinagkrus ko naman ang dalawang kamay ko. "Ano ba yang pinagbibili niyo?" tanong ko pa.

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now