TR 10

11.9K 697 35
                                    




[Trouble and the 1st Member]

Saktong pagtalikod ko ay sya ring pagsabog ng looban ng restawran.

BOOGSH!!

Napayuko ako dahil sa pagsabog pati mga rumesponde nadamay. May nakita pa nga akong kamay na tumalsik sa may paanan ko. Anakng-!

Nakaramdam na ang gago!

Nagmadali akong tumawid ng kalsada para habulin ang tumatakbong lalaki. Sa isang makipot na kalsada sya dumaan, yung parang one way tapos may nagtataasang building sa magkabilang gilid ng kalsada, marami ring likuan.

Hindi ko man kabisado ang lugar pero alam kong di malayong magkasalubong kami. Inakyat ko ang hagdanan ng Fire exit ng isang building saka ako tumalon sa isa pang pader tapos nun tinalon talon ko na ang mga bubong ng mga malilit na bahay. Dito naman talaga ako magaling eh, sa Parkor.

Habang nasa taas ay natanaw ko ang pigura ng tumatakbong lalake. Ayos! Ang dali naman pala mahanap ng isang to eh!

Nang malaman ko na kung saang direksyon patungo ang lalaki ay tumalon nako sa lupa sakto namang paglapag ko ay may naglalarong mga bata at may bitbit na tirador ang isa sa kanila.

"Hiramin ko lang!" sabi ko sabay hablot ko ng tirador sa isang bata at karipas ng takbo.

Malilintikan talaga sakin ang lalaking yon pagnahabol ko! Tsk! Kakakita ko pa nga lang ng matino tinong trabaho, pinasabog na agad!

Nang matanaw ko sya ay agad akong pumulot ng mga bato. Ipinwesto ko na ito sa tirador at handang handa na akong patamaan sya ng bigla syang lumiko.

"Peste!" tinapon ko nalang yun tirador at inakyat ko yung pader ng isang bahay. Marami akong nadaanang nagrereklamo sa ginagawa namin. Aba! Buti nga hinahabol ko pa ang kriminal eh!

Lumiko ako sa kabilang direksyon para salubungin ang hayop na yon, swerte namang hindi na sya lumiko pa. "Huli ka." tumalon ako sa harap niya na ikinagulat niya kaya napahinto sya kakatakbo. "Pinagod mo ko eh no?" sabi ko sa kanya.

Bakas sa pagmumukha niya ang kaba sa biglaang pagpapakita ko sa kanya. Sino ba naman hindi kakabahan kung kaharap mo na ang taong kakatay sayo? Tsk. Papatay pala.

"S-sino ka?!" kinakabahang tanong niya habang unti unti syang umaatras.

"Gagawa gawa ka ng krimen tapos ngayong kaharap mo ko matatakot ka?" tanong ko sa kanya.

Tumapang naman bigla ang mukha niya sa narinig mula sakin. "Pano ka nakarating dito?!" singhal niya pero mababakas parin ang kaba sa buong mukha niya.

"Ginamit ko siguro paa ko no?" pabalang kong sagot na ikinuyom lalo ng kamay niya.

"Wag mo kong gagaguhin! Umalis ka sa dinaraanan ko baka ikaw naman ang pasabugin ko! Ha! Hindi mo ata alam, Propesyunal ang kaharap mo!" pagmamayabang niya.

"Asan? Propesyunal sa kapalpakan? Alam mo bilib na sana ako sayo eh, kaso nga lang pumalpak ka. Nilagay mo sana ang bomba sa mismong taong titirahin mo. Tingnan mo ngayon, palpak ka na nga huli ka pa." payo ko sa kanya.

"Anong Huli?! Bakit pulis ka ba?! Masyado mo atang minamaliit ang kakayahan ko bata! Para sabihin ko sayo, Parte ako ng pinakamalakas na Grupo ng Bansa! Wala ka sa kalingkingan ko! Nagmula pa ako sa pamilya ng mga propesyunal na mamamatay tao! Kaya kung ako sa'yo, magdasal ka na dahil ngayong alam mo na ang katauhan ko hindi na kita bubuhayin pa!" banta niya sakin.

Sinabi ko bang magpakilala sya sakin? Psh. Bobo talaga!

Napatingin nalang ako sa kamay niyang may hawak ng baril. May dala nga palang baril ang isang to. Muntik ko ng makalimutan.

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now