TR 23.1

4.8K 312 52
                                    


Inviting Trouble (Filler)

[TROUBLE]

'Putanginang Angeles! Inosente akong naglilinis at dadating siyang mukhang mayordomo ng eskwelahan at aasta siyang kung sinong may-ari. Pwe. Pare-pareho tayong utusan dito oy. Seduce? Yung mukhang yun? Mang-aakit sa akin? Pwe. Pwe.

Ang pagmumukhang yun, yun na ba ang basehan ng kagwapuhan ng mga babae ngayon? Ang baba na ng standards!' Mahabang litanya ko sa sarili ko habang naglilinis. Mula nung umalis ang Angeles na iyon, makailang ulit ko na siyang napatay sa utak ko. Klase-klaseng pang-sasalvage na ang nagawa ko sa loob ng utak ko, magkaroon man lang ako ng munting kaligayahan.

May sayad nga ata sa ulo ang taong 'yon. Pati ako pinatos eh baka pinuntahan lang ata ako non para mantrip. Wala bang kaibigan ang isang 'yon. Ang yaman pa naman. Kung ako yun, matagal ko ng hinuthutan ang taong 'yon. Masyadong matiwala eh. Sa akin palang, akala mo kung sinong kakilala ko.

"Sandali" bigla akong napatigil sa ginagawa ko. Kailan pa ako naging ganito kadaldal sa utak? "Deputa talaga ang Angeles na yan! Dinemonyo ang utak ko!" biglang kong singhal. Nahawa ako sa pagiging baliw niya.

Nagwawalis ako nang may makita akong kwaderno na naiwan sa ilalim nung isa sa mga lamesa ng kwarto. Oh Sino namang nakaiwan ne'to?

Kinuha ko ang kwadernong iyon para sana ilagay dun sa lamesa ng guro nang biglang may mahulog galing dito. Nagtaka naman ako. Isa pala itong magazin pero deputa. Kala mo pagkain yung laman kasi makukulay na kendi yung nasa pinakaunang pahina ng magazin pero nung binuklat ko yung unang pahina. Malulusog na bundok yung sumalubong agad sa akin. Putangina. Bawal to ah.

Pinagbubuklat ko pa yung mga sumusunod na pahina. May mga babaeng nagsusuot ng uniporme ng katulong na pangmayaman pero yung uniporme nila, nakakasama sa tiyan. Luh. Kulang ata pera nila pambili ng desenteng damit, nakakaawa rin.

Tapos kanya kanya pa sila ng posisyon habang ngumunguso o di naman kaya nakapikit ang isang mata. Pambihira. Anak ata ng pirata yung nakapikit ang isang mata at kailangan na ata ipahospital itong ngumunguso, namamaga na labi neto.

"Putcha. Porno talaga." Nang buklatin ko kasi yung sumunod na pahina. Doon na, may milagro na akong nakita. Kingina. Sinirado ko na.

Hindi ko alam kung pano nasisikmura ng ibang tumingin ng mga ganito. Babae ako, ilang taon kong inalagaan yung katawan ko, binihisan at pinaliguan tapos ipapababoy ko lang sa iba? Kanya kanya nga naman ng trip ang mga tao sa buhay. Eh sa buhay nila yan, kung anong ikasasaya nila. Kanila na yun.

Matapos kong linisan ang classrooom ay agad na akong nag-ayos para umalis. Kailangan ko pa makakita ng pagkakaperahan. Syempre kahit may pera akong nahihita kay tukmol kailangan ko pa ring makanahanap ng ibang pagkukuhanan ng pera.

Paano nalang kung dumating ang araw na bawiin ng taong iyon ang lahat ng nagastos niya? Malaking gusot yun. Mapuputol na nga ang pagkukuhanan ko ng pera gagawin pa kong mangungutang kapag nangyari nga iyon. Maliban do'n, gusto ko ring yumaman.

Sino ba namang hindi gugustuhin ang ganon? Alam kong hindi magiging madali ang paghahanap ng trabaho kaya't habang may sinag pa ng araw, eh kailangan ko ng manghunting kakaperahan. Bata pa ko, kailangan ko magbanat ng buto.

Habang naglalakad papalabas ng eskwelahan ay biglang sumagi sa utak ko yung restawran na una kong inaplayan, tinamaan din iyon ng malas eh. Kamuntikan pa akong madamay. Hindi nga dapat tayo magpakampante. Kung minsan kasi ang inaakala mong pinakaligtas na lugar para sa'yo ay yun naman ang pinakamagpapahamak sa'yo.

"Hoy." Punyeta! May pangalan ako oy! At tsaka anong akala niyo sakin? Lilingunin ko? Pakyu.

"Riyal." Tawag niya pa. Isipin mo ang demonyo, darating at darating yan.

"Oh?" Sabi ko sabay lumingon ako sa kanya. "Natauhan ka na?"

"Wait. You'll have to come with me." Sabi niya sabay hila sa akin. Kingina.

"Hoy Angeles. Hindi ako kaladkaring babae." Aba malay ko kung saan niya ako bitbitin, baka bukas ne'to nasa damuhan na ako. Natutulog.

"Kaladkaring lalaki." Pagtatama niya. Inikutan ko naman siya ng mata. Problema ko pa ba 'yon?

"I have something to tell you kanina pero pagbalik ko, you already left." sabi niya. Kita mo 'tong taong 'to.

"Kinulang ka ba sa buwan?" Biglang tanong ko na ikinataka naman niya.

"What?" balik niyang tanong sa akin saka niya ako binitawan.

"Wala."

"Anyway, I have a job for you." sabi niya. Agad naman nagpanting ang tenga ko. Job? Trabaho yun. Tangina, may pera nanaman ako!

"Oh? Maayos ba ang palitan dyan?" tanong ko sa kanya na ikinataas naman ng kilay niya.

"Palitan?" tanong niya.

"Sabi ko kako, gaano ba kalaki ang kikitain ko diyan?" Paglilinaw ko nalang. Eh boplaks para ang tarantadong 'to, palitan lang hindi maunawaan. Mas matalino pa pala ako kesa sa kanya eh. Ha!

"Are you not going to ask what kind of job I have for you first?" pag-i-ingles niya. Puta. Mabuti nalang ako yung tipong nakakaunawa ng ingles pero hindi gaanong nakakasalita, kundi kanina ko pa 'to pinatos.

"Tungkol saan ba 'yang ipapatrabaho mo?" ?" tanong ko nalang sa kanya para dumali na yung usapan namin.

"Not here." sabi niya sa akin saka niya ako hinila papuntang parking lot ng eskwelahan kung saan naghihintay yung kotse tsaka driver niya.Ang yaman talaga ng pamilya ng lalaking 'to. Wala na akong ginawa nung hinila niya na ako, pera pinag-uusapan natin dito eh.

"Loi. Sa mansion." maikling sabi niya sa driver niya.

"Yes, sir." agad naman nitong pumwesto sa driver's seat habang kami rin ay pumwesto na sa likurang bahagi.

"oh? Ano na?" pagtatanong ko. Ang daming thrill naman ata ng lalaking 'to?"You see, I have to go to a formal party later this evening." sabi niya. Napaangat naman ang isa kong kulay. Party?

"Oh tapos anong ipapatrabaho mo sa akin?" atat na tanong ko.

"Come with me to the party." simpleng saad niya. HAAAAAAAAAAA?

"Ako? Isasama mo sa party?" pagkukumpirma ko na tinanguan niya. "AKO talaga? sa PORMAL na party?" Anak ng-

"Yes. You. Ikaw." pagkaklaro niya sakin. Napatawa na lamang ako ng malakas sinabi niya. Ito na ata ang pinakanakakatawang biro na narinig ko buong buhay ko. Si Trouble Roise Mendoza sa isang pormal na party? WOW. Ang gara.

"At ano namang gagawin ko dun?" natatawang tanong ko. Natigilan naman ako nung tinitigan niya ako ng masama.

"I need your help with something." tungkol saan naman kaya yon?

"Magkano ba kikitain ko?" tanong ko nalang.

"Name your price." sabi niya. Bigla naman akong napangisi ng malaki.

PUTA NAME YOUR PRICE.

AKO PA TALAGA ANG SINABIHAN NG GANYAN. BWAHAHAHAHA

"Kahit ano man yan, deal."

~~~~

Rarest Note:

I know napakaikli po nito for an update, this is just a filler pero ang pinaimportanteng part talaga rito ay eto pong note. If you notice, I've change the Title of the story, instead of Trouble: The 7th Member I changed it into TROUBLE ROISE. Why? kasi narealize ko na sa title na Trouble: The 7th Member, it actually limits the potential of the story. Trouble is more than just a 7th Member and please do note that this story is entirely focus on Roise and her life. So I decided to finally changed it but nonetheless, aside from the title there are no major changes in the story and by the way, Trouble Roise next chapter will be updated after I finish L.A. so that's probably next month or earlier. I hope you understand this po.

P.S. Is there someone out there or you know someone na kayang mag-edit ng new cover? I'll really appreciate it po if you refer me to one.

From:

Not yours, will never be yours and never been yours. Charot!

Lyka <3

Trouble RoiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon