TR 14

11.7K 620 24
                                    


Yo! So atlast! Here's the update! Ang tagal ko na rin pinag isipan ang plot nito buti nalang at may pumasok sa isip ko. So here it is, Finalize na ang Plot. ^^ Thank you sa mga nag-intay. I'm sorry talaga kung masyado ng natagalan. >.<

Enjoy Reading!! :)

************

[Trouble Got Pricked!]

*Trouble's POV*

Anak naman ng sanggano. Kahit ilang beses ko pagbalibaliktarin ang utak ko, hindi ko talaga maisip kung bakit ako pumayag sa ganong kasunduan pero di bale na. Makakapasok na ako ng eskwelahan ng walang problema, yun na siguro ang pinakamahalaga. tsk.

"Oh? Ano pang kailangan mo?" tanong ko. Hindi pa kasi ako nilulubayan ng Adik na to.

"Aba syempre, tungkulin kong siguraduhin na hindi..." saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa ng paulit ulit. "Teka, sabihin mo sakin, san ba kita makikita? san ka nakatira?" sunod sunod na tanong niya.

"Bakit mo tinatanong?" tanong kong balik sa kanya saka ko sya pinukulan ng masamang tingin. Bigla naman syang napahinto sa paglalakad at nagtaas ng dalawang kamay.

"Whoa. Easy. naninigurado lang ako na madali kitang makita o macontact kung may kailangan ako sayo." depensa niya agad sa sarili niya.

"Tss. Hindi mo na kakailanganin yun. Mawawala ka naman diba?" Sabi ko nang hindi ko sya nililingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"In case lang. Hindi ko na kasi kontrolado ang mangyayari sa loob ng eskwelahan sa pagpasok mo." sabi niya pa. Napahinto naman ako sa paglalakad.

"Bakit? Sabihin mo sakin, Anong klaseng gulo ang papasukan ko?" tanong ko sa kanya.

"Malaki." agad namang sagot niya.

"Anong kapalit naman ng ipapagawa mo sakin?" tanong ko.

"Name all you want." sagot niya.

Hmm. Sa sinabi niyang yun, talagang malaking gulo ang papasukan ko. Name all you want? Lahat ng gusto ko? Pucha. Eh di ayos na. Ipapasok niya ako sa malaking gulo pwes pagagapangin ko sya sa isang mahirap na kapalit.

"Ganto. Sabihin nalang natin. Magpapalit tayo ng lugar. Ako sa lugar mo, ikaw naman sakin." sabi ko.

"Kung mas malaking gulo yan, aatras ako pero kung hindi, tatanggapin ko." sabi niya pa saka sya umupo sa may tabi ng nakailaw na lamp post habang nakatayo ako sa may gilid niya pero nakaharap pa rin naman ako sa kanya.

"Simple lang. May hahanapin kalang." sabi ko.

"Ano?" tanong niya.

"Hindi ano kundi sino." pagtatama ko.

"Huh? Sino?" tanong niya.

"Seryosong usapan to, oras na marinig mo ito, wala ka nang ibang pagpipilian kundi sundin ako at hanapin mo ang ipapahanap ko dahil kung hindi. Kailangan kitang patahimikin." pagbabanta ko pa.

"Maghahanap lang naman ako ng tao. Chicken." pagmamayabang nya. Good. "Sino ba?"

Tinitigan ko muna sya saglit. Tinitimbang ko kung pwede kong sabihin o hindi sa kanya pero maya maya pa, napagdesisyunan ko nalang na sabihin na.

"Okay. Got it." sabi niya, matapos kong sabihin ang kundisyon ko. "Ikaw na ang bahala sa kanila, ako na ang bahala sa bagay na'to." saka sya tumayo at nagpagpag ng damit.

"Next week. Sisiguraduhin kong makakapasok ka na." sabi niya habang naglalakad na sya papalabas sa ilaw na nasasakupan ng lamp post pero bago pa man sya mawala sa liwanag ay may itinapon syang maliit na bagay na kumikinang patungo sakin. Sinalo ko naman ito habang tinatanaw ang likod niya.

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now