TR 24

4.5K 311 34
                                    


He Brought Trouble Home

Iniisip ko palang kung magkano ang mahuhuthot ko kay Angeles ay hindi na magkamayaw yung kabog ng dibdib ko sa tuwa. Isang gabi lang ata ako magra-racket sa kanya may panggastos nako panglipat ng bahay. Napatawa nalang ako sa sarili kong iniisip. Napakahalaga talaga ng pera sa taong nangangailangan.

Kinukwenta ko pa ang perang kakailanganin ko nang biglang tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking bahay. Sumilip ako sa bintana ng sasakyan saka ko nakita ang napakagarang bahay. Punyeta, tahanan to ng pera!

Kusa namang kumislap ang mata ko sa isiping tiba-tiba ako ne'to mamaya. "Baba na." utos ni Angeles na agad ko namang tinalima. 'Magbabait-baitan muna ako ngayon Angeles, isasantabi ko na muna yung plano ko para sa'yo' sa isip-isip ko.

"Let's go inside." tinanguan ko siya at tiningnan ng maigi ang paligid ng bahay. May tatlong palapag ito at napakamoderno ng disenyo. Hindi ito yung karaniwang bahay sa isang subdibisyon dahil mukhang nasa kabilang mundo ata mga kapitbahay nito. Mga puno at pampaganda lamang yung nakikita kong nakapalibot dito. Hanep, nuknukan ata ng yaman ang mga magulang ne'to.

"Riyal." tawag pansin ni Angeles sakin. Napataas naman ang kilay ko sa kanya nung sinenyasan niya akong pumasok sa isa sa mga kwarto sa pangalawang palapag. "My room."

"Anong gagawin ko diyan?" mapagdudang tanong ko. Kailangan ko pa ring mag-ingat dahil teritoryo ito ng matandang 'to. Matanda kasi kala mo kung sinong nakakatandang mag-isip.

"Sumunod ka." sabi niya lang.

"Hindi ako nagbebenta ng laman, ibang serbisyo yung sinang-ayunan ko." diretsang saad ko. Nanlaki naman ang mata niya.

"Yaks. Kadiri ka." sabi niya. Oh? bagong ekspresyon yun ah. "I will never touch any of those lacking areas." saka niya ako pinasadahan ng tingin.

"Oh? Sa pagkakaalam ko, karaniwan sa kaedaran mong lalaki umaapaw sa pagnanasa at kapag naabutan ng libog wala ng kakulangan pang napapansin." walang paligoy-ligoy kong sabi. Naalala ko tuloy yung magazin na napulot. Putcha totoo nga, may mga bagay talaga na kapag nakita mo na hindi mo na makakalimutan.

"Please. Hugasan mo bibig mo." di makapaniwalang sabi niya. 'Nagtoothbrush na ako oy, kanina lang.'

"At ikaw Angeles, lalaki ka at madali kang makaramdam ng libog kaya ayokong pumasok dyan." pagtanggi ko pa. Kwarto niya yan, alam niya bawat sulok diyan, sa oras na ikulong niya ako diyan wala na akong takas. Mahal ko pa buhay ko at gusto ko pang umuwi.

"For God's sake, I'm just going to let you choose your clothes." naiirita niyang sabi.

"Bakit kung anu-ano nalang pumapasok sa isip mo?" tanong niya saka niya ako inirapan. Puta.

"Bakla ka ba?" tanong ko.

"Shit." mura niya saka siya pumasok sa kwarto niya. Nakita ko naman sa nakaawang na pinto yung ginagawa niya. Napangisi nalang ako nang makita ko siyang umuusok sa pagkairita.

"Kailangan mo ng tulong?" pag-aalok ko pa pero ang dating non ay mukhang iniinis ko siya. Itinaas naman niya ang isang kamay niya saka niya ako sinamaan ng tingin.

"Shut. Up." madiin niyang sabi na ikinangisi ko pa. Nanghahalungkat pala siya ng gamit sa malaking kabinet at naglalabas ng kung anu-ano mula roon. Maya-maya pa ay binitbit niya iyon palabas ng kwarto at lumapit sa akin. Napakunot naman ang noo ko nang ilapag niya iyon sa may sofa malapit sa kinatatayuan ko. Pinasadahan ko ang mga gamit na iyon ng tingin.

"Ano ba talaga ang kailangan kong gawin sa party na yan?" tanong ko.

"Kailangan ko ng kasama sa party and I can't go without company." sabi niya sa'kin.

Trouble RoiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon