TR 27

4.3K 288 24
                                    

Trouble at the Party 3

"Are you okay?" tanong ng isang lalaking kausap niya habang pinukulan niya ako ng tingin.

"Everything's fine." sagot ni Angeles. Nanatali naman akong tahimik sa gilid niya.

"Sino siya?" tanong nung lalaking pandak. Sa unang tingin ko palang sa kanya, sa palagay ko siya yung tipo ng taong madada.

"No one." sagot ni Angeles na ikinataas ng kilay ko. No one?

"Parang hindi?" Pilit ng lalaki na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay at ginamitan ng tingin na nagsasabing, 'Anong tinitingin-tingin mo ah?'

"He's just a bodyguard Sun." Tipid na sagot ni Angeles.

"Bodyguard? Really? She looks young." Diretsong sabi nung tinawag ni Angeles na Sun. Oh? Nasasabi niya? "Don't take me for a fool, I know how to identify a woman from a man. Hindi na ako magtatanong pa sa rason, you know what you are doing and besides, hindi ka kukuha ng sanggano ng walang rason." Baling niya kay Angeles.

"And yes, you are a girl pero mas mukha kang sanggano kesa sa amin dito." Tukoy niya sakin.

"You-" sabi nung isang lalaking kanina pa nanahimik. "Sun! Tumahimik ka nalang please? You don't have to be so rude." Sabi nung lalaking tahimik dun kay Araw.

"Sorry. Pagpasensyahan mo na kapatid ko. He always spout nonsense." Turan sakin nung lalaki.

"You don't have to say sorry. It's a fact." Biglang sabi ni Angeles na ngayo'y nakatingin sakin ng nakataas ang isang kilay.

"You guys are so rude. Miss, pasensyahan mo na 'tong dalawang 'to, malalaki lang ang katawan ng mga 'to pero napakachildish." Alanganing nakangiti ang lalaki habang kinakausap ako. Matapos kong titigan ang lalaki ay binaling ko na muli ang atensyon ko kay Angeles. Ayoko ng makipagdiskusyon pa sa mga taong 'to dahil aksaya lamang iyon ng oras.

"Do'n lang ako boss." Sabi ko kay Angeles at umaktong aalis na ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo ay hinatak niya ako pabalik.

"Stay. Don't wander around. These people are not the ones you can afford to offend." bulong ni Angeles sakin.

Nginitian ko naman siya ng pilit sabay mahina kong sabing,"Kung hindi mo nakikita waiter ho ako ngayon." saka ko ipinakita ang tray na kanina ko pa hawak. "Saka alam kong kinuha mo lang ako para walang tauhang sunod ng sunod sa'yo, kaya nga iniwan mo ko sa labas hindi ba? Kaya ho, magwawaiter muna ako habang wala akong ginagawa, baka dito pa ko makakuha ng limpak limpak na tip at yaman din lamang na suswelduhan mo ko mamaya, eh gagampanan ko na ang pagiging bodyguard mo habang nagwe-waiter." dagdag ko habang nginingisihan pa rin siya.

"You really love money." iritang sabi niya.

"Syempre naman, sinong aayaw sa pera? Kaya naman boss. Do'n lang ako sa mga kauri kong waiter. Mamatyagan ka ng mabuti, bawat galaw mo hindi makakalampas sa paningin ko pati na ang mga kasama mong mukhang anak ng mayayaman na tulad mo." Napataas muli ang kilay niya sakin.

"'Wag mo kong subukan." nakangiting sabi niya rin sa akin.

"Pakatandaan mo boss, hindi ako ang nanunubok sa'yo. Hindi ako kundi sarili mong persepsyon." Umiiling iling kong sabi saka ako bumuntong hininga. "Sige boss, nasa paligid ligid lang ako. Nakatingin." saka na ako tuluyang umalis.

Matapos ang munting engkwentro ko kay Angeles ay dumiretso agad ako sa may counter na puno ng wines at kumuha ng iilan para ilagay sa tray kasabay naman non ang pagsasalita ng kung sino man sa entablado na dahilan upang makuha nito ang atensyon ng lahat. May kung anong sinasabi iyon na hindi ko na binigyan pansin dahil may isang lalaking nakasuot din ng katulad kong uniporme ang lumapit sakin. Nakatingin pa ito sa mata ko.

Trouble RoiseDär berättelser lever. Upptäck nu