TR 1

19.4K 805 189
                                    

Warning:

Mahilig magmura ang ating bida kaya unawain niyo sya. xD

Mag-iintay pa sana ako ng pagkatapos ng L.A. kaso di ko kayo matiis eh. Chapter 1 is up. Unspecified pa ang araw ng next UD but hopefully soon na. L.A. muna. hahaha. Hope you enjoy this Chap. ^^

Lovelots. <3

zozozozozozozozozozozozo

[Trouble In The City]

Mag-isa nalang ako.

Yan ang itatatak ko sa isip ko mula ngayon. Ang gagong Chip kasi iniwanan ako. Inunahan pa.

Kala ko talaga sa aming dalawa ako ang unang matitigok dahil ako ang may pinakamahabang buntot at sungay, yun pala, uunahan niya ko. Anak naman kasi ng baka, di naisipan ng bala na umiwas. Natamaan tuloy si Chip.

Alam ko na iniisip niyo ngayon. Pano ako nakakapagsalita ng ganito, eh kamamatay pa lang ni Chip. Alam ko, pero ganon talaga ang buhay. Una-unahan lang. Eh nauna siya at anong akala niyo sakin? iiyak at magluluksa habang buhay?

Nako, kung sa kalye ka titira di ka na aabutin ng umaga. Malulunod ka na sa luha, nauto ka pa ng tao.

Life must go on. Ika nga.

Maiba nga tayo, Ano nga ba yung sinasabi ni Chip? Ah. Mag-aral daw ako.

Sus. Ano pa bang kailangan kong malaman? Eh halos alam ko naman lahat, di nga lang ang kasosyalan.

Sosyal kasi ang tawag ko sa mga nag-aaral. Para sakin kasi, para sa pormalidad lang yang pag-aaral, hindi naman kasi lahat ng inaaral ay nagagamit mo. Basta alam mo dumiskarte sa buhay at marunong kang magbanat ng buto, eh mabubuhay ka na. Ayos na yun.

"Bless you." sabi ko sa harap ng puntod ni Chip saka ko itinusok yung krus na gawa ko sa kahoy at baging na nakita ko nung naghahanap ako ng lugar ng paglilibingan ko kay Chip. "San ka man ngayon Chip. Hintayin mo lang ako dyan tutuparin ko muna pangako ko at pangarap mo at bantayan mo na rin ako. Ayos ba? Para sa ganon maging quits na tayo. Tutuparin ko pangarap mo at ikaw babantayan ako. Pakonswelo mo nalang na wag akong multuhin." sabi ko habang inaayos ang mga bulaklak at dahon na ginawa kong dekorasyon.

"Pahinga ka lang dyan. Tingnan mo na lang ang mga mangyayari sa patapon kong buhay. Sige, Alis nako. May mga pangarap pa kong tutuparin, babalikan kita. Itaga mo yan sa bato."

Dala dala ang mga bag at pangako ko kay Chip ay umalis nako sa lugar na yun. Ayoko na kasing maging madrama pa sa buhay, tapos nako dun.

Sa ngayon, diploma na ang prayoridad ko at ang mabuhay ng simple. Alang alang man lang kay Chip at sa mga plano niya dapat sa buhay niya. Kargo ko tuloy pati yun. tsk.

"Unsa mani Uy!" (Ano ba to!) rinig kong sabi ng isang babae sa may di kalayuan. Bisaya ata to eh.

"Sus, lami kaayo ipanglabay ni ba. Kung dili lang jud kinahanglan bitbiton ning mga gamita ni. Wa na jud nako ni gibitbit." (Sus, Ang sarap itapon ng mga to. Kung hindi lang talaga kailangang dalhin ang mga gamit na'to. Hindi ko na sana dinala.) Rinig kong talak ng babaeng nagsasalita ng bisaya habang abala sa pag-aayos ng mga gamit niya. Nabuksan kasi ang maleta niya sa gilid ng kalsada at nagkalat ang laman.

Lumapit ako sa kanya. Umangat naman ang tingin niya sakin at bahagya syang ngumiti. "Tabangan ko nimo?" (Tutulungan mo ko?) Nangunot naman ang noo ko. "Ah tagalog." mahinang bulong niya pero narinig ko. "Ah miss, tutulungan mo ko?" tinagalog naman niya ngayon ang tanong niya at muling nangunot ang noo ko.

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now