TR 16

14.9K 661 70
                                    


[First Day Trouble Part 1]

1. Find Xylem (He's short-tempered better watch out for him)

Check.

Hindi ako pwede magkamali, yung lalaking yun siguradong Xylem ang pangalan non. Xylem Angeles hmm, walanghiya rin yung lalaking yun ah. Kung di lang dahil sa pesteng unggoy na yun at sa listahang 'to, tatablahin ko na yun. Tsk.

Ano na nga ba ang sunod?

Titingnan ko na sana ulit ang listahan nang biglang may nagsalita, agad kong tinago ang papel sa bulsa.

"Ah! Ikaw yun!" gulat na sabi ng babaeng nakatayo sa harap ko. Itinaas ko naman ang ulo ko para makita ko ang mukha ng babaeng to.

"Oh?" Yung babae pala na nakita ko kanina. "Ah." Tumayo naman agad ako at nagpagpag. Ilalagay ko na sana sa ulo ko ang bonnet na bigay nila Lambot nang may bigla akong maalala.

Takte ang bonnet, nasibat.

Aalis na sana ako nang pigilan niya ako. "T-teka sandali." Ano ba talagang problema ng isang to?

Hindi ko nalang sana sya papansinin at magpapatuloy nalang sa paglalakad pero agad naman akong napahinto nang pumasok sa isip ko yung payong na baon ko.

"Yung payong." sabi ko sabay harap sa kanya saka ko inilahad ang palad ko.

"Ha?" tanong niya.

"Yung payong ibalik mo." sabi ko ulit nang hindi ko binababa ang kamay ko. Nakita ko naman syang nakatulala. "Nangangawit na ko, bilis na, ibigay mo na yung payong." sabi ko na unti unti ng nauubusan ng pasensya. Sa halip na sagutin ako ay tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa, at namamanghang nakatingin sakin. Anong tinira nito?

"Ang gwapo niyo po!! Kyaaah." nagitla nalang ako nang bigla syang sumigaw. O.O "Kahit na medyo mahaba ang buhok niyo, okay lang po!! mukha ka naman pong K-pop at J-pop artist. ah basta, Ang gwapo niyo po!" daldal niya. O.o

Payong lang hiningi ko umabot na sya sa K-pop at ano, J-pop? Ano yun? tsaka Mahaba ang buhok? Hindi pa nga gaanong nakakaabot sa balikat ko buhok ko, mahaba na agad? Sarap batuhin ah.

"Yung payong san na?" iritadong sabi ko. Mukha na kasi syang bulalakaw, sobrang umiilaw na ang mata kulang nalang bumagsak sa sobrang luwa.

"Payong...? Ah yung Payong! Tama, Tama." parang baliw na sabi niya. "Nasa classroom pa eh. Hehe. Teka po, may klase ka po ba ngayon? Break pa kasi namin eh." dagdag niya. Tinatanong ko ba? "Kung wala po, pwede po bang sumama ka sakin saglit? uhmmm. Sige na po. Ako nga pala si Rona Enrique. Call me Rona!" masiglang pakilala niya sa sarili niya. Tiningnan ko naman sya mula ulo hanggang paa. Naka uniporme sya ng maayos; ang palda hindi halos umabot sa tuhod, may nakasabit na I.D at nang kung ano mang abobot sa leeg, nakatali na ngayon ang mahabang buhok niya. Hmmm. Mukha naman syang desente tignan, katiwa-tiwala naman ang pagmumukha, pero sabit lang sa Po.

"Mukha ba akong gurang para po-po-in mo?" tanong ko sa kanya na mababakas mo na talagang iritado na talaga ako sa babaeng to, bigla namang bumagsak ang ngiti niya. Napataas naman ang kilay ko sa inakto niya. Wag mong sabihing iiyak to? Mukhang iiyak nga!

'Bwisit!' mahinang bulong ko sa sarili ko.

"Roise itawag mo sakin. Tara na, san na yung payong ko?" tanong ko nalang at lumakad na lagpas sa kanya. Nakita ko namang biglang lumiwanag ang mukha niya.

"Roise!" tawag niya sakin, nilingon ko naman agad sya.

"Ano?!" tanong ko.

"Hindi dyan, dito sa kabila." Hindi ba? Umikot naman ako at naglakad patungo sa daan na tinuro niya, naramdaman ko naman syang sumunod sakin.

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now