TR 2

16.2K 727 66
                                    

Salamat sa sumuporta. ^^ Hindi ko man kayo mamention alam ko namang, alam niyo kung sino kayo. Lalong lalo na sa nagcocomment. I really love you guys! Your the best!! Thanks for the wait. :))

zozozozozozozozozozozozozozo

[Trouble meets IAN]




"Anong ginagawa mo dito?!?!" singhal niya sabay bagsak ng kutsilyo sa counter. Bahagya namang nagulat yung ibang customers at yung manang na tinawag niyang nay.

"Juskong bata ka!" saway sa kanya ng tindera.

"Ay sorry po nay. At ikaw! Anong ginagawa mo dito?!"

"Wow. Marunong ka palang mag-Po." sarkastikong sabi ko.

"Yan, Yang batang yan. Yan ang nambubulabog sakin dito. Madami pa kong customer oh. Ginugulo niya pagtitinda ko. at Teka nga Magkakilala ba kayo?!" sumbong naman ng tindera.

"Hindi Nay!! Kaaway ko yan!" sabi niya tapos dinuro ako.

"Ha. Kaaway." bulong ko sa sarili ko. "kelan ba ko naubusan non? tsk."

"Anong binubulong bulong mo dyan?!?! Yang pagmumukha mong yan. Ang kapal talaga, Kala mo kung sino. Ikaw na nga tong tinulungan kanina, ikaw pa tong gagong nagalit!" singhal niya muli. Nagalit ba ko? Pinagsabihan ko lang sya ah. tsk. tsk. tsk.

"Bakit? Kapag pinabili ka ng Toyo; Suka ang iuuwi mo?" sagot ko.

"ha?! Ano?! Anong toyo at suka?!"

"Tsk. Alin ba sa tubig ang kunin mo ang hindi mo naintindihan?" sarkastikong tanong ko.

"Aba! Naiinom pa rin naman yung buko juice ah! Parehas lang yun!! At bakit mo bang ginagawang malaking bagay yun ha?!" galit na sigaw niya sakin. Nagsitinginan at nagsikumpulan naman yung nakapila sa paligid namin at nagbubulungan.

"Ang punto ko dun, ay dapat marunong kang sumunod sa utos." simpleng sabi ko.

"At sino ka para pagsabihan ako?! Tibay mo rin ah! Hindi mo ba kilala kung sino ako?!" pagmamayabang niya.

"At sino ka naman para kilalanin ko?"

"Sumasagot ka pa! Ako lang naman ay isa sa pinakamalakas na siga dito! At kita mo tong kutsilyong to?! Umalis ka na bago ko pa itarak sayo to!" sabi niya.

"IAN!! Ano bang pinagsasabi mong yan!" sabi ng Manang.

"Nay kasi sumusobra na ang tomboy na'to!" giit naman niya.

Tomboy?

"Nag-uuwi na pala ng mga pasa at putok sa labi ang mga pinakamalakas na siga ngayon." mahinang sabi ko. Nagsitawanan naman ang mga nanunuod samin.

"Aba't!-" Magsasalita na sana ang lalaking nagngangalang IAN kaso pinigilan sya nun Manang.

"Paalisin mo na nga yan dito!!" Utos sa kanya nung Manang.

"Ibigay niyo muna ang Lechon Manok." sabi ko.

"Anong ibibigay?! Hindi to charity house! Alis dyan. Potek. Alis!"

"Ayan ang bayad. Ibigay mo sa batang to ang Lechon Manok. Babalik ako kapag ginago niyo." Hindi ko na inantay ang sasabihin niya at tumalikod nako't umalis.

May babalikan pa kong gamit. ~.~

Bumalik ako sa pwesto kung saan ko iniwan ang mga bag ko at ang bata. Laking gulat ko na lang sa nadatnan. O.O Anak naman ng teteng! Nandon nga ang bata wala naman dun ang isang bag!

Trouble Roiseحيث تعيش القصص. اكتشف الآن