TR 30

3.7K 283 85
                                    

Trouble with the Gang

"Nosebleed." sabi ni Angeles. "N-o-s-e-b-l-e-e-d."

"N-o-s-e-b-l-e-e-d." pag-uulit ko sa sinabi niya. "Nusblid."

"What the fuck?" Mura niya. "Nose-bleed. Softer."

"No-seblid." Pag-uulit ko habang pilit na hinahabaan ang pasensyang meron ako.

"Fuck. You can do better." Isang mura nalang sa akin, bibigwasan ko na ang isang 'to.

"Nosebleed." Pagkaklaro ko na.

"Exactly. Yan yung nangyayari sa'yo ngayon." iritadong sabi ni Angeles. "You're nosebleeding just by reading these words. Didn't you have proper education?"

"Iba yung edukasyong nakasanayan ko." sabi ko habang inaalala yung mga sesyon namin sa Compound.

"What?" tanong nito.

"Sabi ko kako, ibang edukasyon ang alam ko. Yung tipong napapakinabangan sa buhay." Napataas naman ang kilay ni Angeles sa sinabi ko.

"Look. I know hindi ka naman zero percent when it comes to english. You understand me a bit right?"

"Kahit papano oo."

"Then that's good. We've been at it for a week, it's impossible na wala kang natutunan. Sooner or later you'll catch up sa mga lessons mo." Sabi niya pa. Isang linggo na niya akong ginawang tagapagbantay dito sa opisina nila.

Hindi na ako nagreklamo dahil maliban sa may matatambayan na ako eh may libreng pagkain pa rito. Bakit pa ako magpoprotesta kung ganitong buhay din naman matatamasa ko?

May mahabang bangko na tulugan, may ref, tahimik at walang gaanong tao. Ano pa bang hahanapin ko?

"Hoy nga pala, kailangan mo pa ng bodyguard? O yung kahit tumatayo lang sa tabi mo? Pwede ako. Basta ba eh pareho ang bayaran." Tukoy ko sa sweldo na nakuha ko mula sa kanya nung nakaraang araw. Humingi ako ng kinse mil para lang sa iilang oras na pagsuot ng suit and tie at pumayag ang Angeles na ito. Ang sarap pagsamantalahan nitong taong 'to.

Kung magpapatuloy ang ganito, yayaman ako ng mabilisan. "Ano na? Gusto mo kong kunin ulit?" Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Kapag natuto kang magsalita ng straight english, I will hire you again." Sabi niya pa.

"Gago ka? Eh parang sinabi mo na ring idonate ko na lahat ng dugo ko. Tangina mo. Tatayo lang ako sa gilid mo, hindi ako magsosona."

"Kahit idonate mo pa lahat ng dugo mo. Your blood is not enough for my worth. Paano kung nakidnap ako. Let say ng mga foreigners, how will you know their demands if you can't understand them? I need a fully functioning bodyguard."

"Anong akala mo sa sarili mo, may gintong dugo? Pucha, eh kung ganon lang naman pala, ako na lalaslas sa'yo nang mabenta ko at hindi ko na kailangan pang magtrabaho habang buhay." Saka ko inagaw yung papel na sinulatan niya ng mga spelling. "Kung nanghingi ka nalang kaya ng bodyguard sa tatay mong bilyonaryo? Sa ganong paraan, wala ka ng poproblemahin."

"You don't understand."

"Oh? Ang alin?"

"I don't want them meddling with my life. I can make my own decisions. Ayokong tratuhin nila akong babasagin, I am a grown up now. Hindi na ako tulad ng dati. I have to have my own people."

"Ang sabihin mo, para malaya kayong makapagkita ng babae mo. Ulol ka ang dami mo pang rason. Tsaka, natural lang naman na sundan ka ng mga magulang mo."

"What do you mean?"

"Natural magulang sila, anak ka. Galing ka sa dugo nila. Eh tangina lang, pinagpaguran ka pa nilang gawin. Hangga't nariyan sila at buhay pa, susundan at aalalayan ka ng mga 'yan. Tsaka hanggang sa hindi ka pa nakakatayo sa sarili mong mga paa, sakop ka parin sa puder nila kaya bata ka pa rin sa paningin nila." Nangunot lang ang noo niya sa sinabi ko. "Anong tingin 'yan?"

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now