TR 29

5.1K 294 53
                                    

The Troubled Trouble

Nakauwi ako ng bahay ng mga alas onse na ng gabi. Tatlong oras akong naglakad pauwi, umabot pa ako sa puntong halos malibot ko na ang buong paligid para matunton lang ang letseng mga palatandaan patungo sa tinutuluyan ko.

Hindi na ako sumakay ng jeep dahil short na rin ang pera kong dala at isa pa, hindi ko alam kung anong routa ba ang sasakyan ko para makarating sa destinasyon ko.

Pagod na pagod ang paa ko nang makarating ako sa pintuan at doon bumugad sa akin ang dalawang taong mukhang patay na. Pagod na ako, nagkalat pa talaga ang mga gago.

Marami kasing basyo ng mga inumin ang nakakalat sa lapag at sa mesa. Nag-inuman ang mga taong to na walang pasabi ah. Walang pag-aalinlangan kong sinipa ng mahina ang balikat ni Kalansay na nakaupo sa lapag habang ginagawang unan ang mga braso nitong nakapatong sa mesa. Naglaway pa talaga. "Hoy." Tawag ko pero hindi siya naging. Makailang ulit ko pa siyang pinagsisisipa hanggang sa tinabig niya yung paa ko.

"Violet. Hihihi. Wag kang ganyan." lasing na turan niya na ikinakunot ng noo ko. Muli, ay sinipa sipa ko ang isang balikat niya. "Sabi ko wag eh. Hihi." Nanaginip ata. Tangina may pagkaharot pala ang Kalansay na'to.

Nang hindi ko magising si Kalansay eh lumapit ako kay Lambot na ngayo'y prenteng nakahiga sa mahabang upuan ng sala habang nakabukas ang bibig kakahilik. Ngunit natigil iyon ng magpalit siya ng pwesto na ngayong nakatalikod na sa akin. Inakala ko namang naalimpungatan na siya kung kaya't nagtanong ako. "Lambot, ba't dito kayo tumambay?"

Kung hindi ko kasi mapapaalis ang dalawang 'to, eh saan ako matutulog? Maglalatag pa ako ng karton at banig dito.

Dala na rin ng pagod at pagkabwisit ko sa paglalakad eh malakas kong pinagtatatampal ang dalawa."Hoy bangon. Mga gago kayo, ang sarap ng tulog niyo, hindi niyo man lang nilinis kalat niyo."

"Hoy!" Sa huling bulyaw ko ay nagising na nga ang dalawang.

"R-roise?!" Gulat na sabi ni Lambot saka niya otomatikong tinapunan ng t-shirt si Kalansay na kalahating hubad pala ngayon.

"Hoy Josua. Umayos ka!" singhal ni Lambot saka nagmamadaling pinagkukukuha yung basyo ng inumin sa mesa at sahig. Si Kalansay naman ay bugnot na sinuot yung shirt.

"Nandyan ka na pala Roise." malat na boses na sabi ni Kalansay.

"Matapos niyong ligpitin kalat niyo. Magsiuwi na kayo. Gabing-gabi na baka hanapin kayo sa inyo."

"Teka nga. Ba't ngayon ka lang?" Tanong ni Lambot nang maisantabi na niya ang mga basyo ng inumin.

"Rumaket ako." Simpleng saad ko.

"Rumaket ng ganitong oras ng gabi? Tsaka ba't ganyan suot mo?" Pagtatanong ulit niya. Napaikot naman ang mga mata ko. Hindi ako pakakawalan ne'to kung hindi ko masagot ng maayos 'to.

"Eto nga yung raket ko. Maging sekyu nung mayamang kaeskwela ko sa party na dinaluhan niya."

"Sekyu? Ba't ikaw?" Tanong niya ulit.

"Ba't hindi ako?"

"Hanep ah sekyu. Malaki ba kita diyan?" Tanong ni Kalansay na mukhang humupa na ang kalasingan.

"Eh name your price daw eh. Lalakihan ko paghingi ng sweldo bukas." Sabi ko nalang.

"Meron bang ganon? Empleyado yung magbibigay kung magkano ang bayad?" tanong muli ni Lambot.

"Meron yung boss ko."

"Ayos ah. Ipasok mo ko kung pwede ah." sabi pa ni Kalansay na ngayo'y dumadampot na ng kalat.

Trouble RoiseUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum