TR 17

14.5K 653 59
                                    

[First Day Trouble Part 2]

GRRRRRRRR!

Tunog ng galit kong tyan yan. Ang bagal bagal ng pila, mabuti pa nga ang pagong nakakausad pa eh kami ni makahakbang ng isa, hirap pa.

Malaki nga ang eskwelahan, malaki rin naman ang Canteen yun nga lang maraming estudyante. "Wala bang ibang Canteen dito? Pambihira naman oh." tanong ko sa lalaking tatawa tawa kanina.

"Meron." sagot niya.

"Malaki ba dun?" tanong ko ulit saka humakbang paabante mahirap na baka masingitan.

"Oo, tsaka hindi masikip, maganda nga don eh."

"Ganon naman pala, eh ano pang ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya.

"Dito nalang tayo." nag-aalangang sabi niya. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Dito? magtyatyaga ka sa siksikan?"

"Pero kasi... ilag ang mga estudyante don eh. Dito nalang, mas malapit pa sa classroom." seryosong sabi niya.

"Bakit? may bayad ba ang Canteen don?" tanong ko ulit.

"Wala p-pero... Basta Roise dito nalang muna tayo."

"Ano bang meron dun?"

"Estudyante rin. Dito nalang tayo." Seryosong saad niya. Nagkatinginan naman kami saglit saka ko iniwas ang paningin ko para tingnan ang pintuan ng Canteen. Punong puno ng estudyante at ang init init na.Tsk.

"Tara." sabi ko saka ako umalis sa pila.

"Huh? Ah t-teka! San ka pupunta?! Hoy! Roise!" sigaw niya sakin. "Dito lang ako! Magpapa-iwan lang ako!!... O-oy! Pambihira naman oh!" naramdaman ko namang sumunod sya sakin. Yan ba ang magpapaiwan? Ayos din ah.

"Ituro mo sakin ang daan papunta dun." sabi ko sakanya.

"Magpapakamatay ka ba?!" gulat na tanong niya habang pilit niyang hinaharangan ang dadaanan ko.

"Bakit naman ako mamamatay?" tanong ko.

"This is suicide!" singhal nya sakin. Tinabingi ko naman ang ulo ko sa kanya na para bang sinusuri ko ang pagmumukha niya kung nagsasabi man sya ng totoo.

"Hindi ko alam kung anong meron sa king inang Canteen yan at nagkakaganito ka." seryosong sabi ko. "Gutom na ako at ayokong makisiksik pa dun, kung ayaw mong sumama edi magpaiwan ka at magtiis ka don mag-isa. Ibigay mo lang sakin ang direksyon papunta sa kabilang Canteen at makakaalis ka na. Okay na ba yun sa'yo?"

"Pero Roise delikado don." pakiusap niya.

"Mas delikado pag ako ang nagutom!" sigaw ko sa kanya. "Hindi ako pasensyosong tao kaya ituro mo na kung san yang lintik na Canteen na yan para makabalik ka na don." Gutom na talaga ako, hindi pa ko kumain kanina ng agahan.

"Aish! Sasama na ako." pagsuko niya saka sya nagpatiuna. Tingnan mo 'tong lokong to.

"Sasama rin naman pala eh!" sabi ko. "San ba?"

"Liko tayo dito sa kabilang side pa kasi yun ng school, alam mo na, malaki ang school kaya nilagay sa magkabilang side ang mga Canteen." sagot niya at nagpatiuna na sa paglalakad. Tumango tango naman ako sa mga pinagsasasabi niya kahit hindi ko na masundan ang ilan. Kumakalam na kasi talaga ang sikmura ko, konti nalang makakasapak na ako ng taong dadaan sa gilid ko.

"Nandito na tayo." sabi niya ng huminto sya. Napahinto naman ako saka ko sya tiningnan ang malaking kahoy na pinto. Napataas ang kilay ko ng mapansin ang lugar. "Sigurado kang Canteen to?" tanong ko sa kanya.

Trouble RoiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon