TR 6

14.4K 640 40
                                    


Hi Guys! ^_^

Eto na po yung update. Thank thank you talaga. Paalala lang po pala, hindi po matino ang date ng update nito. Sana maintindihan niyo. :)

xoxoxoxoxoxoxoxoxo


[Trouble Got A Job]

Maaga akong nagising para ayusin ang bahay. Wala naman akong nadatnang dalawang hunghang na lalaki kaya sa palagay ko ay maganda ang simula ng araw ko at tyak masisira yun mamaya.

Matapos kong maligo, magbihis at kumain ay sinimulan ko na nga ang pag-aayos ng bahay. Sa totoo lang ngayon lang talaga ako nagkaroon ng pagkakataon para makapag-ayos ng ganito kalaking bahay kumpara naman kasi sa barong barong kong bahay noon ay mas makakapante ako sa espasyo nito, idagdag mo pa na walang makikihati sakin, kaya solb na sakin to. Pansamantala lang naman eh.

Nang matapos kong ayusin ang mga gamit na bitbit ni Ian kagabi ay napagdesisyunan kong umalis muna para bumili ng mga kakailanganin ko pa dito. Bibili rin ako ng ilang damit. =.= Iniwanan lang nila ako ng dalawang pares ng damit bago sila nagsilayas kagabi.

"Psh." Pagkaapak na pagkaapak ko palang papalabas ng pinto ay may bumungad saking dalawang lalaking nakangisi.

Sabi ko na nga ba, hindi matatapos ang araw ko hanggat hindi nagpapakita ang dalawang to. Tsk. Hindi naman kami close pero bakit ganito nalang ang takbo ng utak ng dalawang to? Kung makaasta parang ang tagal na naming magkakakilala eh hindi naman.

"Anong ginagawa niyo dito?" bungad ko sa kanila.

"Aw naman. Wala man lang Good Morning?" nakangiting sabi ni Josua.

"Oo nga naman, Good Morning Roise." nakangiti ring bati ni Ian.

Nakangiti man sila ng malapad pero para sakin ang ngiting yun ay ngiting may masamang balak. ~.~

Sinamaan ko sila ng tingin. "Anong pinaplano niyo?" tanong ko. Tumingin naman sila sa isa't isa at sabay na ngumisi.

"Wala akong panahon sa inyo." saad ko at dumaan sa pagitan nilang dalawa.

"Teka teka." pigil nilang dalawa sakin. Sabay naman nila akong hinila sa magkabilang braso.

Peste naman o, oh. May lakad pa ko eh.

"Sapak gusto niyo? Bitawan niyo ko." malamig na sabi ko. Di naman sila nagpatinag at tuluyan na nga nila akong hinila papasok ng bahay. Dun ko lang napansin na may bitbit pala silang bag.

Ano nanaman kaya ang binabalak nila?

"Easy ka lang Roise, tyak matutuwa ka sa ipapakita namin sa'yo." sabi ni Josua sabay hila ng bangko papunta sa likuran ko.

Itinulak naman ako ni Ian para mapaupo doon sa bangko. Sa pagkabigla ay hindi nako nakapalag pa.

"Umupo ka lang dyan at may ipapakita kami sa'yo." nakangising sabi ni Ian. Napataas naman ang kilay ko sa turan niya. Anong importanteng bagay ang ipapakita nila sakin at ganito nalang nila ako ngisihan?! Takte! Ipaalala niyo nga sakin kung pano ko ba nakilala ang dalawang to na ngayon ay kung umasta parang di nila ako sinubukang upakan?

Ano bang meron sa mga tao dito?!? Ang luluwang ng turnilyo! Ang daling limutin ang mga pinaggagagawa nila sa isang iglap lang. Psh.

"Roise. Hehehe. May ipapakita kami sa'yo." sabi ni Josua na parang may tinatago sa likod niya ganun din si Ian.

"Ano?" tanong ko nagkatinginan muli sila sabay pakita ng mga hawak nila sakin.

Napataas naman ang kilay ko sa mga bagay na hawak nila.

Trouble RoiseWhere stories live. Discover now